“BES, nabalitaan ko, nagkaayos na raw kayo ni Ryu,” natutuwang litanya ni Adi sa video call matapos ibigay sa akin ni Cyllene ang kaniyang cellphone. Nandito sila nina Masien at Elle sa aming bahay, nanggugulo at nakikiusyoso sa akin, nagtatanong tungkol sa nangyari sa amin ni Ryu sa Japan. “He kept on messaging me before. Nangungulit tungkol sa’yo, pero mukhang maganda na ang sitwasyon niyo, hindi na siya nag-re-reply sa mga chat ko,” she explained before she rolled her eyes. Nagrereklamo siya at pabirong sinasabi na wala raw utang na loob si Ryu sa kaniya dahil hindi man lamang siya binalitaan matapos niyang magpaka-love guru sa boyfriend ko. “Ano na ang nangyari, bes? Kayo na ba ulit? she questioned while giggling, that’s why I wrinkled my forehead. Kung nandito lang siya sa tabi ko

