Ace's POV
Jesus! Why did I do that? Ugh! Hindi ko na-control ang sarili ko kanina. Bakit ba kasi ang hot niya kanina?!
Ugh!
"Ace, buddy. Anong nangyari sayo? Pawis na pawis ka. Namumula pa yang tenga mo." tanong sa akin ni Ali ng makapasok ako sa cottage. Sobrang laki ng cottage na ito at pati ang mga babaeng na kasama ng kambal ni Levi ay pinalipat na dito.
"W-wala." nauutal kong sagot saka umupo sa tabi niya.
"It doesn't look like nothing to me, Ace." makahulugan na sabi niya.
"Wala nga." sabi ko sa kanya.
"Hey. Where's Lian?" sumulpot si Levi saka siya nagtanong.
"Nasa kwarto pa namin." yun lang ang tanging sagot ko. Napasulyap naman ako kay Ali. s**t. I know what he's thinking. Umalis si Levi at naiwan kaming dalawa.
"So nothing happened? It looks like you got a home run." naka-ngisi niyang sabi.
"It's not like that." pabanta na sabi ko sa kanya. "So anong ginawa niyo at pawis na pawis ka? Ano kayo? Nag jak-en-poy? Ha! Lokohin mo na ang lahat pagdating sa bagay na ito, Ace. Wag lang ako. Alam ko na ang lahat na iyan." sabi niya sa akin. Palibhasa kasi ang landi. Ang dami-daming babae palagi.
"Wala ngang nagyari sa amin." pagpupumilit ko sa kanya. "Sige sabihin na nga nating ganoon. Oh eh ano ang ginawa niyo at pawis na pawis ka?" tanong niya sa akin.
"I-i k-kissed her." sabi ko sa kanya. "You what?!" pasigaw na tanong niya pero hininaan niya lang ang pagsigaw.
"I kissed her." sabi kong muli.
"Looks like what happened is not just a kiss, Ace. Kung wala mang nangyari, nag make out kayo panigurado." sabi niya sa akin at nanlaki ang mata ko. Wala akong nasagot.
"I kissed her lips. Then her neck. Pero natauhan ako at umalis. Baka kung ano pa ang nangyari." pag-aamin ko sa kanya.
"Sabi na nga ba eh." sabi niya sa akin. "So you like her?" tanong niya ulit. "What?! Of course not." mabilis kong sabi.
"You don't like her but you kissed her? What nonsense is that? Then tell me why did you kiss her."
"Hindi ko alam." sabi ko. Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya hinalikan kanina.
"Ay abnormal ka pre." sabi niya sa akin saka umiling-iling.
"Sa tingin ko oo." sagot ko sa kanya.
"Kung ano man yan, kung kaya pang pigilan, pigilan mo. Sigurado akong g**o kapag nagkataon, Ace. Alam mo yan."
Alam ko. Kaya nga pinipigilan ko kung ano man ang pwedeng kong maramdaman.
Lianna's POV
"Hey Lianna." nagulat ako ng may tumawag sa aking pangalan. Si Luan lang pala.
"Luan." tawag ko sa kanya.
"Pwedeng tumabi sayo?" tanong niya sa akin. Nandito kasi ako sa may isang malaking bato malapit sa dagat. "Oo naman. Para may makasama ako." sabi ko sa kanya.
"Magkapatid pala sila. Kambal pa." bigla niyang sabi. Sina Lovi at Levi ba ang tinutukoy niya?
"Sino yung tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Sa ating dalawa lang ito ah." sabi niya sa akin. "Sige." sabi ko naman.
"Diba nabanggit ko sayo na isa akong artista?" tanong niya. Um-oo naman ako sa kanya. "Last two weeks ay naging member ako ng isang grupo. It's not yet supposed to be revealed yet. Apat kami pero hindi pa alam kung ano ang ipapangalan sa amin. Sayo ko sinabi dahil mukhang hindi mo naman ipagkakalat." sabi niya. Wow.
"Good for you. Mas lalakas ang career mo diyan." sabi ko sa kanya. "Pero kasama sa grupong iyon si Levi." sabi niya na nagpa-gulat sa akin. Ang bestfriend ko? Kasama sa grupo nila?
"Niyaya ako ni Lovi dito dahil hindi na kami gaanong nakakapagkita sa isa't isa. Wala akong alam na magkapatid pala si Levi at si Lovi. At mag-kambal pa. I was so flustered earlier kaya umalis muna ako sandali." kwento niya sa akin. "Don't get me wrong, may gusto ka ba sa bestfriend ko?" tanong ko sa kanya.
"Si Levi ba ang tinutukoy mo? Siyempre wala noh! Inis na inis ako sa kanya. Alam mo ba nung una kaming magkakilala ay pinagbinyangan niya pa akong stalker daw niya! The nerve of that guy!" inis niyang saad sa akin.
"Mabait naman si Levi eh. Minsan medyo mahangin nga lang." sabi ko naman. "Mabait? Tinatawag mo ang kumag na iyon na mabait? Saka medyo mahangin? Palagi kamo. Lalo na kapag magkakasama kaming apat sa bahay. Akala ko wala ng mas lalala pa sa kahambugan nina Sym at Thy pero si Levi, siya ang Big Boss! Jusme naloloka ako sa kahambugan ng lalaking iyon." inis niyang kuwento. Looks like may katapat na si Levi. Hay nako. I bet sila ang magkakatuluyan. Hahahaha.
"Magkagrupo kayo pero inis kayo sa isa't isa? Wow." mangha kong sabi. "Isa pa yun. Kailangang magpanggap pa kaming okay lalo na kapag may camera dahil masisira ang image ng grupo kung sakali." saad niya. Napatawa naman ako.
