HINAYAAN ko siyang matulog sa labas ng bahay dahil pinatataas niya lamang nang pinatataas ang galit ko sa kaniya, ngunit nang malaman ni Blade na naroon siya ay tinulungan siya nito na makauwi sa kaniyang bahay. Magdamag naman akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip sa kaniyang sinabi. Panay ang pagsinghap ko ng hangin at pagbuntonghininga dahil nakararamdam ako ng inis, parang gusto ko siyang suntukin kapag nagkita kami ulit. I couldn’t explain this feeling inside my chest; my mind kept on telling that what I did is right, however, my heart was screaming the opposite. Naguguluhan ako, ngunit dahil nangingibabaw pa rin ang aking pagkamuhi ay pinagyelo ko nang tuluyan ang aking puso upang hindi lumambot at hindi balaking kausapin siya upang pagpaliwanagin. “Zem, mag-su-swimming kami ng an

