“RYU, do you want to go home?” I asked when his fear subsided little by little. Hindi pa rin siya humihiwalay sa akin, magkayakap pa rin kaming dalawa habang marahan kong tinatapik ang kaniyang balikat upang patahanin siya. I never seen him this vulnerable. Mas grabe ‘yong inaakto niya ngayon kaysa noong nandoon kami sa Alazure. He was helpless right now, and I think he could really be in danger. Tila tinutusok tuloy ng matalim na tabak ang aking dibdib, hindi ko na rin napigilan ang pagiging emosyonal dahil paulit-ulit siya sa kaniyang sinasabi na gusto niya nang mawala sa mundo. “L-let’s go home. Saka na lang tayo mag-grocery,” suhestiyon ko na hindi niya naman tinutulan. Kumalas ako ng yakap sa kaniya pagkatapos ay tumalikod na ako upang hindi niya makita ang mga luhang naglandas sa a

