Lianna's POV
Shoot. Kung hindi lang talaga sira ang shower dito sa cr ng kwarto ko ay hindi ko na kailangang makigamit pa ng banyo ni Ace. But on the other side, nakapag-sorry ako sa kanya. Medyo na-guilty kasi ako kanina sa nagawa kong biglaang pag-alis.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Andy, my bestfriend in California pero sa ngayon ay pumupunta diya sa iba't-ibang bansa. Filipino rin siya katulad ko kaya naging close kami kaagad. We've been celebrating our friendship since highschool and now, may kanya-kanya na kaming trabaho. Actually tatlo kami, the other one is Heather. Last month, pumunta diya dito sa Pilipinas and I've been planning to contact her too. Just after a few rings, she finally answered.
"Hey girl. Anong balita?" sagot niya kaagad ng tumawag ako sa kanya. Mukhang hindi siya busy ngayon dahil sinagot niya kaagad ang tawag ko ilang rings pa lang.
"Nothing. I'm just bored here. Wala akong makausap." sabi ko sa kanya at tinawanan naman niya ako sa kabilang linya. What's so funny about that? My misery is her happiness. I pouted.
"Aww, our little girl is lonely. What can I do for you?" pa-cute na sabi niya. Wow. She still uses that cute voice up until now and it scares me sometimes. Hindi naman kasi bagay sa kanya. Most of the time, mataray siya.
"I just need to talk to someone." tanging sabi ko. I wouldn't say that I missed her. Aasarin niya lang naman ako.
"Saan ka ba nakatuloy?" she asked. I sighed.
"Sa anak ng kaibigan nila Mom at Dad. It's so awkward that I can't say anything I'm against to." sumbong ko kunwari kay Andy. Sa aming tatlo kasi, ako ang pinakabata. Andy and Heather are both 23. That makes me a spoiled brat when it comes to them, although I'm just a year younger.
"Oh. Gwapo ba? Ah! Finally magkaka-lovelife na ang baby namin, I'm so happy for you." kilig niyang sabi. Oh come on. Narinig ko pa ang tili niya. She really doesn't know how to shut up.
"Heck? Anong pinagsasasabi mo, Andy? Look, hindi ko type ang mga tulad niya." depensa ko sa sarili ko. Okay, Im kidding. He's handsome as hell! But I'll be dying first before I tell her that I think of Ace as a handsome man.
"Then tell me what kind of person he is. Tell me first his name! Bilis!" excited niyang sabi.
"His name is Ace Montero, a conceited jerk but I also found that he has a soft spot. I don't know about the other characteristics he has dahil kakarating ko lang naman dito." kwento ko sa kanya. Siya naman ay halatang kinikilig sa mga sinasabi ko. Ano naman ang nakakakilig doon? My friend is a crazy one. Well, she's my friend so that makes me and Heather a crazy one too.
"Woah wait. Ace Montero? I know I heard that name somewhere, Lianna. Familiar ang name niya." sabi niya at napataas ang kilay ko.
"Really? He said he's a famous CEO of Montero Hotel." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Shoot! That's why! He's the famous successful bachelor in the country. Kilalang kilala siya all over the world, Lianna. You're a one lucky lady. Nakakasama mo sa bahay ang isang Ace Montero. Wow, you hit the jackpot." manghang sabi niya. So ako lang ba talaga ang hindi nakakakilala sa kanya? What did I miss? Bakit pati si Andy ay kilala siya? Oh, of course. Andy 'yan eh.
"How come na hindi ko siya kilala?" nagtatakang tanong ko.
"Seriously? Tulog ka ba nung mga times na sumisikat at umaariba ang pangalan niya? Girl, old-fashioned ka na ba?" sarcastic niyang tanong. Hell, hindi ako old-fashioned. Maybe busy?
"Hindi ko talaga siya kilala, Andy. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang CEO ng Montero Hotel. If I knew that, baka nakasama na ako sa fans club ng mga kaibigan natin sa Cali." sabi ko at bahagyang natawa at ganoon din si Andy. She knew it as well.
