HINDI pa man nakakaparada nang maayos ang sasakyan ay kaagad na bumaba si Kidlat at nagmamadaling napatakbo palapit sa bahay na nagliliyab na sa laki ng apoy. “Psyche!” sigaw niya habang binabayo nang malakas ang kaniyang dibdib dahil sa takot at pag-aalala para sa nobya. “Psyche!” “Bro, hindi ka puwedeng pumasok diyan! Malaki na ang apoy.” Anang Ulap na bigla siyang pinigilan sa kaniyang braso nang akma na sana siyang lalapit sa pintuan ng bahay. “I need to find, Psyche, Guilherme!” mariing saad niya. “Pero delikado na kung papasok ka pa sa bahay na ’yan, Kidlat.” Saad din naman ni Arn sa kaniya. “Fuck.” Tiim-bagang na usal niya pagkuwa’y sunod-sunod at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere. Nagparoo’t parito siya ng lakad habang pinagmamasdan ang bahay na kinakain

