AKALA ko ay wala nang mas lulungkot pa sa eksena noong umuwi siya ng Pilipinas at ipinagtapat niya sa akin ang kaniyang kasalanan, ngunit ngayon ko napatunayan na mayroon pa palang mas grabe roon. Ikakasal na nga talaga siya. Hindi sa akin, kundi sa ibang babae. Ang lahat ng ipinangako niya sa akin simula noong nag-aaral kami ay sa iba niya tutuparin. Bakit ang bilis-bilis naman? Bakit parang naplano na kaagad nila ang lahat? Ibig bang sabihin niyon ay habang magkasama kaming dalawa sa Pilipinas ay pinagpaplanuhan na nila ni Ashley ang kasal nila rito sa Japan? E, bakit pinaasa niya pa ako na ako ang ihaharap niya sa Diyos para maging asawa niya? My best friends and I were on the street, outside the Sato-Riva Restaurant. Matapos kaming sapilitang palabasin ni Mommy ay nagmamadali iton