"He's a hot guy, Lianna. But not your typical boy. He's an aloof person ayon sa mga balita. It's also said in here na masyado siyang focus sa trabaho kaysa sa gumimik kasama ang mga friends or relatives niya. Mas inuuna niya rin ang company over other matters kaya patay na patay sa kanya ang mga girls. Patok din ang pangalan niya sa mga teens. What is this? Mala Elijah Montefalco and Jeydon Lopez daw ang dating niya. Who the heck are those?" natawa na lang ako sa sinabi ni Andy. Lalo na ng banggitin ni sina Elijah and Jeydon. I chuckled. Those are the characters from some of the very famous wattpas stories!
"A fictional character, Andy." sabi ko sa kanya at napa-okay naman siya.
"From the books you read? I get it. You know what? I'm starting to collect books from different countries and when I get there, ipapasalubong ko agad sayo. I know how much you love books, Lianna and what makes my friends and family happy is my own happiness." sabi niya at na-touch naman ako. That's how my bestfriends love me. I really can't help but to brag. I love so much.
"You're too sweet and it gives me goosebumps, Andy." sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Alam niyang nagbibiro lang ako at deep inside ay halos maiiyak na ako sa tuwa sa kanya.
"Hey, nasa Korea nga pala ako ngayon. I have some facial and some beauty products here in me. I'll give it to you and Heather. The Koreans here freaks me out for giving too many free samples of their products. I literally have a whole box of each, Lianna." pagkukuwento niya kaya naman natawa ako. Andy really likes travelling. She spends most of her time travelling into different countries, and of course, we support her.
Ako naman ang tumawa ng ubod ng lakas. Hindi naman yung sobrang lakas. Siyempre alam ko na baka maka-istorbo ako sa iba. Lalo na kay Ace dahil pagkakatanda ko ay ayaw niya daw ng maingay dahil busy siyang tao.
"Tawa ka diyan? I'm being serious here, you know. I just walked through them and they started giving me some pamplets and free samples. But I liked their personality. I feel like I'm welcome here." sabi niya na ikinangiti ko. Buti pa siya nakapunta ng Korea. Ako kasi masyadong busy sa trabaho kaya wala akong time para pumunta ng Korea. I'm busy sa pagiipon para hindi ko kailangang umasa kila Mom and Dad. Why does money control everything? Without money you mean nothing in this world.
"Maraming ganap nga diyan. Don't worry, makakapunta rin ako diyan. Soon." sabi ko at tumawa kami parehas.
"I saw some hot and freaking idols here. Hindi sila gaanong pinagkakaguluhan dahil wala gaanong tao sa dinaanan nila. I think I just saw some members of a Kpop group? I don't know but they look hot and cute at the same time, Lianna! Guard my heart please!" sabi niya at tumalbog ang puso ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak sa binalita niya. Half of me is happy for my bestfriend and half of me ay naiingit dahil nakita niya ang idols ko.
"Kyaa! Tell me, sino ang mga nakita mo?" di makapaghintay na tanong ko. I usually freak out when it comes to my idols.
"Uhm, I really don't know. I came across two bunch of men kasi. The first one, I think I heard the name Vernon? Yeah, I think so. Maingay kasi sila eh. And the second one, I think I heard the name Jinjin. They're noisy as well but cute!" sabi niya kaya halos tumalon ako sa kilig. Those are members of Seventeen and Astro! How could I not know them?
"Sana nandiyan ako, Andy." malungkot kong sabi. I really wish I could go there one day.
"Don't be sad, Lianna. You know how much we love you right? I'll buy you some souvenirs na lang. Just tell me and I'll buy them for you. And one day, all three of us will go here. We'll have a blast! Okay? I miss you, girls." sa mga sinabi ni Andy ay hindi ko na mapigilang umiyak. Tears of joy. This is just one of the reasons on why we stick together. We can count on each other in times of trouble at kahit saan man, hindi mawawala sa isip namin ang isa't-isa.
"A-andy! You don't have to do that. It's too much. Masyadong madami na ang nagagawa mo para sa akin and right here right now, I'm literally crying because of it." sabi ko at tumawa siya ng mahina.
"Months ago, yan din ang ginawa mo ng makapunta ka sa New York. You bought me there the last piece camera na pinapangarap ko. I thought na hindi ko na iyon makukuha dahil sabi ay sold out na pero nung pumunta ka ng New York ay ibinili mo ako nun. I literally cried infront of you too. Lianna, I just want to thank you and Heather for being the greatest bestfriends in my whole life. Lagi niyo akong pinapasaya. Well that also goes for you too. Without one of us, the squad is incomplete." sa lahat, sincere ang pagkasabi niya. Pinahid ko ang luhang tumatakas mula sa mga mata ko. Ghad, I cannot believe that I'm actually crying!
"Let's stop this. I'm really crying hard." sabi ko at parehas kaming natawa. Mukha na akong tanga na iiyak at tatawa.
"Hahaha, I bet your face is priceless. I wish sana nandiyan ako. Hey Lianna, I gotta go, I literally have to eat dinner. Katatapos ko lang i-review ang mga photos. I'll see you soon, girl. Have fun with that hunk in his house!" sabi niya at namaalam nasa akin. Tumawa ako.
"Tch. Sige na lumamon ka na diyan. I'm sleepy na. Bye, Andy!" sabi ko saka ibinaba ang tawag.
This has been one hell of a long and tiring day. But in the end, I got my happiness with me through Andy. Sobrang pagod na ako at hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako at nakatulog na.
***
"Anong gagawin natin?" ako yan. Katatapos lang namin kumain ng agahan ni Ace at sabi niya na maghanda daw ako. Di ko naman alam kung bakit.
"Basta mag-ayos ka na o kung ano man yang ginagawa niyo dahil aalis tayo." sabi niya habang nililinisan ang pinagkainan namin. Nagtaka ako kasi ang aga-aga pero ito siya, pinag-aayos ako.
"Saan nga tayo pupunta? Hindi ba pwedeng dito na lang ako?" pakiusap ko dahil tinatamad ako. Tsaka may iba rin akong balak eh. I want to go to places that I saw in the Internet while searching for famous tourist spots in Manila.
"As much as I want to leave you here, I can't dahil hindi mo pa masyadong gamay dito." simpleng sabi niya. Yun na yon? Hmp!
Ugh! Wala naman akong ibang magagawa diba?
Naghanda na ako at as usual, nakiligo ako sa banyo ni Ace. At pagkatapos ay nagbihis na ako ng simple jeans at hoodie. Hinanda ko na rin ang bagpack ko laman ang phone, wallet, charger, earphones, and Ipod ko. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make-up dahil hindi naman talaga ako sanay na maglagay nun. Minsan lang tuwing may occasion at kapag nagphophotoshoot. Hindi ako maarte, medyo spoiled lang. Bumaba na ako at nakita ko siya agad na naghihintay sa may sofa.
Wow, ganito pala ang mga pormahan ng mga CEO? Ang cool tignan. Hindi ko man gustong aminin pero ang hot niya sa suot niyang yan. Bagay pala sa kanya ang magsuot ng suit pero mas bagay sa kanya para sa akin ang casual wear. Like yesterday. He rocked those ripped jeans and white shirt.
"Are you done?" tanong niya sa akin na parang hindi makapaniwala. Kumunot ang noo ko at napatingin sa akin suot.
"Yep, I'm all done." sagot ko sa kaniya.
"I mean, no make-up or anything? Hindi ka magsusuot ng magarbong damit?" tanong niya. Makulit talaga ang isang ito. I sighed.
"I don't wear that kind of dresses. I like being comfortable on what I wear." sabi ko. Why do I even have to wear dresses? It's not like I'll be attending a party or what.
"Okay. Tara na sa labas." sabi niya saka ko siya sinundan palabas at nakita ko naman ang sasakyan niya. Isa itong Audi pero di ko alam kung anong klase. Kung titignan, masyadong simple para sa isang mayamang binata na tulad niya.
"Ahm, Ace? Gusto ko sanang tanungin, saan ba itong lugar na ito?" eh kasi naman. Halos isang araw na ako dito lero hindi ko alam kung saan ito.
"Really, Lianna? Sumama ka papunta dito pero hindi mo alam kung saan ka patutungo? Paano kung may masamang nangyari sayo? Argh! I can't believe you." naiinis na sabi niya sa akin. Ang tingin niya sa akin ngayon ay punong-puno ng inis. Ano ba ang kinaiinisan nito?
"Sagutin mo na lang ang tanong ko. Kaya nga tinatanong kita para malaman ko na." mahinahon kong sabi. Napabuntong hininga naman siya.
"Nievada Village. Manila." sabi niya at pinaandar ang kotse. Saan naman kaya kami papunta? Really? Tinatanong ko pa talaga ang sarili ko? Obvious naman na sa company niya kami pupunta.
Sumakay na ako sa kotse at nang magsimula siyang magmaneho, hindi man lang siya nagsasalita. Nahihiya naman akong mag-ingay dahil baka magalit siya. In the end, I decided to close my eyes but ended up falling asleep.
***
Ace's POV
This girl is unbelievable! How can a girl sleep in this situation? Masyado siyang komportable para sa isang taong kakakilala niya pa lang. At ang babaeng ito, humihilik pa. Hindi ba ito nakatulog na maayos kagabi?
"Lianna, gumising ka na diyan. Nandito na tayo." sabi ko saka ko tinapik ang kanyang balikat. Abnormal.
"Lianna...." ulit ko pero inalis niya lang ang kamay ko at tinalikuran ako. WTF?!
"Lianna!" I shouted at her.
"Sunog! Nasaan ang sunog?!" bigla siyang bumangon sa sigaw ko at umalog ang sasakyan ko nang magpanic siya. Napa-pokerface lamang ako sa nangyari. This woman is really unbelievable. Wala pa akong nakikitang babaeng ganito. For a beautiful woman like her, hindi halatang ganito ang kanyang ugali.
"Walang sunog. Nandito na tayo. Bumaba na tayo." sabi ko saka ko pinatay ang makina at lumabas ng kotse. Dahil kahit papano ay gentleman ako, pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Wow. I didn't thought that you have a gentleman side of you." manghang sabi niya. Napapikit lang ako. Ganoon ba ang tingin niya sa akin?
Pumasok na kami sa loob ng kompanya at sabay-sabay akong binati ng mga empleyadong nakakota sa akin. Tch, another tiring day.
Lianna's POV
This is one big company! Now I know kung bakit sikat si Ace at ang kanyang kompanya. Sabay-sabay pa siyang binati ng mga empleyado pagpasok namin at nginitian naman niya ang mga ito pero patuloy pa rin siyang naglakad. Napadako kami sa parang cafè dito malapit sa reception at pinaupo niya ako.
"Dito ka lang. May kailangan lang akong kunin na mga papeles at pirmahan pero saglit lang at babalikan kita. Don't talk to anyone, Lianna." sabi niya sa akin. Sa mga bilin niya, dinaig niya pa si Dad. Ano ako bata? Don't talk to anyone daw.
Umalis ako sa kinauupuan ko at tutal naman may mini cafè dito, bibili na ako.
"Miss, one caramel macchiato please." sabi ko sa cashier at binayara ang order ko.
"5 minutes lang po ang itatagal. Ito po ang resibo." sabi niya saka ako umupo sa isang bakanteng upuan at naghintay. Hindi ko naman namalayan na lumipas na ang limang minuto at tinawag na ako para kunin ang order ko. As expected, caramel is life.
Ninanamnam ko ang inumin ko ng may bigalng walang hiyang bumangga sa akin. Like what the hell, buti na lang hindi natapon ang inumin ko. Kung hindi, isasalampak ko sa pagmumukha niya ang kamao ko---
Hallelujah... am I dreaming?
"M-miss, okay ka lang ba? Pasensiya na, h-hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi niya habang nakayuko at nakahawak sa batok niya.
"Okay lang! Pero, familiar ka sakin." sabi ko sa kanya na ikinaangat ng ulo niya. Ngumiti siya at kumislap ang mga mata niya. Ang g-gwapo...
Kilala ko siya eh. Alam kong nakita ko na ang mukha niya. Artista ba siya? Teka, artista nga--
"Levi Anders---" isisigaw ko pa lang ang pangalan niya pero tinakpan niya ang bibig ko. Ay, oo nga pala. Artista pala siya. So stupid of me.
"Hey. Ipapahamak mo naman ako eh. Nice meeting you." sabi niya at inilahad ang kamay niya.
"Ahh hehe. It's my pleasure. I'm Lianna Edwards." pakilala ko sa kaniya saka kami nagkamayan. Nakangiti siya pero biglang para siyang namutla. Hala? What happened?
"Lianna Edwards?! The model?" tanong niya na parang excited. Oh, kilala niya ako? Paano?
"Ahm, yes. Pero I only do modelling kapag my free time. How did you know me by the way?" tanong ko. I didn't expect that a celebrity like him knew me.
"I'm a big fan. Pwedeng pa-picture? Shoot! That's why you're so familiar." he was excited as I am. I can't believe this. This could be the best day ever! Gosh, I think I have to thank Ace later. Kung hindi niya ako iniwan dito, baka hindi ko na nakasalubong si Levi.
"Eh? Ako nga dapat ang gagawa niyan eh. Pwede ba?" tanong ko.
"Only if you let me take a picture with you." sabi niya. Jackpot!
"Deal!" sabi ko sa kanya at pumalakpak siya. Kinuha na namin ang kanya-kanyang phone at nauna siyang nagpapicture. Hindi ko nga mabilang kung nakailang shots eh. May wacky tapos may formal. Pinahawak pa nga ni Levi yung phone sa isang guard at pinakiusapang picturan kami. At hindi rin kayo maniniwala, tinanggal niya yung hoodie na suot niya ang luckily, may plain white shirt sa loob. And you'll be surprised what he asked me to do. Pinapirmahan niya yun sa akin. Pinapirmahan niya! It's a literally dream come true! Crush ko kaya si Levi.
Well, sino ang hindi magkakagusto sa artista na katulad niya? Actually, ang pagkakakilala ng lahat sa kanya ay cold and aloof kaya nga medyo kinabahan ako nung makabangga ko siya kanina. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala siya! He's so approachable and cute. He has a great personality. Nung time ko naman para magpapicture, nag-selfie muna kami. Siyempre ako muna ang may hawak ng phone tapos kinuha niya rin yun. May shots na naka-akbay siya sa akin tapos nakayakap ako sa bewang niya ang ganoon din siya sa akin. Hindi naman kami pinagtitinginan ng mga tao dahil masyado silang busy sa mga pinaggagagawa nila. At nakakakilig pa nung may kuha sa phone ko na nakaakbay ako sa may leeg niya then siya naman nag-pose na hahalikan yung cheek ko. Gosh! Halos sumabog ang puso ko. In the end, we literally took our time taking pictures. Too much euphoria but I don't care! And what's amazing is kumuha siya ng video sa phone ko at sa kanya, proof daw na nakasama niya ako na idol niya raw. Ako naman, konting-konti na lang ay lilipad na papunta sa Mars sa sobrang kakiligan.
Imagine, nakabanggaan ko ang sikat na artista na si Levi Anderson, nakapagpapicture ako sa kanya at ganoon din siya sa akin, and sinabi niya na idol niya daw ako! To think that I'm just a not-that-good model pero isa sa fan ko si Levi? A big achievement earned. Maraming nakakakilala sa akin pero that was in California dahil doon nga nadi-distribute ang mga magazines na pinagco-cover-an ko. Pero I didn't thought that up until here sa Philippines ay may makakakilala sa akin. To think na sikat pa na international artist? It feels like heaven. And now, kahit kakakilala pa lang namin ay close na kaagad kami! Grabe, he is one of those boy bestfriend material. I think I might get myself a boy bestfriend right now.
"So halos magtatatlong oras na tayong magkasama pero hindi ko pa ito natatanong sa iyo. What are you doing here in the Philippines? You're already doing good in California so there's no reason in going here." sabi niya. Grabe, three hours na pala mula nung magkakilala kami. Ang tagal na pala no? Pero narinig niyo ba yung sinabi ni Ace kanina? Diba sinabi niya na saglit lang siya at babalikan niya ako? Look, nung nagkakilala kami ni Levi kanina ay sinabi ko na bumalik sa pwesto ko kanina na katapat ng cafè dahil baka hanapin na ako ng kasama ko pero it has been three freaking hours pero ni hindi man lang siya bumalik para i-check man lang kung ano na ang lagay ko. Paano na lang pala kung hindi dumating si Levi? Nandito ako naghihintay at titirik na lang lahat-lahat ang mga mata ko, wala pa rin siya? Wow, I didn't know that he's this kind of person. Bago pa man masira ang mood ko, tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Levi.
"Yung parents ko kasi ininvite sila ng kaibigan nila dito sa Philippines para magbakasyon. I think, may balak na silang tumira dito. Pero sinama pa ako nina mom dahil last time na iniwan nila akong mag-isa, na-kidnap ako. Like what the hell? Na-kidnap ako for God's sake. And that happened four years ago when I was still studying." kwento ko sa kanya. Napansin kong nakatuon talaga sa akin ang atensyon niya.
