Lianna's POV
It has been two days since I left Ace's mansion. Komportable naman ako sa mansion nila Dad kaya mas nadagdagan ang rason ko para hindi na bumalik sa mansion ni Ace. And now, I'm planning to go back there so that I can get my things. I know na maganda ang pakikitungo niya sa akin sa loob ng isang araw. He fed me, he provided me shelter, he took care of me. Pero siyempre, may hiya parin ako sa sarili ko. I'm not that childish to leave with just because I waited for him for four hours straight. Nahihiya na rin kasi ako and I'm not that comfortable to stay in other people's home. Not unless that person is a very close friend of mine.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may biglang kumatok sa kuwarto ko. "Lianna, anak? May I come in?" sa boses pa lang, alam ko na si Dad yun.
"Come in, Dad." sabi ko at binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at lumapit siya sa tabi ko.
"Babalik ka ba sa mansyon ni Ace, anak?" tanong niya. As expected, ito ulit ang itatanong niya. He's been bugging me since yesterday.
"Yes, Dad. Babalik ako para kunin yung mga gamit ko doon sa mansyon. Gusto kong mag-stay dito malapit sa inyo. Kayo na rin ang nagsabi na ayaw niyo akong mahiwalay sa tabi niyo. Kaya why did you let me stay with Mr. Montero's son?" hinarap ko si Dad.
"We did that because we trust Ace. Kilala na namin siya nung bata pa lang pero never kayong nagkakilala. Mabait siya and besides, he insisted that you can stay with him." parang wala lang na sabi ni dad. What the hell? Is he bluffing or what? Si Ace? There's no way he would do that.
"He insisted? Are you joking, dad?" napatawa ako habang tinatanong iyon.
"Do I look like I'm joking, anak? He insisted talaga. And believe me, mas nakakahiya kung hinayaan ka niyang manirahan sa bahay niya pero aalisan mo lang siya. Sabi mo na rin, may kasalanan ka rin naman kaya nagalit din siya sayo. He told you to wait and don't talk to anyone. All you need to do is to wait, anak. Anong mahirap doon? Walang namang masama kung maghihintay ka lalo na kung babalikan ka nung taong hinihintay mo. Ganun talaga yun anak, hindi naman dahil sinabi niya na babalik kaagad siya ay saglit lang yun. The mere fact that he told you to wait, it means he is trusting you that you will really wait for him. Siguro lang, hindi niya inaasahan na may kausap kang iba. Siyempre nag-alala siya sayo dahil nga sinabi niya na don't talk to anyone diba? Kung sinunod mo lang sana siya, hindi kayo mag-aaway. It's not like that na kinakampihan ko siya at ikaw ang mali ah." paliwanag sa akin ni Dad. I know what I did wrong. But I got too bored. He shouldn't expect me to wait that long.
Why does it sound like na humuhugot si dad? Nakikisabay na ba siya ngayon sa uso? And as if on cue, may biglang kumatok muli sa pinto at sumilip. It was one of the maids.
"Sir Edwards, may naghahanap po sa inyo sa baba. Kailangan po kayong kausapin." sabi nito at si Dad naman ay kumunot ang noo.
"I'll go check on that, anak ha?" paalam niya.
"I'll go with you, dad." sabi ko at sabay kaming bumaba. Nang makarating kami sa living room, my heart literally stopped beating for a second.
W-what is he doing here?
"Ace! What are you doing here?" tanong agad ni Dad ng makita niya si Ace.
"I'm sorry for the sudden visit, Tito. But I'm here to get Lianna back." woah. T-that came out wrong. Pero alam ko na ang ibig sabihin noon.
"Ahh. Sige! Gusto ko iyan. Para naman makihalubilo si Lianna sa ibang tao. Lianna, you can go with him. I'll leave you two alone for a while. Talk comfortably." sabi niya saka namaalam at umakyat na ulit. And awkwardness fills me up. Nanatili lang akong nakatayo at hindi siya tinitignan.
Gustuhin ko man na magsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siguro mga ilang minuto kaming nagtitigan bago siya tumikhim at nagsalita.
"L-like I said earlier, I want you back. A-at the mansion, I mean. And, I also want to say sorry for what I've done the other day. I'm just a little stressed at that time. Would you please come back?" sabi niya sa akin habang namumungay ang mga mata niya. Darn, how could I say no when his eyes are very pleasant to my sight?
