Ace's POV
"Man, akala ko mataray siya. Pero hindi! She even insisted that we should take a picture! Damn, that was a dream come true!" sigaw sa akin ni Race.
Tch. Nagpapicture siya sa mga ulupong na ito? Bakit sa akin hindi? Nanatiling nakakunot ang noo ko lalo na ng makita kong nag-uusap sila ni Anderson. At nagtatawanan pa! I never saw her laugh like that. Ni hindi ganyan ang pagtawa niya kapag ako ang kasama niya.
"Dude, anong problema mo?" si Rouge. Umupo siya sa tabi ko ng sinabi niya iyon. Nanatili lamang akong nakasimangot.
"Wala." sabi ko pero humalakhak siya bigla.
"Iyan ba ang mukha ng walang problema? Lokohin mo na ang kahit na sino wag lang kaming mga kaibigan mo." nakangisi siya at para bang alam niya ang umiikot sa utak ko.
"Tch. Si Lianna kasi. Kakakilala niya pa lang sa inyo pero ganoon na kaagad siya lumapit sa inyo." sabi ko kay Rouge. He had this silly look on his face before he spoke.
"Are you jealous?"
"What the f**k? Sawa ka na ba sa buhay mo? Gusto mo nang mamatay?" singhal ko kay Rouge. What the f**k is he blabbering about? That's pure nonsense!
"I'm just asking. No need to be angry about it, Ace." sabi niya at napakalma ako. Natigilan ako at nanahimik.
Ano bang nangyayari sa akin?
"Sorry." sabi ko sa kanya. Why am I even like this? Last time I checked, hindi naman mainitin ang ulo ko.
"No problem." sabi niya pero nakangiti pa rin siya na parang timang. Napailing na lang ako.
"You know what? Ang bait ni Lianna. Ngayon ko lang nakita ang buong tropa natin na ganyan kalapit sa isang taong kakakilala pa lang nila. Kahit ako." pag-aamin niya. Sa sinabi niyang iyon, doon ko na-realize na tama nga siya. I've never seen them this approachable to a woman unless they're going to flirt.
"Naka-adjust na kaagad siya sa kanila. Ngayon ko rin lang nakita sila na nakipag-usap sa isang kakakilala pa lang nila. Unbelievable right? Ganyan din ako sa kanya. Parang may kakaiba." pag-aamin ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hahahaha! Kung ano man ang kakaibang iyon, sana magpatuloy. I like seeing them like that." sabi niya at tinuro ang lahat na kinakausap si Lianna at tumatawa ng sabay.
Ano bang meron sa kanya? Bakit lahat ng tao, nagugustuhan siya?
"Hindi ko alam na mag-eenjoy pala ako kasama ang mga kaibigan mo, Ace. Ang saya nila kasama. Kakakilala ko pa lang sa kanila pero I never felt out of place." sabi ni Lianna nang makarating kaming muli sa bahay ko. Kakatapos lang ng dinner sa bahay ni Shawn. Ilang oras din ang tinagal namin dahil marami pang pinag-usapan si Lianna at si Levi. At naiinis ako. Ano pa ba ang dapat nilang pag-usapan na hindi ko alam?
"Mabuti naman at sumaya ka. Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka." sabi ko sa kanya bago ko siya hinatid sa kwarto niya.
"Goodnight, Ace." sabi niya bago niya isinara ang pinto. Ang babaeng ito. Hindi man lang hinintay na mag-goodnight din ako sa kanya. Tumalikod na ako at pumunta sa kwarto ko. Nag-ayos na ako at humiga sa kama. It's a very long day, indeed. Tumingin ako sa itaas ng kwarto ko at inalala ang dalawang araw na wala dito si Lianna. Tch.
Bigla akong napabangon ng may tumawag sa phone. Great. Ano nanaman? Ang secretary ko ang tumatawag.
"Anong kailangan mo? Gabi na, bilisan mo kung may kailangan kang sabihin." sabi ko sa kanya. This better be good.
