BUMUNTONG-HININGA ako nang malalim habang nasa labas pa rin ng bintana ang paningin ko. Tahimik lamang ako simula pa kanina nang makaalis kami sa apartment. At ito namang kasama ko sa loob ng kotse, parang wala atang balak na kausapin ako, parang wala siyang kasama rito at hindi manlang ako sinagot nang magtanong ako kanina. Ano ba ang problema niya at hindi niya ako kinikibo? Hello! Hindi naman ako manghuhula para hulaan kung ano ang iniisip niya ngayon at kung ano ang nagawa kong mali para bigla siyang maging ganiyan ngayon sa akin. Muli akong nagbuntong-hininga nang malalim. Ah, ewan! Naiinis ako ngayon. Hanggang sa makarating kami sa eskwelahan na sinabi ko kay itay kung saan ko gustong mag-enroll. Magkasama nga kaming dalawa na nagpunta sa registrar upang magtanong kung ano an

