HINDI ako mapakali at paroo’t parito ang lakad ko sa loob ng aking kwarto. Katatapos lamang namin magkausap ng itay at sinabi nga nito sa akin kanina na gusto raw ako nitong ipakilala mamayang gabi bilang isang anak nito. Ayoko pa sanang pumayag dahil hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa kung anuman ang maaaring sabihin ng mga tao sa akin, pero sa huli ay hindi ko na rin natanggihan ang itay. It’s his birthday at nakiusap ito sa akin, kaya wala na rin akong nagawa. Kung iyon ang ikatutuwa nito sa araw ng birthday nito, bakit hindi ko pagbigyan, hindi ba? Hindi ko lang talaga mapigilan ang kabahan nang masiyado. Muli akong bumuntong-hininga nang malalim upang tanggalin ang kaba sa dibdib ko. At mayamaya lamang ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Hindi pa man din

