BIGLA akong naalimpungatan at nagmulat ng mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. At nang mapatingin ako sa bahagyang nakabukas na pinto ng silid na inuokupa ng itay ay nakita kong naroon sa labas si Kidlat. Parang may kausap ata siya! Dahan-dahan akong kumilos sa puwesto ko upang umupo at saglit na inayos ang buhok at damit ko at pagkatapos ay tumayo ako at naglakad ako palapit sa pinto. Sumilip pa ako sa siwang niyon upang saglit na pakinggan ang pagsasalita ni Kidlat, pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya kasi ibang lenggwahe ang gamit niya. Basta ang nakikita ko sa naka-side view niyang mukha ay sobra siyang seryoso ngayon. Nang sinilip ko rin kung sino ang kausap niya, nakita ko ang kakambal niyang si Ulap. Kaagad naman ako nitong nakita na naka

