“SI LUANA ang nag-utos kay Gloria para patayin si Tito Felipe?” mahinang tanong ni Arn kay Ulap habang nakasilip pa rin ang mga ito sa loob ng kwarto. “Nasa mansion pa ako ngayon ni Don Felipe. Naghahanap ako ng pera dito. Oo naman! Papatayin lang din naman natin ang matandang ’yon kaya bakit hindi pa ako kumuha ng pera niya? Luana, relax ka lang. Don’t worry. Pagkabalik ko ngayong gabi roon sa ospital, sinisigurado ko sa ’yo na hindi na magigising nang tuluyan ang matandang iyon, at sinisigurado ko rin na magtatagumpay ka sa plano mo. Kapag namatay na ang matandang ’yon at malaman ni Psyche na si Kidlat ang nag-utos na ipapatay ang tatay niya, sigurado akong kamumuhian ni Psyche si Kidlat at puwede mo na siyang balikan ulit. So, chill ka lang! Sa ngayon, hayaan mo muna akong maghanap ng

