MULING sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin ni Kidlat. Nakapulupot pa rin sa leeg niya ang mga braso ko at ang isang braso naman niya ay nakakadena rin sa baywang ko, samantalang masuyong humahaplos sa pisngi ko ang likod ng isang kamay niya. “You’re so beautiful, baby. Hindi nakakasawa titigan ang mukha mo.” Mahinang sambit niya sa tapat ng aking mukha kaya amoy na amoy ko na naman ang mabango niyang hininga. “At ang guwapo mo rin. Hindi rin nakakasawa titigan ang mukha mo. Kahit minsan... ay hindi, kahit madalas ay magkasalubong ang mga kilay mo at nakasimangot ka, masungit ka. Guwapo ka pa rin.” “That’s why you like me!” “Siguro.” Bahagya siyang umismid dahil sa sinabi ko. Napahagikhik naman ako at bahagyang tumingkaya

