MABILIS na umangat ang mga kamay ko papunta sa kaniyang dibdib at malakas siyang itinulak palayo sa akin. Mabuti na lamang at nagtagumpay ako. “Ano ba, Kidlat!” Singhal ko sa kaniya at matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya habang nagtataas-baba ang aking dibdib at mga balikat. “Huwag mo akong idaan sa mga pahalik-halik mo.” Saad ko pa. Nagtiim-bagang naman siya. At kagaya ko ay seryoso rin ang tingin sa akin. “Alam mo, kung ganitong mababa ang tingin sa akin, mabuti pang ngayon pa lamang ay putulin na natin kung anuman itong nararamdaman natin para sa isa’t isa. Walang magandang patutunguhan itong nararamdaman natin kung mababa lang ang tingin mo sa akin, Kidlat.” Madiing binitawan ko ang mga katagang iyon sa kaniya. “So you’re breaking up with me?” Halos mag-isang linya na ang

