NANGIBABAW ang masidhing pagkamuhi sa aking dibdib kasabay nang unti-unting pag-usbong ng pagkadisgusto ko sa buong pagkatao ni Ryu. Luhaan man akong umuwi ng Pilipinas pagkatapos naming masaksihan ang kaniyang pagtataksil ay nagawa ko pa ring ngumiti sa harap ng aking mga magulang. Kahit na punong-puno sila ng paghihinala ay hindi naman nila tinanong ang dahilan kung bakit halos panawan ako ng bait, bagay na ikinadagdag ng aking pagkasawi. They knew it was Ryu. Alam nilang si Ryu ang dahilan ng pagkadurog ng aking puso, ngunit hindi ko man lamang sila nakitaan ng pagkabahala. Hindi man lamang nila ako dinamayan sa pag-aakalang kayang-kaya kong lampasan ang bagay na ito dahil ganoon ang pagkakakilala nila sa akin mula pa noong aking pagkabata. “Bes, magiging maayos din ang lahat,” salay