"Kailanga niyo pong pumunta sa Macau ngayon, boss. May emergency po doon kaya kayo pinapatawag. Papunta na po kami diyan gamit ang helicopter ng pamilya niyo. In five minutes lalapag na kami sa rooftoop ng mansion niyo." sabi niya saka binaba ang tawag. Buti na lang talaga malaki ang rooftop ko. Sapat iyon para maglanding ang helicopter.
Pero pupunta ako ngayon ng Macau? Paniguradong ilang araw ang itatagal ko roon. Hindi ko pwedeng iwan na lang basta dito si Lianna. Argh, no choice, kailangan ko siyang isama.
***
Lianna's POV
"Lianna. Alam kong gising ka pa. Mag-impake ka ng gamit na kailangan mo para sa dalawang araw. May kailangan tayong puntahan. In five minutes kailangang handa ka na." ano raw? Bakit biglaang aalis?
Bumangon ako bigla ng kama at hinablot ang bagpack ko. Nilagay ko doon ang phone, charger, earphones, Ipod, at tatlong sweat shirts at jeans. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero mukhang may emergency kaya ginawa ko ang sinabi ni Ace. Nagbihis din ako ng isang malaki na black hoodie at jeans. Dinala ko na rin ang cap at mask ko.
Nang matapos ako, lumabas na ako ng kwarto at sinalubong si Ace. Naka coat and tie siya. Ahh, mukhang may emergency sa company at isasama niya ako dahil hindi niya ako pwedeng iwan. Okay, alam ko na. I will do my best not to distract him. Alam kong importante sa kanya ang company kaya hindi ko siya guguluhin. Tinignan niya ako at nagsalita.
"Tara sa rooftoop. Nandoon na ang helicoter."
Yun lang ang sinabi niya at sabay kaming umakyat papunta sa rooftop. Namangha ako nang makakita ako ng helicopter. Helicopter sa rooftop ni Ace! Parang bumabagyo sa lakas ng hangin at konti na lang ay pwede na akong hanginin palabas nitong village.
"Tara na." yaya niya bago kami pumasok ng helicopter. Pinasuot niya sa akin ang parang headphones na ewan. Hindi daw kasi kami magkakarinigan kaya kailangan nun para makapag-communicate kami. Buti na lang talaga wala akong fear of heights. Gabi ngayon at nakikita ko ang city lights. Mga ilang minuto lang ay dagat na ang nakikita ko. Napabuntong hininga ako. Hindi ako nakapagpaalam kina Mom at Dad. Ano kayang sasabihin nila kapag nalaman nilang umalis ako? Pero kasama ko naman si Ace kaya ayos lang. Sagot niya naman ako diba?
"We're going to Macau." sabi ni Ace na katabi ko at napalingon ako sa kanya. Macau? May branch pala doon ang company niya. Mayaman nga talaga itong si Ace. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot since it'll very rude if I will ignore what he just said.
"Hindi ka magtatanong kung ano ang gagawin natin sa Macau?" parang nagugulat niyang tanong.
"Naka-suit ka. It's obvious na pupunta ka doon dahil may kailangan kang gawin at naiintindihan ko yon. Sinama mo ako dahil hindi ako pwedeng maiwan mag-isa sa bahay mo dahil sagot mo kung may mangyaring masama sa akin." paliwanag ko sa kanya.
"You understand my situation? Hindi ka magagalit na sinama kita imbes na magpahinga ka sa bahay?" nilingon ko naman siya at nakita kong gulat na gulat siya.
"Ace, hindi ako ignorante. Alam kong emergency iyan. Spoiled brat ako pero marunong akong umintindi ng sitwasyon." mahinahon kong paliwanag.
"Thank you for understanding." sabi niya bago kami tumahimik. Pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang pagod. Kailangan ko ng konting tulog.
"Lianna..."
"Hmmm..."
