HINDI kaagad ako naniwala sa inamin sa akin ni Blade Aidem. Masyado nang maraming pasakit ang bumabagabag sa aking dibdib kaya ayaw ko nang madagdagan pa iyon. I did not pay my attention to his confession. Buo pa rin ang aking plano na ipa-abort ang bata na nasa aking sinapupunan, ngunit sa tuwing babalakin kong pumunta sa doktor na makatutulong sa akin ay palagi na lamang siyang sumusulpot sa aking harapan upang pigilan ako. Sobra siyang makulit kaya kahit itinuturing ko siyang kaibigan ay nagsisimula nang kumulo ang aking dugo sa kaniya, lalo na nang malaman kong nagkukuntsabahan sila ng aking mga kaibigan. “Zemira, I brought foods,” bungad niya nang masaktuhan niya akong nakaupo sa couch. Wala naman siyang pasabi na pumasok sa loob ng aming bahay kaya matalim ko siyang inirapan. Mabu

