“CAN I KISS YOU, PSYCHE?” muling tanong niya sa akin nang hindi na naman ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kaniya ng mataman habang ang puso ko ay patuloy pa rin sa pagreregodon. Holy, sasabog ata ang dibdib ko ngayon dahil sa labis na kaligayahan! Is this true? Nagkaaminan na kami ng feelings namin para sa isa’t isa? Baka naman nananaginip lang ako ngayon?! Muli kong naramdaman ang pagdampi ng kamay niya sa baba ko. Muli, masuyo niyang pinisil iyon. “Please, answer me,” halos pabulong ng sabi niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata at mga labi ko. Dahil hindi nagkakalayo ang mga mukha namin, amoy na amoy ko na naman ang mabango niyang hininga. Damn it’s so relaxing. “I expect an answer to my question, Psyche.” Umawang ang bibig ko. Pero kagaya sa mg

