KIRYU is more scared of Ashley than his death. Punong-puno siya ng pag-aalala habang nakikiusap sa akin na huwag nang ituloy ang plano kong pagpapakulong sa babae, kahit na pumayag na siya noong nakaraang araw. Pinipigilan niya nga rin akong makipagkita kay Ashley, tila ayaw niya na akong bitiwan noong nahagip niya ang aking palapulsuhan. “Hindi mo na kailangang sumama sa akin. Ako na ang haharap sa kaniya. Bantayan mo na lang muna si Hera. Nandito rin naman si Blade,” malambing ngunit matapang kong salaysay nang hindi na naman siya sumang-ayon sa akin. Nakahanda na ang lahat. Attorney Laquiero and his bodyguards are on stand-by. Ganoon din ang mga naka-civilian na mga pulis sa lugar kung saan napili ni Ashley na makipagkita sa akin. Mayroon na rin kaming warrant of arrest na madali lan

