NAPAUNGOL ako nang bahagyang kagatin ni Kidlat ang pang-ilalim kong labi. Tila nanggigigil siya. Pero hindi naman ako nasaktan. