MATULIN mang lumipas ang mga araw at mga linggo, nagpatuloy pa rin ang malamig kong pakikitungo sa kaniya. Lalo ko pa nga yata siyang inayawan dahil simula nang mapag-usapan namin ang tungkol sa birthday ni Hera ay mas tumindi ang pagpapansin niya sa akin. Magaling siyang pumili ng oras dahil talagang itinitiyempo niya na hindi siya nakikita ni Blade. Kahit na anong pag-iwas ang gawin ko ay nahuhuli niya pa rin ako. Mabuti na nga lang ay pinayagan ni Adi si Blade na mag-extend pa ng bakasyon kaya hindi ako masyadong nag-aalala para sa amin ng aking anak. “Dela Riva, kailan mo ba kami titigilan? I told you that I love my husband,” I irritably said after he handed me two boxes of my favorite cookies in front of the gate of my house. Nakasisigurado akong gawa niya ang cookies na dala niya

