“ZEMIRA, let’s talk,” he muttered seriously after he walked inside our room. Nasira na ang plano naming kumain nang sabay-sabay at matapos ang pangyayari ay kaagad akong pumunta sa aming silid upang magtago at hindi na sila muling hinarap. Humihikbi ako nang paulit-ulit dahil sa sikip ng aking nararamdaman. Hindi ko naman gustong mang-away ng kaibigan, nadala lang ako ng emosyon ko kanina. Nang oras na ma-realize ko kung ano ang masasakit na sinabi ko kay Elle ay tila inaasnan ang aking puso sa pighati dahil alam kong daramdamin niya iyon nang mabuti. My conscience was bugging me, whispering I, too, has changed a lot like Ryu. Hindi naman ako ganito noon. I was cool and no one could stepped on my confidence before. Kailan nga ba nagsimula na magbago ang lahat? Simula ba iyon nang pilit

