EWAN ko, pero bigla akong nakadama ng inis nang makita ko si Luana. Naglalakad ito palapit sa amin ni Kidlat. My God! Masiyadong revealing ang damit na suot nito. Bodycon red two piece dress. Halos lumuwa ang malalaki nitong dibdib at sigurado ako, isang maling upo lang nito ay masisilipan agad ito sa sobrang iksi niyon. Lihim na lamang akong napairap at bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Kidlat. “Luana!” anang Kidlat. Ngumiti naman ito. “Hi, Kidlat.” Anito. “Hi, Psyche!” Tipid na lamang akong ngumiti rito. “What are you doing here, Luana?” tanong ni Kidlat dito. “Well, I just wanted to visit Tito Felip. I heard kasi na isinugod siya rito sa ospital.” Anito na biglang lumamlam ang hitsura. Mataman din itong tumitig sa akin. “Oh, I feel bad for you, Psyche. But don’t worry, I know

