MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kidlat sa ere habang matalim ang titig niya kay Gloria na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nakatali ito sa upuan habang may duct tape rin ang bibig nito. “I still can’t believe na si Luana pala ang may kagagawan nito kay Ninong Felipe,” sabi niya at napailing pa. “Kahit ako hindi rin makapaniwala, bro.” Saad naman ni Ulap sa kaniya. “Narinig namin ang mga sinabi ni Gloria habang kausap niya sa cellphone si Luana.” “Yeah, and I recorded it. Baka kasi magkaroon ng problema sa inyo ni Psyche,” sabi naman ni Arn na nakaupo sa isang silya habang nakataas ang mga paa nito sa mahabang mesa. Kumakain ito ng mansana. “Kasi ang sabi ni Gloria kay Luana, plano raw talaga ng ex mo na sirain kayo ni Psyche para makuha ka niya. Tsk. Iba talaga ang s

