Lianna's POV
"Sigurado ka bang okay ka na talaga, Lian? Wala bang masakit sayo? Nahihilo ka ba? May nararamdaman kang kakaiba? Ano?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Levi. Nandito siya ngayon sa bahay ni Ace. Actually hindi lang siya. Pati si Shawn at Race ay nandito. Si Ace naman ay nasa kusina para kunan sila ng makakain. Halata namang napilitan lang siya.
"Ayos lang talaga ako, Levi. Hindi niyo na kailangang mag-alala. Tsaka nandun naman sina Kuya Dale tsaka si Ace." sabi ko sa kanila. Kumunot ang noo ni Shawn sa sinabi ko at natuon ang atensiyon ko sa kanya.
"Kuya Dale?" tanong niya sa akin.
"Yun na lang daw ang itawag ko sa kanya." paliwanag ko sa kanya at mukha namang nalinawan siya sa sinabi ko.
"Ha! So close na kayo ni Aragon ngayon? Pinagpapalit mo na ako?" nagtatampo kunwari na tanong ni Levi. Humalukipkip siya sa gilid at natawa ako sa inakto niya.
"Hindi naman kita pinagpapalit ah. Nakikipag-kaibigan lang ako sa lahat. I never had a chance to be friends with anyone. Almost every sevcnd of my life, I spent it with my bestfriends, Andy and Heather. Kaya naman gusto kong makipag-kaibigan sa lahat." paliwanag ko at napa-tango siya sa sinabi kong iyon. Nakita kong bahagya siyang natigilan pero agad na nawala iyon at napalitan ng ngiti.
"Lianna, buti naman at okay ka na. Buti pa si Dale nakasama ka." nanghihinayang na sabi ni Race at napatawa ako sa sinabi niya. He's a fun guy to be with. Kalog din siya kagaya ni Levi kaya naman ay natutuwa ako. These guys, they might look like a snob and heartless persons, but they're very caring deep inside.
"Bakit naman? Kasama ko kayo ngayon, oh." sabi ko sa kanya at napapiut naman siya.
"Magtigil kayo sa kakakausap kay Lianna at baka sipain ko kayo palabas. Kumain kayo at pagkatapos ay umalis na. Pinapainit niyo ang ulo ko, may jetlag pa ako." sabi ni Ace na bumalik na naman sa pagiging bugnutin. Lalo na't hindi kami nakabalik ng sakay ang helicopter. Si Blaze kasi, may emergency meeting sa company kaya kailangan niyang maunang bumalik para daluhin ang meeting na iyon. Kaya, sumakay kami ng eroplano ng ilang oras para makauwi. Wala naman iyong kaso sa akin dahil sanay naman akong bumiyahe gamit ang eroplano. Ewan ko lang kay Ace na mukhang mas sanay kapag helicopter ang gamit.
"Ang init na naman ng ulo mo, Ace. Related ba kayo si Cole?" tanong ni Levi at napatawa sila Shawn.
"Oo nga. Para kayong pinaglihi sa sama ng loob. Palagi kayong bugnutin." dagdag ni Shawn.
"No jam, no jam." sabi ni Race at ako naman ang natawa.
"Tigilan mo ako, Anderson. May kasalanan pa ang kakambal mo sa akin. Baka nakakalimutan mo?" si Ace. Ano daw? Kakambal? May kakambal si Levi? Bakit hindi ko yun alam?
"Dapat si Lovi ang sinisingil mo hindi ako! Siya yung gumawa nun eh." nakanguso si Levi nang sinabi niya yun. Napatingin ako sa kanilang dalawa na nagtatalo.
"Kambal kayo diba? Ang kasalanan niya, kasalanan mo rin." naka-ngising sabi ni Ace at natigilan naman si Levi.
"Eh hindi naman ako yung bumutas ng gulong porsche mo!" singhal niya rito.
"Dahil akala niya ako yung nanloko sa kaibigan niya, binutas niya ang gulong ng kotse ko at hindi ako nakapunta sa isang meeting dahil doon. Malaki ang kasalanan noon sa akin." sabi ni Ace at sinimangutan si Levi.
"Kayo ang mag-usap. Wag niyo akong idamay. Galit din ako ngayon kay Lovi." sabi ni Levi at sumandals a gilid ng sofa.
"Lagi naman kayong nag-aaway ng Lovi di'ba Levi? Kelan ba nagkaroon ng isang araw na himdi kayo nagbabangayan?" singit ni Race na ngayon ay kumakain ng muffin na hinanda ni Ace kanina para sa kanila.
"Wala! Walang araw na hindi kami nag-aaway ni Lovi. Kuya niya ako. Mas matanda pa rin ako sa kanya ng ilang minuto pero ni hindi niya ako tinatawag man lang na kuya." angal ni Levi. Umiling-uling pa siya at umaktong nasasaktan. Artista nga ang isang ito.
Bakit hindi sinabi sa akin ni Levi na may kakambal pala siya? It's not that I care, it's none of my business anyway.
"Oh paano, tutal nakamusta ko na si Lianna, aalis na ako. May kailangan din akong ayusin sa ShonSa. May nagrereklamo nanaman na customer. I'll see you soon, Lianna." paalam ni Shawn bago siya umalis at nagpaalam din ako sa kanya. Kaming apat na lang ang natira at si Race? Ayun, nilalamon ang pagkain na nilabas ni Ace.
"Anong jam ito, Ace?" tanong ni Race na ang kinakain naman ngayon ang tinapay na may palamang jam.
"Malamang strawberry jam yan. Kita mo namang pula di'ba." seryosong sabi ni Ace kay Race na nginunguya ang tinapay.
"You got no jams." sabi ni Race na naka-nguso. Ako naman ay saglit na natulala pero natawa na rin ako. Pfffft. Totoo nga. Masyadong seryoso si Ace and he has no jams. Masyado kasi siyang KJ.
"Sawa ka na ba sa buhay mo, Alvarez? I'm more than willing to kill you right now." sabi ni Ace kay Race. Ang s*****a niya. Tsk. Kahit kailang talaga itong si Ace, wala pa ring sense of humor.
"Bad friend. You want some jams?" inosenteng alok sa kanya ni Race.
"Isa pa, Alvarez. Gigilitan na talaga kita." babala ni Ace sa kanya pero ni hindi man lang natinag si Race at pinagpatuloy ang pag-kain. Nakuha pa nitong uminom ng juice at uminom na para bang walang naririnig.
"What? I'm making some jams. I started with strawberry jams. Then I tried blueberry jams. And now, I have my newest creation. I created lychee jam. I like lychee. You want? If you do, bibiyan kita ng free sample then sa susunod, bumili ka na ha? 150 ang price kada jar. At dahil bago pa lang ang bagong business ko, may promo ako. Buy one take one. Nakabili na si Aragon. Kinuha niya na akong supplier para i-serve sa breakfast menu ng hotel and resorts nila. That also goes with that lunatic over there. Kinuha niya rin akong supplier para sa L.A. Paradise. I-seserve niya sa mga tourists." pagpo-promote ni Race sa kanyang jams. I like lychee too. Does he have mangoes? I really love mangoes.
"This lunatic bought your jams?" turo ni Ace kay Levi na naka-focus sa phone at nakakunot ang kanyang noo.
"Masarap kaya yung jams ni Race. Try it, bro." alok sa kanya ni Levi bago binalik ang atensyon sa kanyang phone.
"Give me five jars of strawberry jams and blueberry. Ipapadala ko sa bank account mo ang pera." sabi ni Ace. Ngumiti si Race na para bang siya ang pinakamasayang tao sa mundo dahil napabili niya si Ace sa kanya.
"Furniture Company and Jams? Anong relate doon, Race?" tanong muli ni Ace sa kanya.
"Wala naman. Parang sideline kumbaga ang pagbenta ng jams. Kumikita naman ako eh." sabi ni Race. May tumawag sa phone niya at kinausap iyon saglit.
"May client ulit na bibili ng jams. Mauna na ako ah?" sabi ni Race. Ako naman ay hinatid siya palabas.
"Salamat sa pagpunta, Race. By the way, I would like to buy a jar of your jams. I like the lychee one." sabi ko sa kanya.
"Oh no need. I'll give it to you for free. Idadaan ko na lang sa bahay ni Ace." alok niya. Pumalakpak ako sa tuwa.
"Thank you! Oh, and do you sell mango jams? I love mangoes." sabi ko.
"I'm still working on it. Pero kapag natapos ko ay ikaw mismo ang una kong patitikimin non. I'll message you once it's done. Nakuha ko ang number mo through Levi." sabi niya. Oo nga pala, binigay ko kay Levi noon ang number ko.
"Thanks, Race." pasalamat ko.
"No prob. Mauna na ako ah?" paalam niya bago siya umalis gamit ang kanyang lamborghini. Ako naman ay bumalik na sa loob at umupong muli sa sofa. Si Levi lang ang nandoon.
"Si Ace?"tanong ko sa kanya ng mapansing wala si Ace.
"Umakyat sandali." tanging sagot niya. Anong problema ng isang ito? Bakit parang biglang naging snob? Napabuntong hininga ako. Anong nangyari sa kanya?
"May kakambal ka pala Levi? Hindi mo nasabi sa akin." pagsisimula ko ng usapan. Ilang segundo ang lumipas bago niya ako sinagot.
"Ah, yeah. Si Lovi. Mas matanda ako sa kanya ng ilang minuto." sagot niya sa tanong ko pero hindi niya man lang ako tinignan. Ano bang problema niya.
"Levi, may problema ka ba?" tanong ko. Umiling naman siya sa tanong ko bilang sagot.
"Wala naman." 'yon lang ang tanging sagot niya sa akin. Very unexpected ang treatment niya sa akin ngayon. Sa lahat, siya ang inaasahan kong magpapangiti at magsisimula ng saya kapag kausap ko siya. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko na ang awkward ng usapan naming ito.
"Sabihin mo na, Levi. M-mukhang may problema ka. May hindi ka sinasabi sa akin no? Ikaw ah." kunwaring nagtatampong tanong ko para naman mapagaan ko ang atmosphere pero wala pa ring talab.
"Come on, Lian. Walang problema." sabi niya. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako tinitignan. Kanina pa kami nag-uusap at sinusubukan kong kausapin siya ng maayos pero ni isang beses hindi niya man lang inalis ang tingin niya sa kanyang phone. Puro isang salita lang naman ang sinasagot niya sa mga tanong ko.
"Levi, ano ba talaga ang problema? You're not talking to me like before. Tell me, may nagawa ba ako? Sabihin mo." mahinahon kong sabi. Siya naman ay biglang pumikit at sinamaan ako ng tingin.
"L-levi..." banggit ko sa pangalan niya. Bakit parang ibang Levi ang kaharap ko ngayon? K-kanina lang, masaya kaming nag-uusap. Pero bakit ngayon biglang ganito?
"Lian, please! Leave me alone for just a second! I'm freaking stressed out right now, so please! Leave me alone! Wag ka ng magpadagdag, Lian. Dinadagdagan mo lang ang sakit sa ulo ko." sabi niya saka niya nilagay ang phone sa kanyang bag at umalis na lang. Padabog niya ring sinara ang pinto kaya napapitlag ako sa gulat. I never expected him to treat me like that, out of all people.
Naiwan akong tulala dito sa living room ni Ace. Narinig ko na lang mga yabag ni Ace na pababa ng hagdan. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Levi. Hindi ko namalayan na may tumulo nang luha sa aking mga mata. Naramdaman kong lumapit sa akin si Ace at nagulat ng makita ang mukha ko.
"W-what happened, Lianna?" nanlaki ang mata niya bigla. Mahina naman akong humikbi. Nasanay ako na hindi sinasabihan ng masama ng lahat. Lahat ng tao ay pinapahalagahan ako. Ni minsan ay walang nagsabi sa akin na dagdag lamang ako sa sakit ng ulo.
"Hey... answer me..." pagpupumilit ni Ace. Umiling lang ako. Umalis naman siya papunta sa kusina.
Maya-maya pa ay bumalik siya na may dalag isang baso ng tubig. Inabot niya ito sa akin at napatingala naman ako sa kanya
"Inumin mo para mahimasmasan ka." sabi niya. Kinuha ko naman ang binigay niya sa akin. Inubos ko ang tubig at nilapag sa mini table ang baso.
"Thank you." sabi ko at mapait na ngumiti.
"Now tell me your problem. Why are you crying?" seryosong saad niya sa akin.
"Wala, Ace." pamimilit ko sa kanya. Baka nga naiisip niya na pabigat na ako dahil nakikitira ako sa bahay niya.
"Sasabihin mo sa akin ang problema o hihintayin mong ako ang gumawa ng paraan para malaman ko iyon?" banta niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at kita kong seryoso siya sa kanyang sinabi.
"I-it's just about Levi—"
"What the f**k! Anong ginawa niya sayo?" putol niya sa sasabihin ko sana.
"W-wala siyang ginawa. Ako ang may kasalanan. Pilit ko kasing tinatanong sa kanya k-kung ano ang mali o kung ano ang problema. M-mukhang may nangyari kaya medyo mainit ang ulo niya. Hindi niya naman sinasadyang masabihan ako n-na p-padagdag sa sakit ng ulo niya. You know, I'm not used to hear those kind of words. My mom and dad never said that to me, or even anyone. I guess I just got a bit sensitive of what I've heard. It's no big deal, Ace." paliwanag ko sa kanya sa nangyari kanina.
Pero malungkot pa rin ako dahil nagalit sa akin si Levi. Ni minsan, hindi ko inakala na sisigawan niya ako. Dahil siya kasi yung tipong masiyahin kahit suplado ang tingin sa kanya ng iba.
"Wag ka nang umiyak, Lianna. Get some rest. Baka sobrang pagod ka na. Wala ka pang maayos na tulog kaya magpahinga ka na sa itaas. Gigisingin na lang kita kapag maghahapunan na." sabi ni Ace sa akin. Ako naman ay nagpaalam na bago ako umakyat.
Umayos ako ng higa sa kama at pinikit ang aking mga mata.
***
Ace's POV
"Ano nanaman ang pakulo ni Anderson?!" galit na sigaw ko kay Shawn. Tinawagan ko siya dahil alam kong sa kanya lang pupunta si Anderson.
Humanda ka lang talaga sa akin, Levi. Ayoko sa lahat ang makitang umiiyak ang isang babae.
"Ayaw niya ring sabihin sa akin, Ace. Hawak niya lang ang phone niya at nag-kulong sa guest room dito sa bahay. Ano bang nangyari?" tanong niya ng masagot niya ang tanong ko.
"He f*****g made Lianna cry." sabi ko habang pinipigilan ang galit na nararamdaman ko.
Sa ngayon, malamang ay nakatulog na si Lianna sa kwarto. Hindi ba alam ni Anderson na masama ang pakiramdam ni Lianna at ginanon niya?! Fvck. Mapapatay ko siya.
"Ano?! Bakit? Anong nangyari? Tsaka bakit paiiyakin niya si Lianna? Diba sila pa nga ang pinaka-malapit sa isa't-isa?" tanong ni Shawn sa kabilang linya.
"Yun na nga eh! Pero tinanong lang siya ni Lianna kung may problema ba, sinabihan niya ito na padagdag lang siya sa sakit ng ulo. Sa reaksyon ni Lianna, ni minsan sa buong buhay niya ay wala ni isa ang nakapag-sabi sa kanya ng ganoong salita. Hanggang sa sinabi iyon ni Anderson. Malamang masasaktan siya." galit kong sigaw. Talagang kumukulo ang dugo ko.
"Huminahon ka, Ace. Alam ko ang issue mo kapag may nakikita kang babaeng umiiyak. Your dad once made your mom cry and you hated him for that." sabi niya. Naalala ko na naman ang pangyayaring iyon. Pero matagal ko ng napatawad si dad sa nangyari na iyon. Ngunig ang ginawa ngayon ni Anderson kay Lianna? Hindi ko na alam kung mapapatawad ko siya.
"Alam ko. Pero hindi ko kayang kumalma kung si Lianna ang pinag-uusapan, Saavedra. Pinagkatiwalaan ako ng magulang niya na alagaan ko siya at ni sila nga hindi sinabihan ng masama si Lianna pero ginanon lang siya ni Anderson? Ano na lang ang sasabihin ng magulang ni Lianna kapag nalaman nilang nasaktan ang anak nila sa puder ko?"
"Kakausapin ko si Levi sa nangyari. Pero sa ngayon ayaw niya pang makipag-usap sa iba. Tatawagan kita kapag nakipag-usap na ang isang ito." sabi niya at binaba ko ang tawag. Sunod kong tinawagan si Blaze.
"Boss? Anong kailangan mo?" tanong niya. Hindi talaga marunong gumalang isang ito.
"Look into Levi's phone. Send me all the converstions he had." utos ko sa kanya. Alam ko na sa ganitong bagay, talaga namang maaasahan si Blaze.
"Hey, niloloko mo ba ako? That's Levi anderson, man. He's a professional hacker. Bago ko pa man makita ang laman ng phone niya, sira na ang system ko." angal niya sa inuutos ko.
"Blaze, babayaran kita. Dadagdagan ko ang sweldo mo. Just do everything you can to gather some information." sabi ko sa kanya. Alam kong gusto niya lang ng dagdag sweldo para gawin ang inuutos ko. Magaling din siya sa pero laging tinatamad. Kung pagbabasehan ang galing nila ni Levi, parehas lang naman sila. Mas maparaan lang si Levi at mas masipag sa pagha-hack. Si Blaze kasi ginagawa lang iyon kapag kailangan. Si Levi naman palagi dahil nga isa siyang celebrity kaya kailangan niyang i-take down ang mga websites na nagsasabi ng kung anong ikababagsak ng career niya.
"Additional one hundred thousand for my salary, bro. I'm on it. I'll send it to you in five minutes." sabi niya saka ako binabaan ng tawag. f**k him. Kung hindi lang para kay Lianna, hindi ko tatanggapin ang sinabi niyang one hundred thousand.
This better be good, Anderson. Naghintay ako ng ilang minuto at na-send sa computer ko ang file. Binuksan ko iyon. Kumunot ang noo ko sa nakita. Ano ito? Problema ito ng kapatid niya? Sa pagkakaalam ko model ang kakambal niyang si Lovi. Ngayong taon lang ay pumunta ang kakambal niya sa California para sa modeling career nito. Mukhang g**o na naman ang inabot nito sa California sa ilang buwan na pagtira niya doon.
Nabanggit niya na lagi silang nag-aaway ni Lovi. Pero ibang usapan na kapag ang kakambal niya ang ginulo ng iba. Kaya siguro galit na galit siya kanina. Isang scandal lang naman ang inabot ng babaeng ito. May nangyari daw sa kanila ng kapwa niya model at may nailabas na video.
Nakita iyon ni Levi kaya labis na lang ang galit niya. Pilit niyang dina-disect ang edited na video at ginagamit niya ang lahat ng connection niya para maisalba ang pangalan ng kanyang kakambal.
Walang nakakaalam na magkakambal si Levi at Lovi. Hindi iyon kalat sa showbiz. Tch, Anderson. I really want to kill you.