"I'm sorry about what happened, too. I lost my temper. And Levi, I met him when I was grabbing a drink from the mini cafè and I recognized him, as a celebrity. I'm a big fan of Levi Anderson." pag-aamin ko sa kanya saka kumunot ang noo niya.
"How did he know you? So you approached him first and tell him that you are a big fan?" sunod-sunod niyang sabi.
"No, it's not like that. As I was saying, I'm just grabbing a drink at the cafè and someone bumped to me. That person apologized and I recognized him. Luckily, he knew me too. I do modeling back in California when I have spare time. I was covered in many magazines but I think I'm not that famous internationally though. I just got lucky that the Levi Anderson is also a big fan of mine." nakangiting saad ko habang naka-upo na kami sa sala.
"You're a model? Why didn't you tell me?" nagulat naman siya sa sinabi ko.
"You didn't ask me. Besides, wala naman akong dapat ipagmalaki na model ako." kibit-balikat kong sagot sa kanya.
Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni Ace hanggang sa bumalik na kami sa mansyon.
"I know that I didn't make a good impression for you, Lianna. But I want to say sorry for that. I hope that we can start again. With great impressions." sabi niya saka niya inilahad ang kanyang kamay. Kinuha ko naman iyon at nakipag-kamay. Giving him a chance doesn't look so bad after all.
***
Ace's POV
"Lianna, my friend invited me to their house for dinner. Wanna come?" yaya ko sa kanya. Well, we're kinda on good terms right now. Kaninang umaga ay kinakabahan pa nga ako ng pumunta ako sa bahay nila. Pero wala lang sa akin yun. Ang importante ay bumalik siya dito sa mansion. Strangely, I kept on thinking about her when she didn't return here. I almost went crazy.
"Sure. Wala naman akong gagawin ngayon." nakangiti niyang sabi. Simula nang magkabati kami kanina ay lagi na niya akong nginingitian. And damn, I get crazy whenever she smiles at me. Parang iyon ba ang pinakamagandang ngiti na nakita ko. I'm going crazy but I should remain calm.
Nauna siyang umakyat at sumunod na rin ako para pumunta sa kwarto ko. Nung mga araw na wala siya ay pinaayos ko na ang banyo sa kwarto niya para naman ay hindi na siya makigamit sa akin.
Naligo ako at pumili ng simpleng masusuot. Isang black shirt at maong pants. That simple. Lumabas ako ng kwarto ng matapos ako at nakita kong kakalabas niya rin lang ng kwarto niya. Damn, bakit ang ganda niya? For Pete's sake, she's just wearing a black shirt and a mini skirt. Umiwas ako ng tingin at nagsalita.
"Tara na. Baka naiinip na ang mga iyon." yaya ko sa kanya papunta sa baba. Ng makababa kami ay nagsalita siya.
"Ahm, Ace? Ayos lang ba ang suot ko? I mean, hindi ba nakakahiya ang ayos ko ngayon? Pasensiya na, ito lang kasi ang matino kong damit dahil puro jeans at sweat shirt na ang iba." nahihiyang sabi niya sa akin. She's cute when she's shy. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan pero agad ko iyong binawi at tumikhim.
"You look damn beautiful, Lianna. You don't need to be ashamed of yourself. Being yourself is the best thing you could show everyone. Besides, I think they will like you that way." seryosong tugon ko sa kanya at ngumiti siyang muli. Nginitian ko siya pabalik saka kami umalis gamit ang ducati ko. Oo nag-motor kami at nagreklamo doon si Lianna. Pinahiram ko sa kanya ang leather jacket ko para itali niya sa bewang niya. Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Shawn, my good friend.
"Thanks for the jacket, Ace. I enjoyed the ride, by the way." saad niya pagkababa. Tinignan niya ang bahay na nasa tapat namin. Nakita ko naman sa kanya na namangha siya sa ganda noon.
"We'll do it again if you want." sabi ko at ngumiti siya na parang bata.
"Really? Great! I want to ride again!" saad niya at pumapalakpak pa. This girl has a childish side in her, and I like it. Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ni Shawn.
"Ace, my man!" sigaw niya at niyakap ako ng kaunti.
"Yeah, I'm here." nakangisi kong sabi. It's been a while since I came over to his house. I'm always busy with the paperworks.
"Alam ko. Nakakagulat nga na pumunta ka eh. Akala ko ay sasabihin mo na namang busy k--" natigilan siyang bigla sa pagsasalita at nilingon ang kasama ko.
"Holy s**t, man? Lianna Edwards? Holy f**k! Ms. Lianna, I'm a big fan of yours. Woah, I didn't know that you went here. f**k, ang ganda mo sa personal." tinabig ako ni Shawn na parang wala lang at hinawakan ang kamay ni Lianna habang nagsasalita siya. Si Lianna naman ay ngumiti sa kanya at kinamayan din siya. Sumama agad ang timpla ko sa ginawa niya.
Shawn, that was a wrong move.
Lianna's POV
"Holy s**t, man? Lianna Edwards? Holy f**k! Ms. Lianna, I'm a big fan of yours. Woah, I didn't know that you went here. f**k, ang ganda mo sa personal." para niya lang isinantabi si Ace at nilingon ako bigla. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko alam kung ano ang ire-react sa kanya. Like Ace and Levi, he is a handsome man. Matangkad silang magkakaibigan at napakahirap nilang tingalain. Siguro mga 6'2 sila habang ang height ko ay 5'8. Nanliliit ako sa height ko huhuhu.
"By the way, Ms. Lianna. My name is Shawn Saavedra. You can call me Shawn. Let's be close." nakangiti niyang pakilala.
"Lianna Edwards. Nice meeting you too, Shawn. I also hope na maging close tayo." nakagiti ko ring sabi. He has a friendly aura in him. I kinda like this guy. He's like Levi.
"Saavedra..." bigla akong nakaramdam ng napakadilim na aura ng magsalita si Ace. Oh no. What is it this time?
"Yes, Ace?" saad ni Shawn na parang wala lang.
"Saavedra, sawa ka na ba sa buhay mo? Ang pinunta namin dito ay dinner. Hindi para magkita kayong dalawa." seryoso niyang sabi at tinignan ko si Shawn. Para siyang kinabahan na ewan.
"A-ahh hehehe. Oo nga pala. Tara na sa loob?" yaya niya sa amin at pumasok kami. Lumapit ako sa tabi ni Ace at may binulong siya sa akin.
"Don't go near him." sabi niya.
"Huh? Why? I kinda like him." wala sa sarili kong sabi.
"You what?!" bulyaw niya. Napatigil naman ako at tumingin sa kanya.
"What? I like his personality. He's so friendly." inosente kong saad sa kanya.
"He's so friendly towards you. I don't like it." muli siyang sumimangot at sinundan na si Shawn.
"Hahahaha! Ace, I want to meet new friends. And to have new friends, I need to interact with other people." sabi ko sa kanya at mukhang napakalma ko naman siya.
Nang makarating kami sa sala, nakarinig ako ng matinding ingay. What's that?
"Oh s**t. Oh fuck." bulong niya. Bakit ba panay mura ang naririnig ko sa lalaking ito?
"Ohh. The g**g's here. I invited them. Hindi ko naman alam na may kasama ka pala. It's good though, may makikilalang iba si Ms. Lianna." sabi ni Shaun habang nakangiti.
"Lianna na lang ang itawag mo sa akin." sabi ko at tinanguan ako ni Shaun.
"Sabi mo yan, Lianna. Hahaha!" tawa niya na parang kinikilig na ewan. Kalog siya. Pero, g**g daw? Mukhang madaming lalaki ang nandito. Tama ba talaga na sumama ako?
"Those men you're about to meet are one of the most idiotic persons you can ever see. All of them are clever. That makes me and Shawn clever too. After all, were close friends." sabi ni Ace na parang wala lang at naglakad ulit. Tahimik ko lang siyang sinusundan.
Sa tingin ko, sa living room and punta namin. Oo nadaanan namin ang may upuan para sa mga guests pero sa tingin ko ay hindi yun ang living room sa bahay ni Shawn. Maya-maya pa ay nabungaran ko ang halos bente na lalaking nagkakatuwaan. Natigilan silang lahat ng mapansin na nandoon kami. Sa lahat ng mga lalaking ito, iisa lang ang kilala ko. Si Levi. Yep, nandito siya. After all, sabi niya ay close friends sila ni Ace.
"Lian! Fancy seeing you here. Just as I thought, pupunta si Ace dito ng kasama ka. Hahahahaha, come, have a seat. Ipapakilala kita sa kanila." sabi niya ng mamukhaan ako. Buti naman. Akala ko nakalimutan na niya ako eh.
"Wait. I know her. Is she an international model?" tanong ng isang lalaking matapang ang mukha pero kita mo ang pagka-pilyo sa kanya.
"Yeah. She looks like...." yung lalaking may smoky eyes.
"Hello, everyone. My name is Lianna Edwards. Pleased to meet you all." pakilala ko sa kanila at yung iba naman ay natulala. Yung iba ay nagsabi ng 'I knew it', 'So it's her?'. Ano bang nakakagulat? Kilala ba talaga ako dito sa Pilipinas.
"Wow! An international model together with our friend? Ms. Lianna, how did you get to know Ace?" tanong sa akin ng isang lalaking mukhang si Edward Cullen.
"Fortunately, he's the son of my father's friend. I'm currently staying in his house although napipilitan lang ako."
"What the hell, Lianna?" bulyaw sa akin ni Ace na ikinagulat ko.
"Totoo naman ah. You even insisted that I should stay in your house." nakanguso kong sabi.
"Argh! You win." pagsuko niya saka ako ngumiti. Sinulyapan ko naman ang mga kaibigan niya na nakaupo sa harap ko. Ang katabi ko ay sina Ace at Levi. Lahat sila ay nakatulala sa akin. What did I do wrong?
"Y-you just won against Ace." sabi ni Levi sa akin at mukhang hindi siya makapaniwala sa nagawa ko.
"What do you mean by that?"
"He never surrenders. He always find a way to win. That was the first time he did that." tulala pa rin siya sa amin kaya natawa na lang ako.
"I'll set my emotions aside for a while. My name is Joshua Alcantara. You can call me Josh." pakilala nung matangkad na lalaki. Hehehe, lahat pala sila matangkad.
"Ako naman si Bullet Montefarro. Pleased to meet you." pakilala ng isa pang lalaki na may blonde na buhok.
"Bullet? As in bala? Wow! You gave a cool name." komento ko.
"Talaga? No one ever said that my name is cool. Thank you." pasalamat niya saka ko siya nginitian.
"I'm Axel Dela Cruz. This man staring at you is Dylan Valencia." pakilala niya saka niya itinuto ang lalaking nakatulala sa akin. Why do they have to be so handsome?
"And I'm Raze Alvarez, sweetheart." sabi niya at tumawa ako. May gesture pa kasi siya na yumuko na parang prince.
"I'm Cole Philippe Serrano. You look beautiful in person." binigyan niya ako nang magandang ngiti kaya natuwa ako sa kanya.
"Thank you, that's enough." sabat ni Ace. Why did he thank Cole for that.
"I'm Archer Gonzales."
"Y-you're an archer? May I know your name? I'm a big fan of Archers." sabi ko. Yeah I want to be one when I was young. I like how archery is played. It's cool.
"U-unfortunately, I'm not one. My name is Archer. Archer Gonzales." nahihiya niyang pakilalang muli at tumawa ng malakas ang lahat.
"Sabi na nga ba eh." naiiling na sabi ni Levi.
"O-oh. I'm sorry for that. I didn't mean to hurt you or whatever you felt when I said that. I'm really sorry, Archer. But you have a cool name. I wonder why my parents didn't gave me one." I started blabbering.
"Don't be sorry, Lianna. People always tend to make a mistake with my name, so sanay na ako." sabi niya sa akin at napahinga naman ako ng maluwag.
Pinagmasdan ko naman ang mga mukha ng iba. May mga magkahawig at may dalawang magkamukha talaga.
"Lianna, I'm Dark Lohrace."
"And I'm Light Lohrace. We're twins in case you will ask. Ako ang mas bata ng sampung minuti." sabi ni Light. He looks cold, although his name is Light. And Dark looks light a very bright person.
"Well, alam kong Dark ang pangalan ko pero mas masiyahin ako kumpara sa isang yan. Mukhang nabaligtad ang pangalan sa amin." paliwanag ni Dark sa akin at tumango ako.
"I'm Rouge Galvez." simpleng pakilala niya at tumango naman ako.
"It was nice to meet you." tugon ko.
"Ako si Raven Crux. Siya naman ang kapatid kong si Phoenix. Ang dalawang tahimik naman doon sa gilid ay sina Sebastian Calin Moon at Grey Elidon Kim. Si Sebastian yung may earphones. Ang dalawang yun naman na magkamukha rin ay sina Falcon at Phaxton Yu. Si Falcon yung may matapang na mukha at si Phaxton naman yung may ngiti sa labi. There, pinakilala ko na ang mga magkakamag-anak. I hope na hindi ka maguluhan sa mga pangalan namin." sabi niya. Medyo nahilo naman ako sa mga pangalang sinabi niya pero nakabisado ko naman kaagad. Yung mga pinakilala niya sa akin ay nilingon ako at nginitian.
"Lianna? I'm Dale Aragon, by the way. I'm also a big fan. Hindi ko pwedeng tawagin ang sarili ko na number one fan mo dahil baka mabugbog ako ni Levi. Siya ang baliw na baliw sayo. Alam mo bang lahat ng magazine na pinagmodelan mo, ay meron siya? Pumunta rin iyang isang yan sa fashion show mo nung nasa New York ka. Yun lang daw kasi ang kaisa-isang fashion show na dadaluhan mo."
"I didn't know na marami pala akong fans dito. I'm just an amateur model. Tsaka hindi naman talaga yun ang profession ko eh. Nagmo-model lang ako kapag may free time ko."
"You have fans all over the world, Lianna. Hindi ka amateur model." nagulat naman ako sa sinabi niya. I'm that famous? Hindi ko naman alam yon. I thought sa California lang.
"Stop talking to her, Aragon. Ako naman. I'm Alistair Cansiano. You can call me Ali, Lianna. I'm also a fan of yours. Mamaya, pwedeng pa-picture?" he said and he went near me. I chuckled.
"Hahahaha! Sure. Basta ba ako din, pa-picture ah?" sabi ko sa kanya. Atually, sa lahat sa kanila ay magpapapicture ako. Ang pogi nila eh. Lol.
"I'll consider myself a very lucky guy. I'll hold on to that, Lianna." sabi niya bago tumungo sa kusina.
Si Ace naman na nasa tabi ko ay kinakausap ang iba. Tahimik ata siya ngayon. Mukhang ngayon lang niya nakita ulit ang mga kaibigan niya. Sabi nga, mas uunahin daw niya ang kompanya kaysa makipagkita sa mga kaibigan niya.
"Hi! My name is Race Kenji Alvarez. You can call me Race or Kenji. Ang mga kaibigan ko ay Race parin ang tawag sa akin kahit na medyo katunog iyon ng kay Raze. Pero hindi sila nalilito doon. Hindi kami magkaano-ano ni Raze in case you will ask. You can just call me Kenji para hindi ka malito." offer niya sa akin. Umiling ako.
"I prefer calling you Race. I like your name. Hindi lahat ay binibiyayaan ng ganyan ka-gandang pangalan, Race. Tsaka, anong nakakalito sa Race at Raze? From what I hear, it's completely different whe you pronounce it." sabi ko na nagpangiti sa kanya.
"Not everyone says what you just said. I kinda like you, Lianna. Your personality, I mean. Don't get me wrong." sabi niya sa akin at tumawa siya para sumulyap kay Ace.
"So, what it's like to have a bunch of friends?" tanong ko sa kanya. Binilang ko sila isa-isa at napag-alaman ko na twenty two silang lahat. Ang dami nila.
"It's tiring. But at the same time, masaya. Dahil kapag malungkot ang isa, lahat gagawa ng paraan para sumaya ang isang iyon. Kapag may problema din ang isa, dadamayan namin siya." sagot ni Race.
"Ang mga kambal, magkakapatid, at magpinsan na iyon. Kaibigan niyo talaga ang mga yun? I mean, yung isa lang ba sa kanila or both." tanong ko.
"Oo. We've known each other for more many years. Magkakaibigan na kami highschool pa lang kami. We were badass that time. We do everything we want." sabi niya sa akin.
"Your friendship is amazing." komento ko na sinang-ayunan niya.
Ilang minuto matapos nun, inaya na kami ni Shawn na kumain. Napakalaki ng dining table dito sa bahay niya. Parang parehas lang ng laki sa bahay ni Ace pero mas iba ang dating ng bahay ni Ace. Magkaiba ang aura ng bahay nila. Sa kaliwa ko naupo si Ace at sa kanan ko naman si Levi.
Masayang kasama ang mga kaibigan ni Ace. Kahit kakakilala ko pa lang sa kanila, hindi ko naramdaman ang awkwardness sa amin. Sa una, medyo snob ang tingin mo sa ibang mga kaibigan niya. Pero kapag nakasama mo na, lalabas na ang mga kakulitan nila and I'm very glad that I witnessed their wonderful smiles together.