BUMUNTONG-HININGA ako nang malalim habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. Malapit na kami sa bahay. Pagkatapos ng klase namin ni Natalija at kaagad akong nag-aya na umuwi sa bahay dahil medyo masama ang pakiramdam ko ngayon. It’s been seven months, pagkatapos ng mga nangyari na hindi maganda. Marami na rin ang nangyari sa loob ng pintong buwan na lumipas. Si itay, awa ng Diyos ay naging okay na rin ang kalagayan nito. Ilang araw pa ang lumipas no’ng madala ako sa ospital ay nagkaroon naman ng malay ang tatay ko. Dahil nga na-stroke ito, kaya kinailangan namin na ikunsulta ito sa kaniyang therapist para kaagad na manumbalik ang kondisyon ng katawan nito. Naging maingat din kami sa pagpapakain at pag-aalaga sa tatay ko. At sa awa ng Diyos, kaagad din namang nakabawi ang katawan nito.

