Lianna's POV
"Balik na tayo doon. Malapit ng mag lunch time." yaya sa akin ni Luan pabalik sa cottage. Pumayag naman ako saka kami bumaba sa bato at dumiretao na sa cottage. Naabutan naman namin ang iba na nag-aayos na ng kakainin. Boodle fight. Gusto ko itong subukan noon pa pero hindi ko magawa dahil masyado akong busy.
"Oh? Buti naman dumating na kayo. Tamang-tama at kakain na. Pumunta na kayong dalawa dito." sabi sa amin ni Kuya Dale. Sinunod namin siya at dumiretso naman ako kung saan nakapwesto sina Lovi at ang iba. Napadaan ang tingin ko kay Ace at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Agad ko namang iniwas ang paningin ko at tinuon ang pansin sa iba. Ang awkward. Paano na kaya mamaya? Aish. Ano bang g**o ang pinasok ko?
"Hey, Lian. Tabi tayo." sabi ni Levi at tumabi sa kanan ko. Nasa kaliwa ko naman si Lovi. Napapaggitnaan ako ng kambal. Hayyyts.
"Kumain ka nito." sabi ni Levi saka niya inilapag sa kainan ko yung sugpo. Sa dahon kami ng saging kumakain ngayon at nagka-kamay kami. Although hindi pa ako gaanong marunong.
"Hindi ako marunong magbalat ng sugpo." sabi ko sa kanya. Kahit nga hipon hindi ako marunong eh. Ayoko talaga ng mga pagkaing binabalatan.
"Nako ang bestfriend ko. Oo na ipagbabalat na kita kamahalan. May bayad ito ah." sabi niya sa akin. "Ngek! Sapak gusto mo?" pananakot ko sa kaniya. "Sabi ko nga joke lang eh. Kiss mo na lang ako." sabi niya sa akin saka niya nginuso yung labi niya. "Eh kung ikiskis ko kaya yang mukha mo sa bato?" pananakot kong muli sa kanya.
"Joke lang! Grabe ka naman sakin.." nagtatampo kunwring sabi niya. " Ajujuju nagtatampo ang Baby Levi..." sabi ko saka ko kinurot ang pisngi niya.
"Bakit mo kinurot pisngi ko? Eh pinangkakain mo yan eh! Tapos tinawag mo pa akong baby Levi? Mas matanda ako sayo!" reklamo niya.
"Ang arte mo ah." komento ko.
"Nyahahaha sorry na." sabi ni Levi saka ako inakbayan. "Ito na po yung sugpo mo, kamahalan. Subuan na rin kita. Nakakaawa kang tignan hindi ka marunong magkamay." sabi niya saka kumuha ng kanin at ulam saka ito isusubo sa akin.
"Ano iyan?" tanong ko saka turo sa kamay niya. "Ano sa tingin mo? Malamang kamay ko at may hawak na pagkain. Anong tingin mo? Kamay ni Hulk?" sarcastic niyang sabi. Buset naman to. Akalain niyong naging kaibigan ko ang isang ito?
"Kainin mo na lang kasi. Nagrereklamo ka pa." sabi niya saka naman sinubo sa akin yung pagkain. Ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito!
"Ano yun? Ang sarap." sabi ko sa kanya.
"Hahahaha! Kanin lang yun saka talong tapos may sugpo. Alam mo ba kung bakit naging masarap?" tanong niya.
"Dahil kinuskos ko muna yung kamay ko sa buhanginan." buling niya sa akin at natulak ko siya dahil doon. Hindi naman ganoon kalakas.
"Langya ka, Levi! Kadiri ka! Ang dugyot mo! Pinakain mo sa akin yan? Tutuhugin talaga kita!" pagbabanta ko sa kanya. "HAHAHAHA! Easy ka lang, Lian. Binibiro lang kita. Ikaw naman." sabi niya saka pinisil ang pisngi ko.
"Ahm guys? May tao pa rito." tawag pansin sa amin ni Kuya Dale. Kami naman ni Levi ay napatingin sa lahat. Lahat sila ay nakatitig sa amin. Okay? What's going on?
"Anong nangyayari?" tanong ni Levi.
"What? Hello? Nagkukulitan lang naman kayong dalawa diyan. May tao pa po rito ah. Mamaya na yan. And kuya, would you please stop flirting with Lianna? You're kinda creepy." sabi ni Lovi sa amin.
Parang nagsitaasan naman ang mga balahibo ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nakita ko si Ace na sobrang sama ang tingin sa amin. Ang dilim ng aura niya. Parang any time pwede siyang magwala.
Ano bang problema? Wala naman kaming ginagawang mali ah.
"Relax. Ilang araw din kaming di nagkita ni Lian, bonding na talaga naming dalawa ito. Normal na ito para sa amin." sabi niya at iba ay nagpatuloy sa pagkain.
