“OKAY na,” I said using a serious tone before I stood up to move away from him. Nakatitig lang naman siya sa akin, tila sinusuri kung totoo ang aking sinabi. Base sa kaniyang itsura ay hindi niya pa rin nakalilimutan ang pagtama sa akin ng bola kanina. He looks so concerned as his eyes darted on my forehead. Tumigil na naman ang pagtulo ng dugo sa aking ilong at maayos-ayos na rin ang aking lagay, ngunit paminsan-minsan pa ring kumikirot ang aking noo na dinapuan ng volleyball. Nasa loob kami ng kaniyang hotel room. Hindi ito gaanong malaki, tama lamang sa isa o dalawang tao. Now I came to realize that he wasn’t as rich as before because he checked-in a middle class hotel room. “Aalis na ako,” anunsyo ko nang hindi tumitingin sa kaniyang direksyon. Kung nakapag-isip lamang ako ng tama k

