Kabanata 8

1634 Words
Ace's POV "Ano?! Mas nauna mo pang nalaman kaysa sa akin na kasama mo? Kanino mo pinagawa?" tanong ni Shawn ng tawagan niya ako. Sinabi niya kasi sa akin na may problema daw sila ng kapatid niya at yun ang sabi ni Levi pero ako, alam ko ang rason kung bakit. "Basta, alam ko na. Mauna na ako, maghahapunan na kami." sabi ko saka ko binaba ang tawag. Bumaba ako sa kusina at nagluto ng hapunan. Ano ang lulutuin ko? Pagod si Lianna at ang pamgit kung kanin ang ihahanda ko para sa kanya. Ano ba kasi ang pwedeng kainin na makakapagpagaan ng loob niya? Aish! Bahala na. Kumuha ako ng miso noodles at pinakuluan sa mainit na tubig. Nilagyan ko ito ng konting mantika para madaling kainin. Habang pinapakuluan ay hiniwa ko na ang mga gulay na ipangsasahog at ang ilang karne. Pinirito ko ang beef at nang matapos tinabi ko muna. Saglit kong pinainit ang mga gulay at hinanda ko ang sabaw mula sa pinagprituhan ng beef. Nilagay ko ang noodles sa sabaw at hinuli ang mga gulay. Nilagay ko sa tig-isang bowl at nilangyan ng spring onion at nilagyan ko na rin ng itlog para mas malasa. Sakto naman na bumaba na si Lianna at nakahanda na ang hapunan. Pinagmasdan ko ang mukha niya at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Nakangiti nga siya pero hindi niya maitatago sa akin na nalulungkot siya. Maloloko niya ang lahat, pero hindi ako.  "Kakain na." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umupo malapit sa counter. Nilagay ko ang isang bowl ng soup sa kanyang harapan at alam kong base sa amoy ng niluto ko, naganahan siyang kumain kahit papaano.  Tch. May silbi rin pala ang pag-titingin ko sa google. "Nakaamoy ako ng mabango kaya nagising ako. Miso ramen ba ang isang ito? I used to eat this in the ramen house back in California." sabi niya. Ngumiti ako habang sinasabi niya iyon. Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala. Malungkot na siya lahat-lahat pero nakukuha niya pa ring ipakita na masaya siya.  "Kumain ka na. I hope you'll like it." sabi ko saka ako kumain na rin. "Masarap." komento niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at nagustuhan niya. Makakakain na ako ng maayos. "Bukas, may gagawin ka?" tanong ko sa kanya. "Wala naman." sagot niya sa tanong ko. "Gusto mong sumama sa company? Gusto ko sanang i-tour ka." sabi ko. Alam kong maiinip siya kung buong araw ay nakaburo lang siya dito sa bahay. Idagdag mo pa na nalulungkot siya. Balak ata akong katayin ng babaeng ito sa pag-aalala sa kanya eh. "Sige. You'll be my tour guide tomorrow." sabi niya at tinapos na ang kinakain. Ako naman ay katatapos lang at nagulat ako ng kunin niya ang pinag-kainan naming dawa at dinala iyon sa sink. "Ako na ang maghuhugas, Ace." sabi niya. Agad naman akong dumiretso sa kanya para pigilan siya. Sira ata ang isang ito. Nalungkot lang, nagsipag na. "Ako na, Lianna. You are my guest kaya dapat ako ang gumagawa niyan." sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagpa-tinag at pinagpatuloy pa rin niya ang paghuhugas ng mga bowl. Halos mapasapo ako sa aking noo. Kulit! "Hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako lagi, Ace. Nakakahiya din kung ikaw ang laging gagawa ng mga gawain dito. I insist doing the dishes." sabi niya. Wala na akong magawa kundi hayaan siya. Kaya ang ginawa ko, tumayo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang hugasan ang pinagkainan naming dalawa. Hinintay ko naman siyang matapos sa paghuhugas. "Ace?" tawag niya sa akin. Bahagya akong nagulat sa pag-tawag niya habang binabanlawan ang isang baso.  "Bakit?" kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam pero nang banggitin niya ang pangalan ko, bigla akong nakaramdamng kaba na kailanman ay hindi ko inaakalang mararamdaman ko dahil lang sa pagtawag sa aking pangalan.  Sa ikli ng panahong nakasama ko si Lianna, nakitaan ko siya ng ganitong ugali. Kapag kasama ko siya, may ugali siyang ipadama sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararamdaman kahit noon pa man. Basta kay Lianna, laging may nagbabago sa akin. "May alam ka ba sa kung ano yung problema ni Levi?" tanong niya. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang nagawa sa kanya ni Levi. Mukhang nasobrahan naman ata sa bait itong si Lianna.  'Wag kang mag-alala, hindi sa'yo galit si Anderson.' "Nasangkot sa isang scandal yung kakambal niya, Lianna. Lagi silang nag-aaway pero kapag kakambal na niya ang pinag-uusapan, lahat gagawin niya." paliwanag ko sa kanya. Nawala ang lungkot na nakita ko sa kanya kanina at napalitan ng pag-aalala. "Anong nangyari?"  "Nung oras siguro na kinakausap mo siya, naghahanap siya ng paraan para malutasan yung kasalanan ng kambal niya. Don't blame yourself for what happened, Lianna." pagkumbinsi ko sa kanya. Tinapik ko pa ang balikat niya at binigyan siya ng maliit na ngiti. Napa-buntong hininga siya at wala ng magawa kundi pumayag sa sinabi ko. *** "Nalaman mo na ba kung sino ang nagkalat ng video?" tanong ko sa kanya nang makita ko siyang balisa habang nakaupo sa isang couch. Nanlaki ang mga mata ni Levi sa sinabi ko. "P-paano mo nalaman??!" tanong niya sa akin.  Natawa ako sa sinabi niya. Gulat na gulat, pre? Hahahahahaha!  "I'm more than just a handsome face, Anderson." sagot ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay niya. Malapit lang ito sa Nievada Village kaya ayos lang. Nandoon naman si manang ngayon sa bahay kaya masisigurado kong ayos lang si Lianna. "Aish. Ikaw ba iyon? So that's the reason why my phone felt weird. Hina-hack mo na pala ang phone ko?" di-makapaniwala na sabi niya. Natatawa na lang ako sa kanya minsan. Naturingang bihasa sa paghahack, hindi man lang nakatunog. "It's not me." natatawang pag-amin ko. "Then tell me who it is." sabi niya. It's more like he forced me to tell him. "That was purely confidential, my friend. Pero kanina, seryoso ako na muntik na talaga kitang sugurin sa bahay ni Shawn. I was there earlier." paliwanag ko sa kanya. Napatingin siya muli sa akin. "Nandoon ka? So that's why I heard noises. I thought Saavedra is talking to himself. Pero teka, susugurin mo ako? And what makes you think na dapat sugurin mo ako ha?" bahagya pang nanlalaki ang mga mata niya at parang nanghahamon pa. "You made Lianna cry, you punk. I wanna punch you for that. But when I knew your reason, my decision changed. But still, you shouldn't have said mean words to her." sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. Kung nanlaki ang mga mata niya kanina, mas nanlaki pa ngayon. Aba, kung may ilalaki pa siya sa mata niya bibilib na ako. "I-i made her cry? Oh s**t. Oh freaking pink pad paper. Ugh!" may inisip muna siya at para bang may inaalala at ng maalala niya, bigla na lang siyang parang naging abnormal. Pero sa paningin ko, normal lang iyan. I've seen worse. "Don't worry about her. Pinaliwanag ko na sa kanya. Just make sure to never make her cry again, or else." banta ko sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko. Binalik niya saglit ang atensyon niya sa kanyang phone. "These days, you are being different. Do you like her?" deretsahang tanong niya sa akin. What the hell? A-at sino siya para tanungin ako nang ganyan?! Sapakin ko kaya siya? Ha! Ayos ah!  "Of course not. Bakit ko magugustuhan si Lianna? Ilang araw pa lang nang magkakilala kami! Sira ba ulo mo ha?!" singhal ko sa kanya. Ako talaga ang tinanong niya neto? B-bakit naman ako magkakagusto kay Lianna ha?!  "Tch. Dinaig mo pa ang uod na binudburan ng asin sahil sa reaksyon mo na iyan." bigla niyang sabi kaya natigilan ako. Pero nangabayo ang kaba sa puso ko. "A-ano?" "Wala pa akong binabanggit na pangalan pero todo na agad ang tanggi mo. Sabihin mo nga sa akin, may nararamdaman ka ba kay Lianna?" batid ko ang biglaang pagseseryoso ng kanyang boses kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi dahil si Levi akg kausap ko. Kundi may kausap akong kaibigan ni Lianna na matinding nag-aalala para sa kanya. "W-wala! Wala. A-akala ko lang kasi siya agad ang tinutukoy mo. Siya lang naman ang nakakasama ko di'ba?" natatawa ko pa kunwaring sabi. Pero kinakabahan na 'to! "Siguraduhin mo lang, Ace. Wag mong gugustuhin si Lian. Malaking g**o kung sakali. Ang pinaka-ayoko sa lahat ang nasasaktan ang mga malalapit sa buhay ko." makahulugang sabi niya sa akin. Bakit nasama na naman ako dito? "Umalis ka na! Baka hanapin ka ni Lian." pantataboy niya sa akin saka naman ako bumalik sa bahay. Pagkabalik ko ay sinilip ko muna ang kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog.  "Kakatulog niya lang ngayon, Ace. Kanina pa siya parang malalim ang iniisip. Saka mukhang hinihintay ka atang dumating kaya lang nakatulugan na. Kay bait na bata." sabi ni manang sa akin. Napatingin ako sa kay manang dahil sa sinabi niya. Binalik ko ang tingin ko kay Lianna at napangiti bago sinara ang pinto ng kanyang kwarto. "Salamat po. Pwede na kayong magpahinga, manang." sabi ko sa kanya bago naman siya umalis at pumunta na sa kusina. Ako naman ay dumiretso na sa sarili kong kwarto at nagpalit ng damit bago humiga sa kama. Ipinikit ko ang mukha ko at pinatong ang braso sa aking mukha at inalala ang naiiyak na mukha ni Lianna ng magalit sa kanya si Levi kanina. Aish. Why do I hate it so much? Ano bang nangyayari sa akin?  No. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng magustuhan ko si Lianna. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Malaking g**o lang ang papasukin ko kapag nagkataong nangyari iyon. Napabalikwas ako ng higa sa kama. Bakit ba kasi ako na-attach sa kanya? It seems like I'm breaking my own rules.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD