Kabanata 6

4367 Words
Ace's POV "Lianna! Wake up!" sigaw ko nang makita ko si Lianna na namumutla at pawis na pawis habang tulog. Ganoon din ang ginagawa ni Dale pero ayaw magising ni Lianna.  "Anong nangyari, Dale?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.  "She slept. Then an hour after she started sweating like crazy. Ginigising ko siya pero patuloy lang siya sa pag-iyak." sabi ni Dale na halatang nag-aalala rin. "Lianna! You have to wake up!" sigaw ko sa kanya saka ko inalog ang balikat niya. "N-no... please..." bulong niya. Binabangungot na nga talaga siya. What the f**k is she dreaming about to be scared like this? "Wake up Lianna! Fvck!" sigaw din ni Dale. He, too, is sweating like crazy. Halatang nag-aalala siya nang sobra kay Lianna. Ilang segundo ang nakalipas at tumigil si Lianna sa pag-iyak. "Lianna...." sabi ko habang inaalog ang kanyang balikat. Maya-maya pa ay bumukas ang kanyang mga mata. "Lianna, you're awake." sabi ni Dale. And nagsimula ulit siyang umiyak. Nagulat ako ng bumangon siya at yakapin ako nang sobrang higpit. Nanginginig ang mga kamay niya at halatang takot na takot. Agad ko rin siyang niyakap at pinakalma. "A-akala ko totoo..." sabi niya habang umiiyak. "Ang alin?" tanong ko. "S-si Tito Antonio... pumunta daw siya dito t-tapos p-papatayin niya ako." natatakot na sabi niya. "Antonio? Tito? Yan ba yung nakwento mo sa akin na nakidnap ka noon? Siya ba yung kumuha sayo?" walang tigil na tanong ni Dale at napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. What the hell? Sinong nakidnap? "O-oo... nanaginip ako na bumalik siya... hindi pwede yon. Nakakulong siya... natakot ako. Akala ko totoo." sabi niya na umiiyak pa rin. Niyakap ko siya ulit. Damn, I didn't know anything about her at all! How could I be so useless? "Tama na, Lianna... hindi yon totoo." sabi ko, hoping that it will lessen the fear that consumes her. "Pero paano nga kung balikan niya ako? Hindi na niya ako pakakawalan. Paniguradong papatayin na niya ako." sabi niya na para bang sigurado na siya sa mangyayari. Oh, that will never happen, Lianna. I will keep you safe. Always. "Sino nagsabing hahayaan ko yang mangyari?" tanong ko sa kanya at napahiwalay siya sa akin. "H-ha?" naguguluhang tanong niya. "Bago ka pa niya makuha, dadaan muna siya sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sayo, Lianna. Subukan niya lang at matitikman niya ang kamatayan." sabi ko ng buo ang loob. Hindi ako nagbibiro. No one messes with anyone who's related to me. No one. Kung sino man ang lalaking yon, wag siyang magpapakita sa akin. Dahil kapag nagkataon, hindi ko siya sasantohin at mapapatay ko siya mismo sa oras na ito. How dare he make Lianna feel so scared? "Nandito rin kaming lahat, Lianna. See? Kay Ace pa lang ay panigurado ng tumba ang Antonio na yon. Pero para sigurado, nandoon kaming lahat. Kaming lahat, poprotekta sayo. Wala ka mang kuya pero nandito kami. Kami ang poprotekta sayo sa oras na saktan ka ni Antonio. Kami ang magtatanggol sayo kapag inaway ka ng kung sino. Kahit saan o kahit kailan. Kami ang magsasabi na pangit ka pero mahal ka pa rin namin. Kami ang gaganti para sayo kapag may nang-api sayo. Kami rin ang mapagsusumbungan mo sa oras na sa saktan ka ng taong mahal mo. Kami ang gagawa ng lahat ng bagay na yon na hindi magagawa ng kuya mo." sabi ni Dale na nagpaiyak muli kay Lianna. Pero ngayon, nakangiti na siya. Tinignan ko si Dale. Nakangiti din siya kay Lianna. Mukhang maraming nangyari nung wala ako. Buti na lang at natapos ko na ang trabaho ko. Hahanapin ko ang Antonio na iyon at sisiguraduhin kong hindi niya magagalaw si Lianna. "Dale." tawag ko sa kanya ng makatulog nang muli si Lianna at nandito kami sa balcony. Umiinom ng beer in can. "Itatanong mo kung ano nangyari kanina habang wala ka?" tanong niya na parang alam niya ang itatanong ko. "Oo." sagot ko. "Wala naman. Nagkwentuhan lang kami." sabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong tulala lang siya habang nakatingin sa madilim na langit. "Ano yung tungkol sa nakidnap siya? Hindi ko alam yon." sabi ko. "'Iyon ba? Four years ago, nung 18 siya, kinidnap siya ng mga tauhan ni Antonio. Si Antonio ay isa sa mga investors ng company nila Lianna. Pero sinabi nitong sinira daw ng buhay ng tatay ni Lianna ang buhay niya. Kaya gumanti ito sa paraang pagkikidnap kay Lianna. Uunahin niya si Lianna saka isusunod ang nanay niya. Ang kwento niya sa akin ay buti nahuli daw iyon ng mga pulis at nakulong bago pa man siya patayin. Kinidnap si Lianna dahil sa pera." kwento sa akin ni Dale. Agad namang nagdilim ang paningin ko. If only I had known that man, I will show him no mercy. "I'll kill that man." galit na sabi ko. "As much as I want to pero hindi ko pa alam kung nasaan siya. Sa konting oras na nakilala naming lahat si Lianna, napalapit kami ng sobra. Kakaiba siya sa ibang babae. Kung iba yun, gagamitin na nun ang chance para i-seduce or what. Kaya nga tahimik ang iba nung una eh. Pero nakita kaagad namin na wala yun sa intensiyon niya. Bakit? Dahil hindi niya kami tinignan na para bang sinasamba kami." nakangiting sabi niya. I saw admiration in his eyes. "Nakita ko nga. Kahit si Cole na akala mo pinaglihi sa sama ng loob ay napangiti at napatawa ni Lianna. Iba ang dating niya. Masyado siyang inosente." sabi ko kay Dale. Napatawa ako nang maalala ko ang muntong pag-aaway namin ni Lianna. It hasn't been long since that happened, pero natatawa pa rin talaga ako at parang ang tagal na magmula nang nakilala ko siya. "Tama ka. Alam mo ba kanina, naging emosyonal siyang bigla dahil gusto niyang magkaroon ng kuya? Sinabi niya sa akin yung dahilan kung bakit." nakangiti pa rin si Dale. "Bakit?" curious kong tanong. "Para daw nung kinidnap siya, ang kuya niya ang magtatanggol sa kanya at hindi na kailangang mag-alala ng ng mga magulang niya. Para ipagtatanggol daw siya nito. Kahit saan at kahit kailan." sabi ni Dale habang nakangiti. "Alam mo bang nababaliw na ako? Sinabi ko kanina na tawagin niya akong kuya. Dahil ako mismo ang gagawa ng ginagawa ng kuya." sabi niya at yumuko. Parang dinadama niya ang sinasabi niya. "Matagal ka ng baliw, Aragon. Parehas kayo ni Blaze. Mayaman na lahat lahat pero pinili pa rin magtrabaho bilang secretary ko? Can you even believe na dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa akin? Di ko inakala na tatagal siya nang ganoon." sabi ko habang natatawa. Tumingin sa akin si Dale. "Si Ate Dane..." sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Si Danheryl? Oh anong meron sa kanya?" wala sa sarili kong tanong.  "Ate! Tawagin mo siyang ate! Mas matanda pa rin yun sa atin ng isang taon. At kapatid ko yun, Ace." nakanguso niyang sabi. "Oo na. Ate Dane." sabi ko na napipilitan. Medyo malapit ako kay Danheryl dahil lagi niya akong niyayaya kapag kailangan niya ng sparring sa taekwondo. Pareho kaming black belter. Pero hindi niya pa rin ako matalo. Tsk.  "Hoy! Ako lang tatawag sa kanya ng Dane! Pinaghirapan kong isipin yon eh." sai ni Dale. Kasing-edad ko ba talaga ang isang ito? "Oh Ate Danheryl. Masaya ka na? Anong meron tungkol sa kanya?" bored kong tanong saka ako uminom ng beer. Uminom din muna si Dale bago nagsimulang nagsalita. "Noon, nakwento niya sa akin kung bakit daw kailangang siya pa ang panganay. Pwede naman siya na lang daw ang bunso o kaya naman pangalawa. Tinanong ko siya kung bakit niya ayaw na maging panganay. Sabi niya gusto niya na meron daw siyang kuya na magtatanggol sa kanya sa oras ng kapahamakan. Gusto niyang may mapagsasabihan siya ng problema niya." agad na napalitan ng kalingkutan ang ekspresyon niya. Tumingin ako kay Dale nang maayos. Ngayon lang diya nagkwento tungkol kay Danheryl. Puro kasi siya sumbong noon na kesyo ang sakit daw manipa ng ate niya at lagi daw siyang binubugog. "Sabi ko sa kanya noon, 'bakit di ate ang gusto mo?'. Alam mo ba ang sagot niya? 'Boplaks! Edi ganoon din yon. Parang nagkaroon din ng isa pang ako. Hindi niya ako maipagtatanggol sa kahit na kanino. Hindi ko magagawang magsumbong na may umaaway sa akin dahil pagtatawanan niya ako. Pero kapag may kuya ako, tatawanan niya muna ako pero ipagtatanggol niya ako sa huli'. Naiyak ako sa sinabi niya. Ni minsan, hindi ko siya naipagtanggol dahil laging kami ni Blaze ang pinoprotektahan niya. Laging kami ang inaalala niya bago ang sarili niya." naluluha na si Dale ngayon. Kung pwede lang nakuhaan ko siya ng picture ay ginawa ko na. Pero dahil kahit masungit ako, isa akong mabait na kaibigan kaya hinayaan ko siyang magsalita. "Nalulungkot ako dahil tinawanan ko si ate noon dahil nag-aral siya ng taekwondo. Pero sinipa niya ako. Sabi niya, nag-aral daw siya nun dahil wala siyang kuya na magtatanggol sa kaya kapag may nangyari sa kanya. Nag-aral daw siya nun para kaya niyang protektahan ang sarili niya at kaming dalawa ni Blaze. Umiyak ako sa di malamang dahilan nung gabing yun. Kaya iba na lang yung reaksyon ko nang sabihin 'yon ni Lianna." paliwanag niya saka siya tumingin ng diretso sa mata ko. "Kay Ate Dane, kay Blaze, at kay Lianna. Para sa kanila, gagawin ko ang lahat ng ginagawa ng isang kuya." sabi niya. Just for tonight. I think that Dale Aragon became a cool person, for just one night. "Hehehehe..." nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko ang tawa niya. Nilingin ko siya at nakatingala siya sa langit habang pula na ang mukha niya. What the hell?! Nakailang can na siya! Samantalang ako, iisa pa lang! Paanong naubos niya ang halos sampung can ng beer? Tsk. Iinom ng ganyan karami tapos hindi kakayanin. Ito ang laging ginagawa ni Dale kapag nalalasing. Hindi naman siya ang pinakamalala kapag nalalasing pero masama para sa akin na nalalasing ang ulupong na ito. Bakit? Dahil ako ang lagi niyang ginugulo. Sa dinami-rami naming magkakaibigan, ako ang trip niyang asarin. Kaya baka kung ano na naman ang gawing kalokohan ng isang ito. "Anong trip mo?" nakataas ang kilay ko ng tinanong ko siya. Tinawanan niya ako. Ayan na, nagsisimula na siya. "Hehehehe wala naman. Hala? Bakit may pakpak ka Ace? Parang pakpak ng isang anghel! Pero may sungay ka..." nakangusong sabi niya sa akin. Nilalait niya na ako. Buti naman at hindi niya ako hinaharot. Mas okay na ito kaysa ganoon. "Parehas lang tayo kaya manahimik ka." saway ko sa kanya. There's no point in correcting him dahil lasing na siya. Pero kinakausap ko pa rin. Baliw. "Hindi kaya! Susumbong kita kay Papa Jesus! Kapag nagkita kami, isusumbong kita para hindi ka makaakyat *hick* ng *hick* langit." "Talaga? Gusto mo na ba siyang makita? Kaya ko yung gawin." makahulugang sabi ko sa kanya. Napangiti ako dahil natatawa ako sa inaakto niya. "Hehehehe *hick* tignan mo yung langit, Ace. Ang *hick* ganda diba? Ang daming ishtars. Para ngang maabot *hick* ko na *hick* yung isa. Ikukuha kita. Hehehehe ayaw niya magpakuha." inabot-abot niya ang langit at ang mokong, tumalon pa talaga. Ayan na talaga. Nagsisimula na siya. Hindi ko kakayanin ang mangyayari. "Huhuhuhu, Eyyyyyss. Ayaw magpaabuuut ng istars sa akin! Huhuhuhu ang beyd neyla *hick*. Tweyngkel tweyngkel litel staaar! Haw ay wandir wut yu aaareee! Ap abav daa world sow hay! Layk a dayamond in daaa skaaay!" f**k. Malala na ang isang ito. Napailing na lang ako at sinubukan siyang pigilan sa pagwawala niya. Bakit naging parang tambay sa kanto ang kaibigan ko? Kumakanta pa ng pambatang kanta? Malakas na talaga ang tama neto. Dapat bang ipalagay ko na siya sa mental? "Luunesh! Nang tayo'y magkakilala! Martesh! Hindi na kita makita! Umabot ng linggo! Iniwan mo ako! Oooo tukssshoo!" kanta niya. What the f**k. Anong kanta yon?! "Meyri hada litel lamb litel lamb. Litel lamb!!! Itshy bitshy shpayder!" ptuloy niya pa kaya napasapo na lang ako sa aking noo. Ayoko na. Suko na talaga ako. Inakay ko na siya papunta sa kwarto niya sa kabila at niligpit ang pinag-inuman naming dalawa. Naligo ako at matuulog na sana ng may naalala ako. "f**k. Isa lang pala ang kama. At wala man lang sofa?! Sa pagkakatanda ko meron ah? f**k that Dale Aragon! Ugh!" sigaw ko saka sinabunutan ang buhok ko. No choice. H-hindi naman siguro magagalit si Lianna. Tama. Lalagyan ko na lang ng harang sa gitna. Argh! Hindi! Saan ako matutulog? Bahala na. Inaantok na ako. Ayoko na. Bahala na bukas. *** "Ace..." Ano ba? Ang ingay naman. "Ace! Wag mo akong talikuran! Umaga na, oy! Gisiiiiiing!!"  "f**k that freaking piece of s**t! What happened?!" bangon ko ng may sumigaw sa tenga ko. Nakita ko ang gulat sa mata ni Lianna pero sinamaan niya ako ng tingin. "Mura na naman? Ang aga aga nagmumura ka! Isa pang mura na marinig ko tatampalin kita. Masakit akong manampal." banta niya. Nakakatakot din pala minsan si Lianna. Pero tinawanan ko lang siya. "Anong tinatawa tawa mo diyan?" nakataas ang kilay niya. "Parang kagabi lang takot na takot ka. Pero ngayon, ikaw na ang nananakot." sabi ko. Napa-tch siya sa sinabi ko. "Masama ang panaginip ko eh. Pero takot na takot ako kagabi. Buti nandoon kayo ni Kuya Dale." biglang lumambot ang mukha niya. Bipolar ba ang isang ito? "Magbihis ka. May pupuntahan tayo." sabi ko sa kanya. "Saan?" tanong niya. "Basta maghanda ka na lang. Pero kumain muna tayo. Gutom na ako." sabi ko at dumiretso sa banyo para magsepilyo. Paglabas ko ay napansin kong iba na ang suot niya ngayon kesa sa kagabi. Mukhang nagpalit na siya ng damit. What the hell? Malamang nagpalit ng damit yan. Kaya nga nag-iba diba? Lumabas kami ng kwarto at dumiretso sa ibaba para kumain sa isa sa mga restaurants dito sa hotel ni Dale. Mabilis lang kaming natapos ay umakyat na kaming muli sa kwarto. Nauna na siyang maligo at paglabas niya ay nakaayos na siya. Sweat shirt at skirt? Paborito ba niya ang sweat shirt? At naka skirt siya?! Malamig sa labas! "Magpalit ka ng damit mo." sabi ko. "Bakit? Maganda naman kaya." angal niya sa sinabi ko. Sumimangot ako at pinanliitan siya ng mata. "Maganda nga. Pero maiksi yung skirt saka malamig sa labas." sabi ko sa kanya. There's no way in hell that I will let other men see you like that. "What? Two inches above the knee ang suot kong skirt, Ace. Naka black stockings pa ako kaya hindi na ako lalamigin gaano. Are you kidding me?" angal niyang muli. Psh. Bahala siya sa buhay niya. "DISNEYLAND? Are you kidding me, Ace?" sambit ni Lianna. "Why? Maganda naman dito ah. Hindi lang naman ito pambata. Marami ngang matatanda eh." angal ko sa sinabi niya. Maski ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit kami dumiretso dito sa Disneyland. Sumakay muna kami ng barko papuntang Hong Kong saka kami sumakay ng train papunta sa Disneyland. I find this exciting. "Okay. Bahala ka. Balita ko nga maganda dito. " sabi niya saka niya ako hinila papunta kung saan. "Easy there, lady. I'm a well known person. Baka pagkaguluhan ako." sabi ko sa kanya. The last time I went alone in a trip, people rushed towards me. And believe me, it was a great candidate to the wost days of my life. It was supposed to be exciting but it turns out, na-stress ako. "Hey, don't be silly. Ano naman kung may makakilala sa iyo dito? Hindi ka ba tao para mamasyal? Tara na kasi!" suway niya sa akin. "Saan tayo pupunta? Alam mo ba ang pinuputahan mo?" nagtataka na tanong ko sa kanya. "Siyempre hindi. Ngayon ko lang ito mapupuntahan." rason niya. Napahalakhak naman ako sa kanya. "Eh bakit kung saan saan ka pumupunta? Hindi mo naman pala alam ang lugar na ito?" sabi ko. "Ikaw alam mo ba?" tanong niya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya. "Obvious ba? Siyempre hindi. Ni hindi ko nga alam ito eh." sabi ko at ngumuso. Why the hell am I pouting?! "Oh ba't tayo nandito kung hindi mo alam ang lugar na ito?" tanong niya ulit pero ngayon naka-kunot na ang noo niya. "Narinig ko lang na pinaguusapan ng mga tao. Tsaka nakita ko rin sa isang flyer. I thought gusto mong pumunta dito since sinama kita dito at pinaghintay ng matagal." sabi ko. Naistorbo ko siya imbes na nagpapahinga siya sa bahay. "Ahh. Sige napansin ko rin na pagod ka sa trabaho kaya mag-eenjoy tayo! Tara dun sa disney princesses. Bilis! Ang ganda ni Belle!" sigaw niya at dumiretso sa isang prinsesa. Umiling na lang ako at walang magawa kundi sundan siya. Pumila siya at buti na lang hindi ganoong kahaba ang pila. Tinawag niya ako at sinabi na pumila sa tabi niya. Pero umiling na lang ako. "Ikaw na lang. Pipicturan na lang kita dito." sabi ko sa kanya at hindi na ako sumunod sa kanyang tabi. Going here humiliates me more than enough. Paano pa kaya kapag nagpapicture sa isang Disney Princess? "Ang KJ mo naman. Kuhaan mo ako ng picture ha? Ang ganda ni Belle, oh! Pati ni Cinderella. Hahaha!" ang sigla niya ngayon. Buti naman. Nung siya na ang magpapakuha ng picture, hinanda ko ang phone ko para kuhaan siya. Kumuha ako ng ilang shots para hindi na siya magreklamo. "Nakuhaan mo ako?" tanong niya ng makalapit siya sa akin. "Oo nakuhaan ko. May ibibigay din naman silang copy sayo eh." sabi ko. Pumunta siya sa isang side para kunin yung picture. Nang makuha niya iyon, tuwang tuwa siya. I like seeing her smile. Sununod namin si Stitch. Pwe! Bakit ba gusto ito ni Lianna? "Ano ka ba? Favorite ko kaya si Stitch. Ang cute cute niya." sabi niya. Tch. Hindi ko naman tinatanong. "Cute lang siya. Ako pogi." sabi ko. Tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. "Pogi? Saan banda?" tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo na! Pogi ka nga, pero favorite ko si Stitch." sabi niya saka nagkibit-balikat. I'll kill that blue mongrel.  "Tara na! Pa-picture na tayo. Walang KJ, Ace! Tayong dalawa ang magpapapicture sa ayaw at gusto mo." sabi niya at wala na akong magawa kundi pumayag sa gusto niya. Sa huli, nakatabi ko ang stitch na ito. Ito ba ang gusto ni Lianna? Ha! I'm way better than this. Mukha siyang avatar. "Ang cute ni stitch." sabi ni Lianna ng matapos kaming mapakuha ng picture sa asul na halimaw na iyon. Kumakain kami ngayon dahil gutom na siya. Oo gutom na naman si Lianna. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ni wala pang anim na oras na katatapos kumain ay gutom na ulit. Sandwich lang ang kinain ko para man lang may kasama siyang kumain dahil sa totoo lang, busog na busog pa ako sa kinain namin kaninang umaga. Ang in-order naman ni Lianna na pagkain ay yung double-quarter pound cheese burger at large fries. Parang hindi na siya normal na tao sa kinakain niya. Hindi naman siya tumataba pero grabe ang kain niya! "I'm done." sabi niya at ininom ang soda. Napa-tingin ako sa kanya bigla. Wala pang limang minuto ay ubos na niya yon?! Ano ba siya? May dragon ba ang tiyan niya? "Lianna, may halimaw ba yang tiyan mo?" tanong ko sa kanya. "Ganito ang kain ko palagi. Hindi uso ang diet sa akin. Pero kahit ganoon, ni hindi man lag nadadagdagan ang timbang ko. Nagtataka nga ako eh." kibit-balikat niyang sabi. "Tara sa ride na yon!" sabi niya ng makapagpahinga kami ng ilang minuto. Baka masuka kasi ang isang ito kung kakakain lang namin ay sasakay na kaagad siya sa mga rides. "Alin diyan?" tanong ko. Hindi ko naman alam yung tinutukoy niya. "Doon oh! Yung sa may loob ng may buzz lightyear." turo niya. Mukhang museum lang naman. Pero kahit ganoon ay pinasok pa rin namin yun. Pinaupo kami sa kung ano at may ibang tao rin ang umupo. Ano ba ito? Akala ko ba museum? "Ace, nakaka-excite diba?" tanong niya sa akin habang may malapad na ngiti sa kanyang mga labi. "At anong nakaka-excite sa isang museum?" sagot ko pabalik sa kanya. "Museum? Ace, hindi ito museum." sabi niya. "Ha? Ano ba ito?" tanong ko pero biglang namatay ang ilaw. Wala akong makita ni isa. Bakit pinatay ang ilaw? "Indoor roller coaster ang isang ito, Ace. Hindi mo ba tinignan sa labas? Hahahaha! Wala ka ng magagawa. Nakasakay ka na eh. Enjoy-in mo na lang." sabi niya. What the fvck?! Roller coaster?! Bakit di niya kaagad sinabi? Walang hiya! Oh no. Umaandar na... "L-lianna... baba na tayo dito... ayoko ng ride na ito. Lianna...." pagpupumilit ko sa kanya. "Ano ka ba? Nandito na tayo. Saka di mo ba nararamdaman? Umaandar na tayo oh" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko. "f**k. Lianna, baba na tayo. Ayoko nga dito eh." sabi ko sa kanya. f*****g s**t. Ayoko dito. Mamamatay na ako. f**k. Please remind me why I brought her here! "Wag ka ngang magmura. Teka, takot ka ba?" tanog niya. Natigilan ako. "O-oo. Sabihin mong duwag ako o kung ano pa yan. Pero takot ako dito, Lianna. B-baba na tayo." pakiusap ko pero napabuntong-hininga na lamang siya. "Wala na tayong magagawa, Ace. Pumikit ka na lang sa buong ride." sabi niya sa akin. No! Ayoko! "Ayoko! Takot nga ako eh. Itigil mo ito, Lianna..." sabi ko. Fvck. Anong kahihiyan ito? "Hay nako. Hindi na pwede, Ace. Kumapit ka na lang sa kamay ko para hindi ka makaramdam ng takot. Yakapin mo ako o kung ano man ang gusto mo. Ganyan ang ginawa ko sa pinsan ko noong unang sakay namin sa roller coater. Takot din ako noon pero niyakap ko lang si kuya buong ride. Sumunod noon, nawala ang takot ko." sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "H-hindi ako tsansing ah. Ikaw ang nagsabi niyan. Tsaka, sabihin mo na lang na tine-take advantage mo ang takot ko para yakapin kita. Sus, kunwari pa. Sabihin mo na lang na gusto kitang yakapin. Yayakapin naman kita eh." sabi ko sa kanya gamit ang nang-aasar na tono. "Ang feeler mo! Kung ayaw mo edi wag! Manigas ka diyan sa takot. Wag kang kakapit sa akin ah." sabi niya at nanlaki muli ang mga mata ko. "Waaah! Joke lang, Lianna. Eto na!