“R-RYU, kailan ka uuwi? We can reschedule our wedding again. Hindi ako galit. Magkakaa—” Matulin ang aking pagkakasabi, ngunit nahinto ang aking pagkasabik nang bigla niya na lamang putulin ang aking pakukwento. “Zemira, makinig ka sa akin nang mabuti,” pauna niyang salaysay kaya naitikom ko ang aking bibig. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang sasabihin, ngunit hindi ko pa rin mapigil ang aking pagngiti na ikinasimangot naman ng aking kaibigan na si Masien. “R-Ryu, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Babalik ka, hindi ba?” Umiiling-iling ako habang pinupunasan ang aking magkabilang pisngi na punong-puno ng luha dahil sa aking pag-iyak kanina. I was dying to know his answer, telling him that I need him here to complete me, however thousands of grenades exploded in front of me when I h

