Kabanata 15

1582 Words
Lianna's POV It's exactly one week after that incident. Wala akong naririnig na balita mula kay Ace at wala na rin akong balak na alamin pa. I admit, I miss him so much. Pero wala akong magawa. Isang linggo na rin magmula ng makitira ako dito sa bahay nila Levi. Sa loob ng isang linggo, naging masaya ako kasama sila. Lagi lang akong napapatawa nila Tito at Tita. Lalo na kapag nag-aasaran silang dalawa. Parang ang swerte nila sa isa't isa. Walang makakatibag sa pagmamahalan nila. "Hey sweetheart. Malapit ng lumubog yung araw. Pumasok ka na at baka mahamugan ka pa." tawag sa akin ni tita mula sa garden. She really treats me like her own child. Magtatagal pa ako dito. Nung isang araw lang kasi, nakatanggap ako ng tawag mula kay dad na isang buwan pa ang itatagal nila sa ibang bansa. Nakwento ko na rin sa kanila ang nangyari. Sabi nga nila uuwi daw kaagad sila dito pero pinigilan ko sila. Sinabi ko na ayos naman ako dito sa bahay nina Tita Leni. Nabanggit ko rin sa kanila na alam ko na magkaibigan sila kaya hindi na sila nag-alala pa. "Opo papasok na po ako." sabi ko kay Tita saka ako sumunod sa loob. Pinaakyat muna ako sa kwarto ni Tita at tatawagin na niya lang daw kami kapag nakahanda na yung pagkain. Sobrang bait ng pakikituring nilang lahat sa akin. Ramdam na ramdam ko na welcome ako dito sa bahay nila. "Lian? Can I come in?" kumatok sa pinto ko si Levi. "Sige." sabi ko na lamang at iniluwa ng pinto si Levi na hawak hawak ang phone ko. Naiwan ko pala yan sa kwarto niya? "You left your phone. Someone's calling earlier. Sa tingin ko ay importante iyon." pahiwatig niya saka ibinigay sa akin ang phone ko. Tinanggap ko naman iyon at agad na tinignan kung sino ang tumawag. Si Andy. This girl. Tch ilang buwan din iyang hindi nagparamdam sa akin. And the same goes for Heather too. "Babalik na ako sa kwarto ko ah. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." sabi ni Levi at lumabas na ng kwarto ko. Agad ko namang di-nial ang number ni Andy. Hindi naman nagtagal at sinagot niya ito. "Hey! Hindi ka nagparamdam ng ilang buwan tapos tatawagan mo ako ngayon?!" bulyaw ko sa kanya. "I'm sorry okay? Busy lang talaga ako these past few months. I have good news for you." sabi niya sa akin. "Ano yun? Siguraduhin mo lang talagang good news iyan ah." sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa kabilang linya. "Nasa airport ako ngayon. Sunduin mo ako, dear. Nakarating na ako sa Pilipinas." banggit niya. Napatigil naman ako dahil doon. Is this even real?? "Totoo ba yan? Nandito ka na sa Pilipinas?!" tanong ko sa kanya. At halata sa tono ng pananalita ko ang excitement. "Oo kaya bilisan mo na. Pagdating mo dito sa airport, may surprise pa ako sayo." sabi niya saka ako binabaan ng linya. Tignan mo ang isang ito. Ni hindi man lang hinayaan na magpaalam ako sa kanya. Lumabas ako ng kwarto at sakto naman ay lumabas din si Levi. "You look like you're going somewhere." sabi niya sa akin. "Oo. Dumating yung kaibigan ko galing ibang bansa. Sabi niya sunduin ko daw siya." pahiwatig ko. Napa-tango naman siya. "Hatid na kita." pag-aalok niya. "Nako wag na, Levi. Magpahinga ka na lang dito ako na yung susundo sa kanya." sabi ko sa kanya. Nahihiya na kaya ako. Pinatira na nga nila ako lahat-lahat tapos magpapahatid pa ako? May hiya pa rin ako kahit papano. "I insist, Lian. Ikaw na mismo ang nagsabi, galing siyang ibang bansa. Meaning may mga luggages na mabibigat kaya mahihirapan kayong buhatin yun. Tara na." sabi niya sa akin saka ako inunahang bumaba sa hagdan. Wala na talaga ang makakapigil kay Levi kaya naman ay sumunod na ako sa kanya. Sinalubong naman kami ni Tita sa baba. "Mom, baka hindi na kami makapag-dinner dito ni Lian. Susunduin lang namin yung kaibigan ni Lian sa airport." sabi ni Levi sa kanyang ina. "Sige. Basta kumain kayo ng hapunan ah. Wag kayong magpapalipas ng gutom. Mag-iingat kayong dalawa." sabi ni Tita saka humalik sa aming dalawa ni Levi. Kami naman ni Levi ay pumunta sa parking lot para kunin ang kotse na dadalhin namin papunta sa airport. "Sabi ko kasi sayo ako na lang eh. Baka mapagod ka pa." sabi ko sa kanya. Napakakulit talaga ni Levi kahit kelan. "It's my last day in our house. Bukas ay babalik na ako sa dorm house ng grupo namin. Tapos kaliwa't kanan na rin ang mga guestings namin sa susunod na araw kaya hindi na kita makikita. Alam mo ba kung gaano kahirap yun para sa akin na hindi ko makita ang bestfriend ko? Baka nga bihira na lang kita makita eh." nagtatampo kunwaring sabi niya. Tama siya. Bukas ay kailangan na niyang bumalik sa dorm house. Nakakalungkot tuloy. Wala ng mangungulit sa akin lalo na kapag ginigising ako. Siya na ata ang nakatoka para gisingin ako sa umaga eh. Lagi siyang nagpapatugtog ng malakas mula sa mga soundtracks sa phone ko. Eh yung mga musics ko pa naman doon, puro k-pop. Akala ko tuloy, may nagco-concert na boy group. Panira ng araw diba? Kung hindi naman siya magpapatugtog, wiwisikan niya ako ng malamig na tubig. Kung hindi naman yun, lalakasan niya yunh thermostat ng aircon. Ang gandang pampagising diba? Pero imagine Levi waking you up everyday tapos magandang mukha ang nakikita mo araw araw? Oh diba? Pak na pak. "Oo na nga. Ipapakilala kita sa kanya. Mabait ang isang yun although may pagkaka-parehas kayong dalawa ng ugali." sabi ko. Pertaining to Andy. "Ewan ko sayo." sabi na lang ni Levi at pinagpatuloy ang pagda-drive ng kotse. Excited na talaga akong makita si Andy. Si Heather na lang talaga ang kulang eh. Bakit kasi ayaw mambalita ng isang yun. Nagtatampo na ako sa kanya ah. "Nandito na tayo." sabi ni Levi saka siya nag-park. Agad naman kaming bumaba ng sasakyan at tinawagan ko si Andy. "Hey, nasaan ka na?" tanong ko sa kanya. "Nasa labas ako. Alam mo yung pinupuntahan ng mga taxi? Malapit doon."  saad niya sa akin. "Ok sige. Pupunta na kami diyan." sabi ko sa kanya saka ko siya binabaan. Hinila ko naman kaagad doon si Levi kung saan yung lugar na sinabi ni Andy. Ng makarating kami, agad kong hinanap si Andy. Ng makita ko siyaay agad ko siyang tinawag. "Andy!!" tawag ko sa kanyang pangalan. Nagulat naman siya at napatingin sa akin. "Lianna! Gosh I missed you so much! Marami akong ikukwento sayo!" sabi niya at tumayo para yakapin ako. Niyakap ko naman siya pabalik. "Ehem. May tao pa po dito." sabi ni Levi sa amin. Hiarap ko siya at nakita kong suot niya yung itim niyang cap at mask. Oh yeah. Artista nga pala siya. "Who's this man with you? May kaibigan ka ng holdaper?" nagtatakang tanong ni Andy sa akin. "No! Of course not! Hindi siya holdaper." pagdedepensa ko kay Levi. Si Levi naman ay binaba ng kaunti ang mask niya at tinanggal ang kanyang cap. "I'm Levi Anderson. You must be the Andy that Lian's been mentioning." sabi ni Levi at napatulala naman sa kanya si Andy. "You mean, the Levi Anderson? Are you really Levi Anderson?" gulat na tanong ni Andy sa kanya. "Hahahaha yes." natatawang sagot sa kanya ni Levi. "OMG! I can't believe this. Can I take a picture?" tanong niya kay Levi. Pumayag naman siya at kumuha sila ng picture na magkasama. Sabi na nga ba at magugustuhan ni Andy si Levi eh. Well, crush niya kasi si Levi. Gwapo daw kasi tapos may pagka-mysterious type. Pero hindi niya ito gusto na as a man.  "So what's the surprise you've been saying, Andy?" tanong ko sa kanya. Para namang may naalala si Andy at ngumiti bigla. "So you really think na hahayaan ko kayong dalawa na magsaya dito ng wala ako? Huh!" sigaw sa amin ng isang pamilyar na boses at lumapit para yakapin ako. Gosh. Is this true? Hindi ko pwedeng kalimutan ang boses na ito! It's Heather! God knows how much I missed these two. "Heather! Goodness! Paano ka nakapunta dito?" takang tanong ko. "Nagkita kami ni Andy sa Italy. Parehas kaming naka-destino doon. And luckily, parehas din ang day na bakasyon naming dalawa para sa trabaho then we decided to go here to be with you. Alam mo bang sobrang na-miss kita? Marami pa kasi akong kailangang tapusin sa trabaho kaya hindi ko kayo naco-contact these past few months eh." pagku-kwento niya sa akin. Ako naman ay hindi mapigilan ang tuwang nararamdaman sa akin. Si Heather naman ay napatingin kay Levi at bakas sa kanilang dalawa ang pagkagulat. "Levi? What are you doing here?" gulat na tanong ni Heather sa kanya. Wait. They know each other? "Heather? I should be the one asking you that. What are you doing here?" pagbabalik ng tanong sa kanya ni Levi. Okay. What is happenning in here? "She's my best friend so I should be here." sabi ni Heather kay Levi. "And Lian is my bestfriend too." sabi naman ni Levi. Kami naman ni Andy ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Napatulala lang kami sa kanilang dalawa. Wala akong maintindihan dito. "Sandali sandali." awat ko sa kanilang dalawa. "Magkakilala kayong dalawa?" tanong ko sa kanila na naguguluhan. Silang dalawa naman ay parang nagpaawat. Tumingin sila sandali sa akin at maya-maya pa ay nagsalita na si Levi. "Heather's my ex."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD