NANG umalis kami sa Pilipinas upang sampahan ng kaso rito sa Japan si Ashley Inakawa ay nalaman na ng aking pamilya at ng aming mga kaibigan ang totoong nangyari kay Ryu. They were all so understanding and supportive. Iyon nga lang, hindi naging madali ang pagsampa namin ng kasong rape at kindapping kay Ashley sa korte. Wala ngang mga tao ng yakuza na nananakit at nam-ba-blackmail sa amin, ngunit tinapatan din naman kami nila ng isang magaling na yakuza lawyer kaya sa unang hearing pa lamang ay tila tumatagilid na kami. Mabuti na lamang ay magaling si Attorney Laquiero. Napaabot niya pa ang kaso namin hanggang ngayon sa ikatlong hearing, kung kailan namin ipinakita sa lahat ang witness na kaniyang hinanap. Mabuti na lang din ay naitago pa ng may-ari ng bar ang mga kuha ng CCTV camera n