"Lianna, wake-up. Nandito na tayo." napabalikwas ako bigla. N-nandito na pala kami. Lumabas na ako ng helicopter at tinignan ang paligid. Rooftop ulit? Saan ito?
"Aragon Hotel." sabi ni Ace na tila sinasagot ang tanong ko. Wait. Aragon? Kung Aragon Hotel ang lugar na ito... does that mean... no. Imposible naman siguro? Baka nagkataon lang. Pero nakumpirma ang iniisip ko nang kagsalita si Ace.
"You're right. Dale Aragon is the owner. This hotel has more than hundreds of branches." sabi niya sa akin saka ako hinila papasok ng hotel.
Bumaba kami ng isang floor saka sumakay ng elevator. Kasama namin ang secretary niya. Matangkad, gwapo, at may pagka-moreno.
"I'm Blaze Aragon, Ms. Lianna. Ace's secretary. I'm also one his close friends and brother of Dale Aragon. Wondering why I'm Ace's secretary? It's because I want to. I'm rich and I can have everything with my own money but at least, I want to do everything on my own." sabi niya sa akin. Napahanga ako. Not everyone will do what he did. But I laughed at his sudden explanation. Cute.
"She's not asking you, Blaze. Don't scare her." banta ni Ace sa kaibigan.
"I'm just introducing myself, boss." sabi ni Blaze saka siya tumawa ng mahina. Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator. Napunta kami sa isang floor na puno ng rooms. Sinalubong naman kami doon ni Dale.
"Ms. Lianna!" salubong niya saka ako niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik. It's nice seeing a familiar face here.
"Hey! Kapatid mo ako kaya dapat ako ang una mong niyayakap! Bakit si Ms. Lianna ang nauna?" angal sa kanya ni Blaze.
"Lagi na tayong magkasama, dear brother. Hindi na kailangan ng yakap." sabi ni Dale at ngumuso lang si Blaze. Si Ace naman ay nakakunot ang noo.
"Sino ang nagsabi na yakapin mo si Lianna, Dale?" parang nagtitimpi na sabi ni Ace sa kanya si Dale naman ay tumawa lang.
"Ayan ka na naman eh. Oh siya, mauna ka na. Ihahatid ko lang si Ms. Lianna sa kwarto niyo." sabi ni Dale.
"Wait, what? Kwarto namin?! Dale Aragon! Napakaraming rooms na available dito! Diba sinabi ko sayo na dalawa?" singhal sa kanya ni Ace. Maski ako ay nagulat.
"Alam mo Ace, fully booked na kami at iisa na lang ang room na available." sabi ni Dale.
"Pero dalawa ang sinabi ko. Um-oo ka pa nga eh." naiiritang sabi ni Ace.
"May nauna na." he said to Ace and smiled.
"Tell me who that fucker is." geez. Nakakatakot si Ace. Parang dumidilim ang mundo ko kapag naiinis si Ace.
"Ako. I'm gonna stay here for tonight kaya kailangan ko ng room. Owner's priority is a first." nakangiting sabi ni Dale kaya halos masapo ko ang aking noo. Tana nga naman siya.
"Okay. Wait until you come into my company." makahulugang sabi ni Ace saka umalis kasama si Blaze.
"Oh, wait. Hintayin mo ako. Make sure to lock the door when you're in. Tawagan mo ako kapag may nangyari. Dale, I trust you in this. Diba katabi ng kwarto mo ang kanya? Make sure to guard her." sabi ni Ace bago na sila umalis.
"Ms. Lianna, bakit ka sumama kay Ace?" tanong sa akin ni Dale habang papunta kami sa kwarto.
"Lianna na lang ang itawag mo sakin. He said it's important. Saka hindi niya ako pwedeng iwan. Baka katayin siya ni Dad." sabi ko at natawa siya. Huminto siya sa tapat ng isang kwarto. I assume this is mine.
"Ito ang tutuluyan mo. Itong katabi naman ang akin. Is it okay for you na doon muna ako sa kwarto mo para bantayan kita? I really think that I shoukd guard you. Baka ako naman ang katayin ni Ace kapag may mangyari sayo."
"Sure." sabi ko saka kami pumasok. Ang ganda ng kwarto. Parang buong bahay na ito eh. May mini living room, kitchen, at maliit na dining table na sasapat para sa apat na tao. Siyempre merong banyo at kama.
"Ayos lang ba, Lianna?" tanong sa akin ni Dale.
"This is more than okay. Business niyo na ito matagal na?"
"Yes. Ako na ngayon ang nagma-manage. Si Blaze naman ang in-charge sa mga resorts namin. Pero ako muna ang nagmamanage nun dahil kailangan pa daw niya ng oras. I'm a year older than him pero kung kumilos siya akala mo sampung taon ang agwat naming dalawa." kwento niya sa akin at tumawa ng mahina.
"It's nice to have a sibling. I wish I have one. An older brother to be exact. I wonder what it's like to have one." sabi ko. Gustong-gusto ko yung mga libro na ang main character na babae ay may kuya para laging may magtatanggol sa kanya kapag may nangyaring masama sa kanya.
"It's nice to have one. You will never feel alone. Why do you want to have an older brother?" tanong sa akin ni Dale.
"Para noong nakidnap ako noon, may poprotekta sa akin at hindi na kailangang mag-alala nila mom at dad sa akin palagi. Gusto kong magkaroon ng kuya para ipagtatanggol niya ako sa lahat ng oras. Hindi niya hahayaang masaktan ako at hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa akin. Para may gaganti para sa akin kapag may umaway sa akin. Para may mang-aasar sa akin na ang pangit ko pero mahal niya parin ako. Para may matatakbuhan ako kapag sinaktan ako ng taong mahal ko." It seems like I really want an older brother. Tinignan ako ni Dale at hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha para maayos yun. Saka niya ako tinapik sa balikat.
"Call me Kuya Dale. You said earlier that you're only 22 right? Well I'm 25. That makes me older than you." nakangiti niyang sabi sa akin.
"K-kuya Dale..." pagka-banggit ko pa lang ng kuya ay naiiyak ako. This makes me emotional, goodness!
"It sounds good lalo na ng ikaw ang tumawag sa akin niyan. When Blaze calls me that I get goosebumps." sabi ni Dale at natawa kami parehas.
Now, I got to have an older brother. It feels good.
Naalimpungatan ako bigla at bumangon sa kama. Nasaan si Kuya Dale? Hinanap ko siya pero wala. Malamang bumalik na siya sa kwarto niya. Kinareer ko ng tawagin siyang Kuya Dale. Ang ganda kaya pakinggan.
Tinignan ko ang oras gamit ang phone. It's already two in the morning. And still, wala pa si Ace? He must be really busy. Mukhang may problema talaga sila sa company ah. Ngayon, hindi ako makatulog. Parang may nakamasid kasi sa akin. Hindi ko naman yun pinansin. Binuksan ko ang balcony at sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang lamig dito sa Macau. Buti na lang at puro sweatshirts ang dala ko at may hoodie pa. Bumalik ako sa loob at hinayaang bukas ang balcony.
Kinuha ko ang earphones ko at sinalampak ito sa phone ko. Nakinig ako ng music pero hindi ganoon kalakas. Pinikit ko ang mata ko nung makaramdam ako ng antok pero may nagsalita na nagpagising sa akin.
No... h-hindi ito pwede...
"Kumusta ka, iha? Hmmm? Ilang taon din tayong hindi nagkita." sabi ng isang lalaking may malalim at nakakatakot na boses. I knew that voice too well! Hindi ako pwedeng magkamali.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi ito pwede... n-nakakulong siya...
P-paano siya nakapunta dito?!
"T-tito Antonio..." banggit ko sa kanyang pangalan. Siya ang kumidnap sa akin four years ago. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang takot na binigay niya sa akin nung 18 ako. Nang kinidnap niya ako at takutin na papatayin niya ang buong pamilya ko kapag hindi sumipot sina Mom at Dad.
Naluluha na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon lalo na't nasa Macau kami. Wala na talaga akong kawala ngayon. Pero paano? P-paano niya nalaman na nandito ako?
"Naaalala mo pa ako, iha. Noon, nakalaya ka pa. Ngayon hindi ka na makakatakas. Siguro sapat na ang apat na taong pananahimik ko para huli mong makasama ang mga magulang mo, hindi ba?" nakangising sabi niya. Tumawa siya nang malakas at tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Nilabas niya ang b***l na nasa kanyang bulsa.
"Ssshhh... wag kang maingay. Baka makalabit ko ang b***l na ito at pumutok iyang ulo mo." banta niya at kinagat ko ang aking labi para pigilan ang lumalabas na ingay sa aking bibig. Tinignan ko siya sa mata.
"Bakit kailangan mo itong gawin, Tito? Pinagkatiwalaan ka ni Dad." naiiyak kong tanong sa kanya pero tumawa siyang muli nang malakas.
"Hahahaha! Ang kompanya ng tatay mo ang sumira sa kompanya ko. Dahil nasira ang kompanya ko, naghirap kami. Dahil naghirap kami, hindi ko na maipagamot ang asawa ko. Dahil hindi ko na maipagamot ang asawa ko, namatay siya. Dahil namatay ang asawa ko, iniwan ako ng lahat ng anak ko. Dahil iniwan ako ng mga anak ko, sira na ang buhay ko! Naiintindihan mo ba kung anong ginawa ng tatay mo sa buhay ko? Kaya sisirain ko rin ang buhay niya. Pero uunahin muna kita para mas masaya." parang baliw na sabi niya.
Mas lumakas ang iyak ko at siya naman ay diniin ang dulo ng b***l sa sentido ko.
"Masaya diba? Wag kang mag-alala, pagkatapos mo ay isusunod ko ang nanay mo para naman may makasama ka. Medyo matatagalan pa nga lang ang pagsunod sa inyo ng tatay niyo dahil pahihirapan ko pa siya. Pahihirapan ko siya hanggang sa hindi na niya kaya!" sigaw niya sa akin. Wala akong magawa kundi umiyak.
"H-hindi..."
"Ano? May sinasabi ka ba?" bulong niya sa tenga ko.
"H-hindi si Dad ang may kasalanan kung bakit sira ang buhay mo! Ikaw ang namili ng daang tatahakin mo. Ikaw ang mismong sumira ng buhay mo. Tinulungan ka ni Dad pero inabuso mo iyon. Lagi ka niyang tinutulungan pero isang beses ka lang niyang hindi tinutungan ay nagalit ka at sinabi mong sinira na niya ang buhay mo? Ikaw ang sumira ng buhay mong matagal ng sira, Tito. Hindi si Dad! Kailangan mong pagsisihan ang kasalanang ginawa mo. Sa pamamagitan ng pagkawala ng lahat ng mahal mo." sumbat ko sa kanya at sa inaasahan ko. Sinuntok niya ako gamit ang b***l.
Mas lalong lumakas ang pwersa at naramdaman kong tumulo ang dugo mula sa ulo ko. Nakaramdam ako ng hilo at panlalabo ng mga mata ko.
"Lumalaban ka na ngayon? Pero hindi pa rin mababago ng pagiging palaban mo ang pagpatay ko sayo! Sisirain ko ang ang buhay ng ama mo gaya ng pagsira niya ng sa akin!" sigaw niya at kinasa ang b***l bago niya ito itutok sa akin. Napapikit na lamang ako habang umiiyak.
Mom... Dad... I'm sorry....
Mukhang hanggang dito na lang ako... ayokong sisihin nila si Ace dahil dinala niya ako dito. H-hindi nila pwedeng sisihin si Ace...
"Hindi pa sana kita papatayin pero napakadaldal mo. Inubos mo ang pasensiya ko kaya naman dapat ka ng mawala."