“SINO ‘yang kausap mo?” I curiously asked him after Hera and I entered inside our bed room. Nakita ko kasi siyang kanina pa mayroong katawagan sa kaniyang cellphone. Hindi rin siya mapakali kaya nahihiwagaan na ako at hindi nakapaghintay na matapos ang tawag. After the court trial ended, and after we discovered Ashley’s misfortune, we already left Japan. Umuwi na kami rito sa amin at sinalubong pa nga kami ng aming pamilya dahil kaagad na nakarating sa kanila ang balita na natalo kami sa isinampa naming kaso. “Attorney Fukimoto called,” pagbabalita niya nang tapusin niya pag-uusap nila gamit ang cellphone. Lumapit naman siya sa amin ng aming magtatalong-gulang na anak habang naiilang siyang ngumiti sa amin. Kumabog tuloy ang aking puso, para kasing alam ko ‘yong ganoon niyang tingin. Par