"Wow! Iba ka pala.What was the reason why?" tanong niya habang halatang naging mas interesado sa pinag-uusapan namin.
"I was kidn*pped by one of the people from our investors. They kidn*pped me for money, so that our company will go bankrupt. To think na close friend ni dad yun, pero he betrayed my dad for money." nalulungkot na sabi ko. I can still remember that day like it happened yesterday. It was hell, and I had to undergo a therapy para lang maka-recover sa trauma dahil sa sinapit ko that time.
"Yeah, people go crazy for money. They will do everything to earn money, even if it will cost your life. Sa panahon ngayon, hindi natin alam kung ang pera ba ay nakakatulong o nakakasira rin minsan eh. Sometimes, money can also ruin our lives." sabi niya na sinasang-ayunan ako. He's right though. Tumpak. Gosh, I really admire him.
"Money is a double-edged sword." dugtong ko naman sa sinabi niya at sumipsip sa frappe na im-order ko kanina lang.
"You got it!" sabi niya at naghigh-five kami. He's really going to be my guy bestfriend.
"So, where are you staying? With your parents?" tanong niya ulit. Hay, maalala ko na naman.
"How I wish. But I'm staying with my parents' friend's son." sabi ko. Medyo magulo lang pero alam kong maiintindihan yun ni Levi.
"Oh, I see. So who's that lucky guy?" tanong niya.
"Lucky?" takang tanong ko sa kanya at tumawa siya.
"He's lucky that he can be close to you at some time. I wish, I'm that guy." sabi niya at parang nanghihinayang. Tinapik ko naman ang balikat niya.
"Sana nga ikaw na lang, Levi. But unfortunately, that guy is Ace." sabi ko.
"Ace? Sounds like someone I know." sabi niya at tinagilid ng kaunti ang ulo na parang may inaalala.
"So, why are you here?" tanong ko sa kanya.
"Ah, sinamahan ko ang director ng company na pinanggalingan ko dahil kailangan niyang i-meet ang may-ari ng company na ito para sa bagong pagpapatayo ng building. You see, I know the---" patuloy siyang nagsasalita pero bigla siyang natigilan na tila ba parang may biglang naisip.
"That Ace you are talking about, ang pangalan ba niya ay Ace Montero? Alexander Calvin Ethan Montero?" tanong niya at parang naninigurado. H-he knows Ace?
"Kilala mo siya? Well I don't really remember his full name but yes, he's Ace Montero, the CEO of this company." sabi ko na nakangiti. Nabigla naman siya.
"That fucker is a lucky guy. He's my friend, by the way. He's a good friend although he acts not like one." sabi niya sa akin. So he's friends with Levi? It's such a small world, indeed.
"Paano kayo naging magkaibigan? Ibang-iba ang ugali mo sa kanya." sabi ko na hindi makapaniwala.
"I really don't know either, Lianna. It just happened, you know. Saka, marami kaming magkakaibigan. I think aabot kami ng twenty?Oo nga. Hindi lang naman kami ang magkakaibigan eh, yung iba naming tropa ay may iba ring kaibigan, then we become friends eventually. The reason? I don't know. s**t happened and we became friends. You can call us idiots but we really can rely with each other. And Ace? Parang siya ang kuya namin. Hindi naman siya ang pinakamatanda dahil marami kaming magkakasing-edad at may mas matanda din sa amin. Ilan lang kami sa kasing-edad si Ace pero sabihin na nating mas matured siyang mag-isip sa amin." sabi niya sa akin. Nagtaas ang kilay ko. Si Ace? Matured? He must be kidding.
"Paanong matured?"
"Hmmm, kahit hindi siya ang pinakamatanda, sa mga decision making ay lagi namin siyang kinokonsulta dahil magaling siya doon. Hindi sa hindi kami marunong mag-isip pero kapag siya ang nagdedesisyon, walang palpak at walang lusot." pagmamalaki niya sa kaibigan. I saw in his eyes how he admires Ace kaya napangiti ako.
"Hindi naman halata sa kanya." nakasimangot kong sabi. Galit ako sa kanya ngayon. How could he tell me na saglit lang siya? Tapos almost four hours na ang lumipad magkula nang umalis siya. Saglit ba 'yon?
"Yun nga, hindi halata pero he's more than capable of doing that one thing you won't expect him to." saad niya na nakangisi at nagpatahimik sa akin. Is he really like that?
"Alam mo ba, may times na naiinis ako sa kanya? He's so cold. He won't even approach one person until you approach him first. Tapos lagi niyang sinasabi na, 'I'm busy so don't disturb be, or else'. Ganoon ang litanya niya lagi sa akin." pagsusumbong ko sa kanya.
"Hahahaha! As expected. Ganoon lang talaga siya, Lianna. Pero try to get to know him better and wait for the right time and he will treat like like the most important thing in the world. Ganoon niya kami tratuhin, Lianna. Hindi lang halata pero alam kong pinapahalagahan gami ng baliw na yon." sabi niya. Ganoon nga ba talaga si Ace? Sabagay, isang araw pa lang ng makilala ko siya so better not judge him.
"By the way, can I call you by your nickname?" sabi niya sa akin.
"I don't have a nickname, Levi. You know what? Give me a nickname, I want one since I'm a child." totoo ang sinabi ko. Wala talaga akog nickname. Lianna na ang tawag ng lahat sa akin mula bata pa lang ako. Pwera na lang kay mom at dad, puro kasi sila baby, sweetie, sweetheart, at kung ano-ano pa.
"I'll call you Lian, then. " sabi niya sa akin. Oo nga, corny siya. Pero it sounds good ah.
"Is it fine for me to call you just Levi?" tanong ko. I don't usually make nicknames. Sa California naman kasi hindi uso yun.
"Ikaw bahala." kibit na balikat niyang sagot. And as if on cue, a man with a very angry voice enters the cafè.
"Just what the hell are you doing, Lianna?!" napabalikwas ako para tignan kung saan nanggagaling ang galit na boses na iyon. And guess what, si Ace 'yon. Galit talaga siya at yung mga maamo niyang mata ay mistulang nagliliyab sa galit.
"Ace? I'm doing nothing." kinakabahang sabi ko. Although I did nothing, I felt like I did something wrong. Why is he mad at me?
"Then who is that f*****g man with you?" galit niyang tanong. What?! Akala ko ba magkaibigan sila? Ano yun?
"Hey Ace, chill bro. It's just me." natatawang humarap si Levi kay Ace. Mukha siyang tuwang-tuwa sa nakikita niya. Abnormal ang isang ito.
"Anderson?!" gulat na sigaw ni Ace kay Levi.
"Yes, bro. Chill ka lang. Oh, there goes our director. I'll see you when I see you, guys. Ahh, bye Lian! It's been a great day." sabi niya bago siya umalis at pumunta sa director na tinutukoy niya. Naiwan naman kami ni Ace dito na tahimik pero binasag niya ang katahimikan kaagad. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya.
"What did I told you, Lianna? I thought I made myself clear to never talk to anyone?" patay. Galit nga talaga siya. Namumula ang tenga niya sa galit.
"Bakit ba galit na galit ka? Ikaw naman kasi ang may kasalanan eh!" sigaw ko pabalik sa kanya. Sa totoo lang talaga, sobrang naiinis ako sa kanya sa ginawa niya. Sa tingin ko sa lakas ng sigaw ko, napatingin pa ang ibang tao sa amin. But this guy looks like he doesn't care at all.
"Ako pa ang may kasalanan, Lianna? Paano kung masamang tao ang nakausap mo? Paano kung hindi yun kaibigan ko? Still, hindi ka pa nga rin dapat nakipagusap sa kanya. You don't even know that man." singhal niya. Buti naman at mukhang walang pake ang iba sa amin dito dahil busy sila, pero may iba pa ring napapatingin sa gawi namin. Naiinis na talaga ako kay Ace. What the heck is his problem?
"You're being unreasonable, Ace! You made me wait for four f*****g hours! Walang kahit na ano. Tapos, you're expecting me to wait for you? Maghihintay ako hanggang tumirik ang mga mata? You said that you'll be back after a while. Sana naman sinabihan mo ako para naging aware ako Ace. Hindi yung susumbatan mo ako na may kasama akong naghihintay para sa iyo ng apat na oras." sigaw ko sa kanya. Ngayon, wala na akong pake kung may iba pang makakita sa aming dalawa. I lost my temper. Nagmadali akong umalis sa loob ng company at tinawagan si dad para itanong kung saan ang mansyon nila. I can't take this anymore. I will leave his mansion once and for all.