Levi's POV
Namumutla si Lian.
"Tigilan niyo ng dalawa iyan." saway niya sa amin habang nakangiti. Paano niya nagagawang ngumiti sa sitwasyong ito?
"Lian..." tawag ko sa kanya.
"Tara na, Levi..." aya niya sa akin saka namin iniwan si Ace na mag-isa roon. Sinulyapan ko siya.
"Pawis na pawis ka, Lian." sabi ko sa kanya.
"T-tumakbo ako. Napagod kasi ako sa kakahanap sa iyo." sabi niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Alam mong lumabas ako?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko agad nalaman. Nalaman ko lang nung nauhaw ako tapos uminom ng tubig. Hinanap kita pero hindi kita nakita." paliwanag niya.
"Narinig mo ang lahat ng pinag-usapan namin kanina?" tanong ko sa kanya. "No. Kakarating ko lang at kung ano yung sinabi ko kanina, yun lang ang narinig ko." paliwanag niya sa akin.
"Take me out of here, Levi." sabi niya bigla at napahinto kami.
"Hindi ko na kayang nakikita si Ace. Lalo akong nasasaktan. Hindi mo ba narinig kanina? Sabi niya isa akong malaking pabigat. Tao rin ako, Levi. Nasasaktan." sabi niya. Hindi na siya umiiyak ngayon.
"Iuwi mo na ako, Levi. Not in Ace's house. Wala sila mom and dad sa bahay nila dahil may kailangan silang asikasuhin sa ibang bansa." pakiusap niya sa akin.
Nang makarating kami sa mansion ko, pumunta ako sa kwarto at ginising si Lovi. Pinaalam ko sa kaniya na iuuwi ko na si Lian. Baka sa bahay muna namin siya tutuloy para maasikaso siyang mabuti.
"Ayos na ba ang lahat ng gamit?" tanong ko sa kanila. Pinakuha ko na kanina sa mga empleyado ko ang gamit ni Lian sa kwarto nila ni Ace.
"Yep." sabi ni Lovi. Lumabas na kami ng resort at sumakay na sila sa kotse ko. Bago iyon ay nagpaalam na muna si Lovi sa tropa na aalis na kami. Hindi na sila nagtanong kung bakit.
Tulog lang si Lian buong biyahe at ginising lang siya ni Lovi ng makarating kami sa bahay.
"Señorito, nakahanda na ang kwarto na pinahahanda ninyo." bati sa amin ni Manang Carol ng makarating kami sa mansyon.
"Salamat ho." sabi ko sa kanya saka kami pumasok.
"Levi, iho. Buti at dumating na kayo. Sino ang kasama ninyo?" tanong ni mom ng makarating kami.
"Si Lian po. Bestfriend ko." sabi ko kay mom.
"Mukhang pagod na pagod kayong lahat. Gusto niyo ba muna ng makakain?" alok sa amin ni mom.
"Ikaw Lian? Gusto mo ba munang kumain?"
"Ayos lang ba? M-medyo nagugutom na rin ako. Hindi tayo kumain ng---"
"Kakain kami, mom! Gutom na gutom na ako mula kanina pa." singit ni Lovi.
"Hahahahaha! Tamang-tama, kapapahanda ko lang ng pagkain. Kumain na kayo." sabi ni kom sa amin. Pero bago kami makapunta sa dining area, pinigilan kami ni mom.
"Pwede ko bang kausapin si Lian?" tanong niya. Tumingin naman ako kay Lian na gulat na gulat.
"Mom. Mamaya mo na--"
"It's okay, Levi." saway sa akin ni Lian. Napabuntong hininga ako saka kami dumiretso ni Lovi sa dining area. Kung ano-ano na naman ang tatanungin niya kay Lian.
Lianna's POV
One word to describe Levi's mom. Sophosticated. Ang elegant ng mom niya. Pero natatakot ako dahil baka sungitan niya ako. Hindi mo halata sa kanya na may anak na siya. Dahil kung ako ang tatanungin? Mukha pa siyang dalaga para sa akin.
"Come here, iha." sabi niya at inalok akong umupo sa sofa. Sinunod ko naman siya.
"Magandang gabi po sa inyo, Mrs. Anderson. Ako po si Lianna Edwards." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Mahirap ngumiti sa lagay ko na ito. Lalo na sa mga narinig ko. Pero pinipilit ko parin ang maging masaya.
"That's too formal. Call me tita." sabi niya.
"T-tita..." sabi kong muli.
"There! Mas maganda nyahahaha." sabi niya saka tumawa ng kaunti. Ngayon, alam ko na kung kanino nagmana si Levi.
"Gusto ko lang tanungin kung girlfriend ka ba ni Levi." sabi niya at halos umubo ako sa tanong niya.
"H-hindi po! Bestfriend ko lang si Levi. Wala pong iba." mabilis kong depensa sa kanya.
"Sayang naman. Bagay pa naman kayo ng anak ko. Akala ko boyfriend mo siya since todo ang alaga niya sayo. Lagi ka rin niyang binabanggit sa amin." kwento niya.
"Kasi nga po bestfriend ko siya." paliwanag ko.
"Ano nga pala at naparito ka, iha? May problema ba sa inyo?" tanong niya sa akin. Wala namang masama kung sasabihin ko kay Tita.
"Uhm, nung dumating po kami ng family ko dito sa Philippines, nakitira po ako sa anak ng friend ni dad since they said that he insisted it. So I lived there for months. Until we decided to go for a vacation in Levi's resort. That's when things started to be out of control. Apparently, friend po yun ni Levi. Si Ace Montero." pagku-kwento ko kay Tita.
"Ace? So you lived with him? Palagi rin siyang pumupunta dito since he's a close friend of Levi." sabi ni Tita.
"So you like Ace?" tanong niya sa akin.
"Hehehehe opo." sagot ko sa tanong niya.
"So what happened?" tanong niya sa akin.
"He kissed me but I saw him kiss another girl. They were kinda making out. And the night later, I heard him talking to Levi. They were fighting. I heard Ace and he said that I was just a huge burden to his life. He said that if it wasn't for his father, he wouldn't let me stay with him. I thought that he's happy spending time with me but it turns out that he's not." naiiyak kong kwento.
"Be strong, iha. Do you love him?" tanong niyang muli. Maging ako ay natigilan.
"Siguro po. Hindi ko siya matiis eh. Kahit anong galit ko sa kanya, hindi pa rin amalis nun na gusto ko siya. Na may feelings pa rin ako para sa kanya." sabi ko habang unti-unting tumuulo ang luha ko.
"Ganyan talaga ang pagmamahal iha. I also experienced that kind of pain. When you thought that someone is happy whenever he's near you but then again, you only think he is. But deep inside, he is not. I was deeply hurt back then. But Levi's father came. He helped me move on. At first I was irritated and I hate him for always helping me. I told him to get lost. You know what he said to me?" pagkukwento sa akin ni Tita.
"Ano pong sabi niya?" curious kong tanong.
"He said that 'Love is sacrifice. Okay. I will get lost like you told me to. I will never bother you anymore. But what you said will never change the fact that I will always love you. I will sacrifice for you to be happy.' yun ang sinabi niya. Siyempre sobrang saya ko noon. Sabi ko 'Yes! Malaya na ako. Wala ng manggugulo sa kin.' but that was only for that day. The next day, I felt lonely. Like a piece of my heart is taken away. I did everything that is possible for me to be happy. But I never felt happy. Until I realized it. I love him. I already love him. I love Venom." kwento ni Tita.
"Your husband's name is Venom?" tanong ko.
"Yes. It's kinda cool right? My name is Leni. Levi and Lovi was from our combined name. L and V." nakangiti niyang saad. Napatango ako.
"So ayun. I reached for him. Ako na ang naghabol. Sobra sobra na ang paghahabol na ginawa niya kaya ako naman ang gumawa. Mahal ko siya pero hindi ko yun na-realize. It was too late dahil nakita kong may kasama siyang ibang babae. I realized that I was too late. Hindi ko siya pinahalagahan noong sa akin pa siya. And now, nagsisisi ako. Ginawa ko ang lahat. Umamin ako sa kanya at nanghingi ako ng tawad. Akala ko ay sasabihin niyang hindi na kami pwede pero nagulat ako ng yakapin niya ako. It turns out that the girl I saw with him is his sister from America. Naging kami. Hindi namin hinayaan na masira kami ng kahit na ano o sino. Of course hindi maiiwasan na maka-encounter ng mga problema. Pero madali namin iyong nalampasan dahil iniintindi namin ang isa't isa. And look at us now, happily married with each other having two children." saad niya sa akin. Nakakatuwa ang love story nilang dalawa. Buti pa sila masaya at kuntento sa isa't isa.
"Ang swerte niyo naman po pala, Tita." sabi ko sa kanya.
"Yes, I am. But the time will come that you will also have your own." makahulugang sabi niya sa akin. Bigla namang may dumating at sinalubong kami.
"Honey." tawag ni Tita sa kanyang asawa. Isa lang ang masasabi ko. Wow. Ang gwapo! Bagay nga talaga silang dalawa!
"Well, who do we have here?" tanong niya sa asawa.
"Lianna Edwards po sir." sabi ko.
"Call me tito. Levi is always talking about you. Are you possibly related to Lander and Layla Edwards?" tanong niya. Kilala niya sila mom at dad?
"They're my parents po, tito." sabi ko sa kanila.
"They're a close friend of mine. Classmate ko ang dad mo back in highschool." kwento niya at natuwa naman ako.
"Mom? What's taking you so long? Gutom na kami dito." sulpot bigla ni Lovi.
"I bet gutom na si Lianna." sabi niyang muli.
"Then let's eat!" sabi ni Tita at inaya kaming lahat para kumain.