"Whatever. Gutom na ako kaya bahala kayong dalawa diyan. Girl, kain ka naman. Pumapayat ka ah." sabi ni Lovi. Oo nga. Napansin kong pumapayat ako these days.
Nagpatuloy ako sa pagkain at maya-maya natapos na ang lahat. Nagulat naman ako ng biglang tumayi si Ace.
"Excuse me." sabi niya saka lumabas ng cottage.
Ano na naman problema nun?
"Someone's grumpy." komento ni Levi.
"Ha?" di ko gets yung sinabi niya.
"Wala." sabi niya sa akin. Ang g**o nilang lahat. Bahala sila sa buhay nila.
Ace's POV
What is wrong with me? Argh! Nakakainis!
Nandito ako ngayon sa isang swimming pool. Kailangan kong i-relax ang sarili ko at baka makasapak ako ng di oras. Tsk.
Kung makalandian silang dalawa akala mo wala ng ibang tao. Sa harap ko pa talaga! Argh! So wala lang sa kanya yung nangyari sa amin kanina? Habang ako naman ay hiyang-hiya? Ha! Nakakinis si Lianna.
Lalo na si Anderson. Panira ng araw.
Hindi ko talaga matiis yung ginagawa nila kanina. Dapat ako ang tatabi kay Lianna pero inunahan nila ako. Bwiset!
Damn, why am I acting so jealous?
What?! Ako? Jealous? No effin way!
Ang isang Ace Montero ay nagseselos? Ha! Hindi yon mangyayari.
Kung kaya niyang balewalaain ang nangyari kanina, kaya ko rin.
Levi's POV
Tsk tsk tsk. Ace, my man. Acting jealous all of a sudden huh?
Nakakatawa talaga ang reaction niya kanina habang sinusubuan ko si Lian. Parang anong oras lang ay handa na niya akong patayin. Hahahaha! Dapat ititigil ko na kaso nage-enjoy pa akong asarin siya eh. Si Lian naman walang kamalay-malay sa nangyayari.
Kilala ko si Ace. Oo may pagka-babaero din siya minsan pero kapag may nagustuhan talaga siya, sineseryoso niya iyon. Although, hindi ako sigirado kung may gusto siya kay Lian. Kung meron man, bahala na siya sa buhay niya.
"Levi..." tawag pansin sa akin ni Lian. "Bakit?" tanong ko. Naglalakad kami ngayon sa dalampasigan. Tinanong ko siya kung gusto niyang lumangoy pero sabi mamaya na daw. Masyado daw kasing mainit.
"A-ahm... wala lang..." sabi niya. Pero hindi ako naniwala. "Come on... tell me. I know may iniisip ka." sabi ko sa kanya.
"A-ace..." panimula niya. "Ano meron kay Ace?" tanong ko. "K-kasi kanina, h-he..... uhm...."
"Nag-kiss kayo?" pag-uuna ko sa kanya. Siya naman ay gulat na gulat dahil alam ko. Hahaha na kwento kasi sa akin kanina ni Ali. Kaya pala iwas na iwas sila sa isa't isa.
Haytss. I always knew na magkakaroon ng something sa kanila. Sayang, crush ko pa naman si Lian. Masama bang magka-crush sa bestfriend ko? Crush lang naman eh. Nothing more.
"O-omo... paano mo nalaman?!" sigaw niya sa akin.
"Secret na yun. I have my ways, Lian." sabi ko naman saka ko siya kinindatan. Hahaha nakakatuwa talaga kapag naguguluha siya.
"Tch. Dami mong alam." sabi niya. "Kaya nga bestfriend mo ako eh." dahilan ko sa kanya at napatawa siya.
"May gusto ka ba kay Ace?" tanong ko sa kanya. Halata namang nabigla siya sa tinanong ko. "H-ha? W-wala noh." sabi niya. Ngek ide-deny niya pa. Eh halata naman.
"Why deny it if your feelings are already showing. Manhid lang siguro si Ace kaya hindi niya napapansin." sabi ko sa kanya. Tama yun. Walang kamalay-malay si Ace na may gusto si Lian sa kanya. Hay buhay nga naman. Ang hirap ng love. Kaya bitter ako eh. Nyahaha ;)
"K-kasi.... uhm... ay ewan! Basta gusto ko lang.." pag-aamin niya sa akin.
"Sayang. Gusto pa naman kita." mahinang sabi ko.
"Ha? Ano yon?" tanong niya. "Wala! Tignan mo yung dalawang bata oh! Ang cu-cute nila.. hahahaha." palusot ko. Sana bumenta hahaha.
"Hala siya? Wala namang bata ah. Naka-drugs ka ba?" tanong niya.
"A-ah baka nakakakita ako ng multo. Haha." sabi ko sa kanya.
"Baliw ka na." sabi niya. Nakarating naman kami sa isnag swimming pool. Wala namang gaano karaming tao dito kaya presko.
"Swimming tayo?" pag-aaya ko sa kanya. "Sige.." pumayag siya.
Papunta kami sa pool ng may makita akong pamilyar na tao. Sht. Anong ginagawa niya?
"Levi..." tawag pansin sa akin ni Lian. No. Aish! Srew Ace Montero!
"A-ahm... Alis muna tayo dito Lian..." sabi ko at hinila siya palayo pero hindi siya umalis sa pwesto niya. Fck that man. Ano ba sa tingin niya ang pinaggagagawa niya?!
"L-levi.... si Ace ba iyon?" tanong niya. Seryoso ang mukha niya at walang pinapakitang emosyon. Pero alam kong nasasaktan siya. Taeng yan, sino ba ang matutuwa na makita mo yung gusto mong lalaki na may hinahalikang iba? Jusko, medyo okay pa kung hinalikan lang eh. Parang konti na lang may milagro ng mangyayari sa kanilang dalawa amputs.
Siraulo talaga si Ace. Buti kami lang nakakakita. Anak ng tokwang panis. Ano ba ito? Kung gagawa sila ng milagro sana naman sa kwarto na la----
Oh s**t. Si Lian. Nakita kong nagtiim ang bagang niya at halatang galit. Sht. Ngayon ko lang nakitang ganito si Lian.
"Hmmm...." taena! Umuungol sila ampupu! Ang baho pakinggan!
Nakatingin lang sa kanila si Lian. Sht. Alis na tayo dito ampupu.
"Umalis muna tayo, Lian..." sabi ko sa kanya.
"Kaya ayokong gustuhin ang katulad niya. Dahil alam kong masasaktan lang ako. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?" Nakakunot ang noo niya.
"Nakakadiring isipin na hinalikan niya ako kanina tapos ngayon nakikipag-ganyan siya sa iba? Nandidiri ako." seryosong saad niya.
Si Ace naman ay mukhang napansin na may nakatingin sa kanila. Patay ka ngayon. Ratatatat ang abot mo.
"L-lianna?" nagugulat na tanong niya. Ako naman may mapait na tingin sa kanya. Aaminin ko, hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang may kaganyan. Pero ngayon ay nandidiri ako sa kanya. Para sa kaibigan ko, nandidiri ako sa kanya.
Kahit pa bestfriend ko rin siya.
"Ang saya no?" tanong ni Lian sa kanya. Si Ace naman ay pinaalis sa kandungan niya yung babae.
"L-lianna..." banggit niya sa pangalan ni Lian. Ano ba yun? Lianna na lang ba ang salitang alam niya?!
"Masarap?" mapait na tanong ni Lian. This.... is getting interesting.
"Lianna... I didn't mean to... No..." pagpapaliwanag niya. Si Lian naman ay wala talagang emosyon ngayon. Blangko lang ang emosyon niya at masamang tingin ang pinupukol niya kay Ace.
"Nakakadiri ka, Montero. Nakakadiri ka." matigas niyang sabi. Emphasizing the word 'nakakadiri' at 'Montero'.
"Please..." sabi ni Ace. Ano bang pini-please ng isang ito? Kung hindi lang seryoso ang eksena na ito, kanina pa ako tumawa. Pero dahil seryoso nga, pinipigilan ko.
"Anong pini-please mo? Please na wag kong pansinin ang nakita ko? Ano gusto mong palabasin? Nandidiri ka sa labi ko kaya naghanap ka ng labing ipapalit?" seryosong saad niya.
"Lianna, I'm sorry." yun lang? Yun lang talaga ang nasabi ni Ace? Wow. Para akong nakakakita ng live na away ng mag-asawa. Pero hindi sila mag-asawa. Wala ngang label ang status nila. Sadlayp.
"No, wala kang dapat ika-hingi ng tawad. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na makati yang labi mo. What happened earlier was nothing personal right? So... ipagpatuloy niyo lang yang ginagawa niyo. Mukhang bitin na bitin kayong dalawa eh. Aalis na kami ni Levi para ipagpatuloy niyo yan." sabi ni Lian at hinila ako palabas.
"Lianna... wait." pigil sa kaniya ni Ace. Oh come on.
"Yes? Do you need something?" pormal na tanong niya. Wow. Ngayon ko lang nakita na ganito si Lian. Ang astig niya kapag serysoso.
"Lianna..." tawag ni Ace dito.
"Don't call my name, Mr. Montero... I feel disgusted." sabi niya saka kumapit sa braso ko at hinila ako palayo.
This woman is very brave.