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Natigilan ako bigla. A-ang lambot ng kamay niya. Ang sakit ng dibdib ko. Bakit biglang sumakit? Napahawak ako doon at naramdaman kong biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Unti-unting bumibilis ang ride. Sht. Wala pa rin akong makita! Bakit buong ride madilim! "Waaaaah!!!! I-itigil niyo na!!!!! Ayooooko naa!" sigaw ko. Buti na lang may ibang nasigaw din na para bang nag-eenjoy. Si Lianna din. Anong masaya sa ride na ito?! "Pleeeaseee! Waaaah! Loooord!!!! Ayooookooo naaa!" pagmamakaawa ko pero ang lintik na ride na ito, ayaw tumigil! Lalo namang bumilis ang t***k ng puso ko ng bumaligtad ang ride. "f**k! Malalaglag ako! Hooooooy!! Itigil niyo na ito!! I swear, pagkatapos neto, ipapagiba ko ang Disneyland!!!" sigaw ko. s**t bakit tumutulo ang luha ko? "Ace! Tumahimik ka! Ang KJ mo talaga!" sigaw ni Lianna. "Aayoooko naaa!" sigaw ko pabalik. "Kumapit ka nga kasi!" sigaw niya ulit. Hinawakan ko na ang braso niya. Bakit feeling ko malalaglag ako?! f**k! Gigibain ko ang Disneyland!. "f*****g piece of s**t! Tsansing na kung tsansing! Hindi ko na kaya, Lianna!" sigaw ko at niyakap ko na siya. Lumiko sa kanan ang ride at sumunod sa kaliwa. Umikot ikot at hanggang ngayon wala pa rin akong makita. Buong ride ay nakayakap ako kay Lianna at makapikit ang aking mga mata. Hinahabol ko ang hininga ko ng matapos ang ride. "Wooooh! Ang saya!" sigaw ni Lianna. Napatingin naman ako ng masama sa kanya. "Hindi masaya!" sigaw ko habang nakakunot ang noo. "Hala umiiyak ka. Talagang natakot ka nga. Sorry. Hindi ko naman alam na takot ka pala sa roller coaster. Hindi mo naman kasi sinabi." sabi niya saka pinahid ang luha ko. Napatitig ako sa kanya at halos manigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niyang iyon.  "Wala yon." sabi ko sa kanya. "Sorry na." sabi niya sa akin. "Hindi ako galit." paninigurado ko. "Di nga? Seryoso ka?" tanong niya. "Hindi nga. Kapag nagkulit ka diyan, iiwanan kita." sabi ko. "Oo na. Tignan mo yun Ace oh! Mga picture natin kanina habang nasa ride tayo! Tig-isang kopya tayo." sabi niya sa akin saka binigay ang isang kopya ng picture. Ang takot ko kanina ay biglang nawala ng makita ko ang picture. Ang cute. Si Lianna ay nakangiti at sumisigaw habang ako ay nakayakap sa kanya at nakapikit ang mga mata. Ngumisi ako. Itatabi ko ang isang ito. "Thank you so much, Ace. Kung hindi mo ako dinala dito, hindi ako magiging ganito kasaya. At may souvenir pa ako. Itatago ko ang picture na ito. This just proves na natatakot din pala ang isang Ace Montero." sabi niya. Pabalik na kami ng hotel ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa tin siya nagsasawa sa fireworks na nakita niya kani-kanina lang. Sobrang ganda daw kasi at hindi niya daw talaga iyon malilimutan. Napangiti na lang ako. Ginabi na pala kami at hindi namalayan ang oras dahil sa saya. Marami pa kaming sinakyan na rides. Puro mga extreme rides ang sinakyan namin pero sobrang saya. Sabi nga niya sasakay pa siya sa isa pang roller coaster pero siya na lang ang pinasakay ko. Dahil outdoor area ang location ng roller coaster na yon at sobrang nakakahiya kapag nagkataong may makakilala sa akin. Papunta na kami ngayon sa kwarto at nakangiti pa rin siya. Ngumiti rin ako dahil kahit papano ay napasaya ko siya. Nang makarating kami ay kapwa kami naligo at siya naman ay humiga sa kama. So sa sahig ulit ako. Nice. "Diyan ka ulit matutulog?" tanong niya ng pumwesto ako sa sahig. "Oo." sagot ko. "Dito ka na sa kama. Lumayo ka lang ah. Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko." sabi niya at nagmadali akong pumunta sa kama. Doon ako sa kabilang dulo at napansin ko na tulog na siya hindi ko naman namalayan na maging ako ay nakatulog na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD