“NATALIJA, nasaan na si Gloria?” tanong ko rito nang pumasok ito sa silid. Nakaupo pa rin ako sa gilid ng hospital bed at binabantayan ko pa rin ang itay. “Nasa labas, bes. May kausap pa sa cellphone niya.” Sagot nito sa akin. Tumayo naman ako sa puwesto ko. “Ikaw na muna ang magbantay rito kay itay, Natalija. Kakausapin ko lang si Gloria,” sabi ko. Tumango naman ito at naglakad palapit sa sofa. Ako naman ay naglakad na rin upang lumabas ng silid. Nakita ko nga si Gloria na nakaupo sa bleacher na nasa gilid ng hallway at may kausap sa cellphone nito. At nang makita ako nitong lumabas, kaagad itong nagpaalam sa kausap nito. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin. “Ma’am Psyche!” anito. Bumuntong-hininga ako nang malalim habang seryoso akong nakatitig sa mga mata nito. Pinipilit kong b

