Kabanata 13

2163 Words
Levi's POV "Just what do you think you're doing, Lian?" Nandito kami sa lugar ko. This is my own private area here in this beach and resort. This is my own paradise. Walang ibang nakakaalam tungkol sa lugar na ito except my employees and me. And now, Lian. Dito ko siya dinala para naman mahimasmasan siya sa nangyari kanina. At ngayon? Behold, Lian, my bestfriend, had her own decision to get drunk. "I always drink whenever I'm depressed." maikling salita niya. Kanina pa siya ganyan. Halos magi-isang oras na kami dito sa lugar ko. Sinulyapan ko ang phone niya na nasa tabi ko at tinignan iyon. Maraming missed calls galing sa tropa. Tinignan ko ang lahat ng iyon pero ni isa sa mga iyon, hindi ko nakita ang pangalan ni Ace. Tinignan ko si Lian. Hindi siya umiiyak. Kahit kanina. Tahimik lang siya at para bang nasa ibang mundo ang utak niya. Ngayon ay naaawa ako sa bestfriend ko. Earlier, she begged me to bring her to some place where no one can find her. Even my twin sister, Lovi. Sila ang madalas na magkasama these past few months at masasabi kong close talaga sila. After all, Lian, is also a model like my sister. Napakadaming missed calls ni Dale at ni Lovi. Tumawag din sa kanya si Luan. So she's friends with this psycho? Ha! "Lian, everyone is worried about you. We should return." sabi ko sa kaniya. Siya naman ay patuloy lang sa pag-inom ng wine. Oo wine ang iniinom niya at hindi naman malaki ang alcohol content nun kaya hinahayaan ko lang siya. She knows how to handle herself naman. "No. I don't want to. If we return, there is a high possibility that I can see Ace. Right now, I can't even bear to hear his voice, Levi. Please understand me for now." pagmamakaawa niya. Tumabi ako sa kaniya at nagsalin ng wine sa baso ko. It's better to join her getting drunk than just watching her. "Okay. Do you want to stay here all night?" sabi ko sa kanya. "Yes. Maybe tomorrow, I'll be better." sabi niya at mapait na ngumiti. "Hindi mo ba ipapaalam kina Lovi na ayos ka lang? Their still worried about you. Even Luan." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at maya-maya, hiningi niya ang phone niya. "But what if they track my location?" tanong niya ng may bahid ng pag-aalala. Ngumisi naman ako. "Have you forgotten that your bestfriend is a hacker? Tutulungan kita para hindi ka nila mahanap. Pero ngayon lang, Lian. By the time that you get better, babalik na tayo." sabi ko at pumayag siya. Binuksan niya ang phone at nag-text sa iba na ayos lang siya pero hindi niya pinaalam kung nasaan siya. Ilang sandali pa ay tumawag ang kakambal ko. Jesus. Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Napaisip ako sandali. No. Goodness. Alam niya ang lugar na ito! "Lovi?" tawag ni Lian ng sagutin niya ang tawag. "Yes. I'm fine. No. I'm with someone. What? No way. Lovi! Please don't tell them. Okay. Bye." binaba ni Lian ang tawag at sumulyap sa akin. "Anong sabi niya?" curious kong tanong. "Kinumusta niya lang ako. Pero sabi ko wag niyang sabihin na tumawag ako sa kanya." paliwanag niya.  Maya-maya naman ay may narinig kaming nagsisigaw sa labas. Isang matining na boses. "Wait..... is that Lovi?!" gulat na tanong sa akin ni Lian. "Unfortunately, yes. Alam niya ang lugar na ito at mukhang alam niya rin na dito kita dinala." paliwanag ko. Napabuntong-hininga siya. Ako naman ay pumunta sa pintuan at pinagbuksan siya. "Sabi na nga ba't nandito kayo eh. Why would you hide Lianna, my psycho brother?!" bulyaw niya sa akin habang naglalakad kami papasok ng bahay. "I didn't hide her. She requested me to bring her in a peaceful place where no one can find her. So I brought her here." sabi ko. Lumambot naman ang ekspresyon niya ng makita si Lian na umiinom ng wine. "Lianna? Why the hell are you drinking?!" gulat niyang tanong. Hindi naman sumagot si Lian kaya bumaling siya sa akin. So ano ako dito? "Malungkot lang siya, twin." sabi ko saka umupo sa tabi ni Lian. Siya naman ay umupo sa kabila kung saan katabi noya rin si Lian. "Tell me what's the problem." sabi ni Lovi. Hindi ulit sumagot si Lian pero ngayon, nakita kong lumuha