"I wish the best for your group. Kelan ang debut?" ako yan.
"Maybe this week. Abangan mo ako ah." sabi niya sa akin. "Oo naman." paninigurado ko. "So kung papipiliin ka, sino ang mas gusto mo, ako o si Levi?" tanong niya.
"Sa ngayon, sayo muna. Inaasar ako ngayon ni Levi eh." natatawa kong sabi. Tumawa naman siya.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Mukhang nage-emote ka." sabi niya. Looks like ako naman ang kailangang mag-kwento.
"Sa atin lang ito ah. Nakakhiya kapag nalaman ng iba." sabi ko sa kanya. "Oo. Your secret is safe with me." sabi niya.
"Aware ka ba na nakatira ako sa isang kaibigan ni Levi. Si Ace Montero?" tanong ko. "Oh. The Ace Montero? Oh right! I saw him with you earlier. So ano? Anong meron sa inyo? Kayo na ba or what?" mabilis na tanong niya. "Oh no. Hindi kami. Walang kami." mabilis kong depensa. "Ay sayang. Bagay pa naman kayo. OTP ko kayo." sabi niya at natawa naman ako. Loko din si Luan eh. Ipares ba naman ako kay Ace?
"So yun nga, diba nawala kami kanina? Pumunta kami sa kwarto namin sa hotel---"
"Oh gosh! Don't tell me may nangyari na?" gulat niyang ranong sa akin. Ako maman ay napa-whut?!
"No! It's not like that." depensa ko. Napahinga naman siya ng maluwag. "Akala ko kung ano na eh. So? Tuloy mo." parang naiinip niyang sabi. Mukhang gusto na niya talagang malaman.
"Napag-isipan ko na gusto kong mag-swimming so nagbihis ako. After that, siya naman. Nagulat ako nung lumabas siya ng banyo na naka-topless. Ako naman, napatitig. Tapos sabi niya, wag ko daw tignan baka daw maglaho. Ako naman, todo deny." sabi ko si Luan naman ay parang kinikilig na ewan. Bahala nga siya.
"Hanggang sa lumapit siya ng lumapit sa akin. Tapos kinulong niya ako sa mga braso niya. Ayun, pinagtalunan namin na hindi nga ako nakatingin sa abs niya pero ang totoo, oo. Siyempre ikaw ba aaminin mo na nakatingin ka sa abs niya. Alangan namang sabihin ko na 'Huy, ang hot ng abs mo, pahawak naman.' Alangan namang ganunin ko diba?" kwento ko.
"So? Anong nangyari?" tanong niya. "N-nilapit niya yung ilong niya sa leeg ko tapos inamoy--"
"KYAAA! OMG! Nakakakilig kayo! Kyaaaa!!" sigaw niya. Buti na lang at walang ganong tao dito.
"Wag ka ngang sumigaw. Mamaya may maka-kilala sayo eh." sabi ko sa kanya. "Oo nga pala hehehe. Tuloy mo yung kwento mo."
"Y-yun. N-nauwi sa halikan. Eh first kiss ko yun. Ako naman, nag-respond sa mga halik niya tapos nagulat ako nung hinalikan niya yung leeg ko. Tapos tumigil na siya doon." saad ko. Siya naman ay nakatakip sa bibig ang kamay. "Nakakakilig ka alam mo yun? Papable Ace? Hinalikan ka? Dream come true yon para sa ibang babae. Marami pa namang patay na patay sa kanya." sabi niya. "Kasama ka?" tanong ko naman. "Oh no. Type ko lang. Pero di ko crush." sabi niya.
"Bakit? Selos ka?" tanong niya sa akin. "No way!" sagot ko naman.
"Lianna.... halata naman eh. May gusto ka sa kanya. Kelan pa? Wag ako yung taguan mo ng ganyang bagay. Kahit wala akong experience, may radar ako sa mga ganyan." sabi niya. Nahuli niya ako.
"Halata ba na may gusto ako sa kanya?" tanong ko. Yes. May gusto ako kay Ace. Hindi ko alam kung bakit. Masyado siyang maalaga sa akin tapos lagi niya akong inaalala. Ang bait pa kahit minsan suplado. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya?
"Sabi na nga ba eh. Hindi naman sa halata. Alam ko lang. Ramdam ko." sabi niya. Napayuko ako.
"Biglang naging awkward yung atmosphere kanina kaya naman umalis siya. Iniwan niya akong nakatulala sa ginawa niya kanina." sabi ko.
"Hay nako. I hate love." saad na lamang niya. "Bitter mo, pakner." sabi ko. "Tinatawag mo na akong pakner ngayon ah?" sabi niya. "Ang cute nga pakinggan eh." sabi ko sa kanya.
"Basta tatandaan mo, Lianna. Wag na wag mong ilalagay ang sarili mo sa sitwasyong alam mong ikaw ang dehado. Hindi porket pagmamahal yan, ikaw na ang panalo. Maaaring ikaw pa ang talo at umuwing luhaan." sabi niya. Tama siya.
"Wag kang magpapadalos-dalos sa mga ginagawa mong desisyon. Pero wag din puro utak ang pairalin mo. Dahil baka sa kakagamit mo ng utak mo, mawala na sayo ang mahal mo. Wag mo ring pairalin ang bugso ng damdamin. Baka ikaw lang ang masaktan. Yun lang ang tatandaan mo. Minsan lang ako mag-advice kaya ang swerte mo."
Tama nga si Luan. Napahinga ako ng malalim. Ano na ang gagawin ko?