“ZEM, let’s go to Alazure.” Blade mentioned after we arrived home. Medyo madilim na ang paligid nang dumating kami sa bahay. Pagod na pagod din kami ngunit hindi niyon napigil ang mabilis kong reaksyon nang marinig ko ang tungkol sa isa sa mga dream destination ko. Alazure is one of the most beautiful places here in the Philippines, located in Visayas region. Katulad ng Micora, sikat din itong pasyalan ng mga taong gustong mag-unwind at magtampisaw sa dagat. “Akala ko ay nagbibiro ka lang noong sinabi mong mag-bi-beach tayo,” tugon ko bago ko siya tiningnan ng diretso sa kaniyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, lalo na nang mapansin ko ang lahat ng ginagawa niyang effort upang pasayahin ako at ang kaniyang anak. Dahil din sa aking nag-uumapaw na tuwa ay tila tumigil ang aki

