BAKIT hindi ko kaagad napansin at bakit ngayon ko lamang napagtanto ang lahat? 'Yong mga pagtitig niya sa akin at 'yong kaniyang mga ngiti ay may ibig sabihin na pala. My heart has clenched so much that I could hardly breathe. Tila pinupunit ang aking puso at ginugutay-gutay ng paulit-ulit. The pain I was feeling won't go away as his betrayal dragged me in sorrow. Umiikot ang aking mundo at nawala ako sa tamang wisyo kaya hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tapat ng bahay namin ni Ryu. “I am sure, he has a valid reason. Hindi niya ako iiwan nang ganito na lang. Mahal ako ni Ryu,” paulit-ulit kong saad matapos kong bumaba sa kotse, ngunit kahit ano yatang pagpapagaan ko sa aking sarili ay patuloy pa rin akong nadudurog. “Pero bakit niya ako sinasaktan ng ganito?” My voice was fi