siya. Agad naman niya iyong pinunasan. "Ang sakit, Lovi." yung lang ang tangi niyang sinabi. "Why? What happened to you? Nasugatan ka ba or something? Are you injured?" sunod-sunod niyang tanong saka hinarap sa kanya si Lian. God. My twin and her fun-sized brain. "She means emotionally, twin." sabi ko sa kanya at napatango na lang siya na tila ba naiintindihan niya. "Wait... what?! Oh, I get it! Don't tell me tungkol ito kay Ace?!" sunod sunod niyang tanong ako naman ay nagulat. "Alam mo?" tanong ko sa kanya. Siya naman ay ngumisi. "I'm not her friend for nothing. Ako ang unang nakaalam, twin. You're the bestfriend yet I know better than you?" sabi niya. Ang dami niyang alam. "What did he do to you?! Sabihin mo sa akin!" ratatatat niya. Hahahaha! Natutuwa lang ako sa kanya kapag galit siya eh. Si Lian naman ay tumingin lang sa kanya pero hindi nagsalita. "Ako na lang ang magsasabi." pagpe-prisinta ko sa kaniya. Alam kong mahirap para kay Lian na ikwento ang nakita niya kanina. "Well, Ace and Lian.... earlier, they kinda kissed--" "What the hell?!" sigaw niya at nagulat ako. Dinaig pa ng babaeng ito ang magta-taho sa lakas ng boses. "Totoo ba iyon?" tanong ni Lovi. "Yes..." mahinang sagot sa kanha ni Lian. Napabuntong hininga naman si Lovi sa narinig. "Naging awkward ang atmosphere para sa kanila kaya naman hindi sila gaanong nagpapansinan kanina. After we ate lunch, I toured Lian around L.A. Paradise. That's when we saw Ace making out with a girl near the pool." paliwanag ko sa kanya. Si Lovi naman ay nanahimik lang pero kita ko kung paano niya sinara ang kamao niya. Geez. Nag-aral pa naman ang isang ito ng martial arts. "That freaking son of a ferocious monster! I'm gonna kill him!" sigaw ni Lovi at akmang tatayo ng pigilan siya ni Lian. "Ano bang gagawin mo?" tanong ni Lian sa kanya. "I'm gonna teach him a lesson." galit niyang saad. "Twin, kung magalit ka naman diyan akala mo ikaw yung nasasaktan eh. Kumalma ka nga." saway ko sa kanya at napanguso na lamang si Lovi. Baliw na ang kakambal ko. "Ang sakit...." mahinang saad ni Lian. Kami naman ay napatahimik sa kanya. Sino ba ang hindi masasaktan sa ganung nangyari?! Manhid lang ang hindi. "I understand you, Lianna." sabi naman ni Lovi sa kanya. "Hinalikan niya ako. Tapos makikita ko na lang na may hinahalikan siyang ibang babae. Ano ba iyon? Kating-kati ba ang labi niya at kailangan niya ng babaeng hahalikan?! Nandidiri ako sa kanya!" sabi ni Lian saka umiyak. Halos buong gabi siya umiyak at buong gabi din namin siyang piaoatahan ni Lovi. Ngayon lang siya umiyak ng ganyan. Technically, ngayon ko lang siya nakitang umiyak dahil lagi naman siyang masaya at nakangiti eh. Nakatulog na siya ngayon. Malamang ay dahil sa pagod. Binibuhat ko siya ngayon patungo sa kwarto. Ng makarating kami ay binaba ko siya sa kama at iniwan ko na sila ni Lovi. Sabi naman niya ay siya na ang bahala kay Lian. That fvcker. I'm gonna kill him for making Lian cry. Siya ang nagsabi sa akin noon na huwag na huwag siyang paiiyakin. Pero ngayon siya naman ang gumagawa?! I can't take this. With or without explanation, siya pa rin ang mali. I don't care kung tama siya.  Lumabas ako ng mansion at pinuntahan sa resort si Ace. Hinanap ko siya sa cottage pero wala. Tinanong ko na rin sa mga empleyado ko kung naroon ba siya sa kwarto niya, pero wala din. Where the hell is that punk?! "Levi!" tawag sa akin ni Race. "Alam mo bang kanina pa namin kayo hinahanap? Nasaan si Lianna?" tanong niya ng lingunin ko siya. "Where's Ace?" tanong ko. "Ha? Hindi ko alam. Kanina lang ay umalis siya tapos sabi niya magpapahangin lang daw malapit sa dagat." sabi niya sa akin. "Thanks, man." sabi ko sa kanya at saka tumakbo. Tinawag pa akong muli ni Race pero hindi ko na siya pinansin. I'll deal with this scumbag first. Nakita ko naman siyang nakatayo at nagpapahangin. Nagawa niya pa talaga ang magpahangin sa nangyayari ngayon?! Agad akong lumapit sa kanya at hindi ako nagsayang ng oras para suntukin siya. Siya naman ay mukhang gulat na gulat sa nangyari at hindi agad nakatayo. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Anderson?!" bulyaw niya sa akin. Ako ay napatawa na lang. "Ikaw?! Ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina ha?!" sigaw ko pabalik sa kanya. Natigilan naman siya bigla sa nasabi ko. Tumayo siya agad pero wala siyang sinabi. Kinwelyuhan ko siya. "Sagutin mo ako, Montero. Ano ang ginawa mo kanina?! Nalaman ko na hinalikan mo si Lian. Pero ano yung nakita ko! Sagutin mo ako, Ace. Ipaliwanag mo ang nakita namin kanina sa may pool!" nagliliyab ang mga mata ko sa galit. Sa lahat ng tao, hindi ko inaasahang siya pa ang gagawa nun kay Lian. "Bulag ka ba? Sa tingin mo, anong ginagawa namin kanina?" pabalang niyang tanong. Para naman akong nag-apoy sa galit at sinuntok siyang muli. "Anong karapatan mong saktan si Lian ha?! Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon na huwag siyang sasaktan. Pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa nangyayari ngayon. "Wala akong ginagawang masama. Masama na ba ngayon ang manghalik ng iba? Ano ang magagawa mo kung hindi ko nagustuhan ang halik ni Lianna? Eh sa mas magaling humalik yung babae kanina. Kung hindi pa nga kayo dumating, hindi kami titigil eh. Baka may ams maganda pang nangyari." ngumisi siya sa sinabi niya na para bang wala lang sa kanya ang nagyari kanina. "Tangina mo, Montero!" sigaw ko at sinuntok pa siya. Wala akong pake kung mamatay pa siya dito at mawalan ako ng kaibigan. "Tigilan mo ako, Anderson. Wala kang magagawa sa nangyari kanina. Bakit ba pinagtatanggol mo si Lianna? Dahil ba may gusto ka sa kanya?" tanong niya sa akin na halata ang hirap niya sa pagsasalita. Hindi ako makatiis sa inaakto ni Ace ngayon. "Oo! Anong gagawin mo ngayon?" pabalik kong tanong sa kaniya. Nagtiim ang bagang niya. "Wala. Wala akong magagawa diyan, Anderson. Kung gusto mo eh di sayo na." sabi niya na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko. "Hindi naman kawalan sa akin si Lianna. Marami akong pwedeng ipalit sa kaniya kahit kelan ko man gustuhin. Hindi ko lang magawa dahil hiniling sa akin ni dad na patirahin siya sa bahay. Kung hindi naman iyon sinabi si dad ay matagal ko na siyang pinaalis. Bakit? Dahil pabigat lang siya sa akin. Isa lang siyang malaking pabigat sa buhay ko. Kung gusto ko naman ng babae, marami akong makukuha. Sayang nga lang dahil maganda siya. Pero nakakasawa din siya eh. Sawang-sawa na ako sa kanya." parang nagdilim ang paningin ko sa mga salitang nadinig ko sa kanya. Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa kaya ko. Anong karapatan niyang sabihin iyan kay Lian? Nakita ko na nagdudugo na ang labi niya pero wala akong pake. Dapat lang ito sa kanya. "Levi.... tama na yan..."  Napatigil ako dahil sa malumanay na boses na tumawag sa akin. s**t. "L-lianna?" tawag ko sa kaniya saka ko siya hinarap. May ngiti sa mga labi niya at kitang kita ko ang maamo niyang mukha sa kabila ng kadiliman ng langit. "Tama na yan, Levi. Bumalik na tayo doon. Inaantok na ako. Alam mo bang napagod ako sa kakahanap sayo?" nag-aalala niyang sabi. "K-kanina ka pa diyan?" nauutal kong tanong. Sinulyapan ko si Ace at ganoon din ang reaksiyon niya. Gulat na gulat. "Hmmm... hindi naman." sabi niya at tumawa kaunti. "N-narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?" kinakabahan kong tanong. s**t. Sana hindi niya narinig. Hindi niya ako sinagot. Pero tumingin siya kay Ace. Hindi yung seryosong tingin. May ngiti sa mga labi niya ngayon pero alam kong peke lang iyon. "Ace..." malumanay niyang tawag dito. Hindi naman sumagot sa kanya si Ace at tinignan lang siya nito. "Sana naman sinabi mo sa akin na isa na pala akong pabigat sa buhay mo. Sana sinabi mo na lang sa akin para ako na mismo ang umalis at umiwas sa iyo. Hindi yung hinayaan mo pa akong makitira sa bahay mo. Sana sinabi mo na lang para naman hindi ako nagmukhang tanga noon na akala ko kaibigan ang turing mo sa akin pero sa kaloob-looban mo, sinusumpa mo na ako na umalis sa bahay mo. Don't worry, dahil alam ko na, sinisigurado ko sa iyo na pagbalik mo sa inyo, wala na ako doon. Hindi na ako magiging pabigat sa iyo. I will stay away from you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD