PAGKAMULAT pa lamang ng aking mga mata, ang nakangiting mukha agad ni Luana ang una kong nakita. Nakaupo ito sa silyang nasa tapat ko. “Hello, Psyche!” “L-luana?” mahinang sambit ko sa pangalan nito. Akma na sana akong kikilos sa puwesto ko, pero hindi ko naman iyon nagawa. At nang yumuko ako para tingnan ang sarili ko, ganoon na lamang ang labis na pagsasalubong ng aking mga kilay nang makita kong nakatali pala ako sa upuan. “A-ano... ano ang ginawa mo sa akin, Luana? Nasaan ako?” tanong ko at nag-umpisa nang salakayin ng kakaibang kaba at takot ang puso ko lalo na nang makita ko ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito. “Relax, Psyche! Huwag ka munang mag-panic diyan. Wala pa naman akong ginagawang masama sa ’yo.” Anito. “Hayop ka!” pagmumura ko. “Wala akong ginawang kasalanan sa ’yo

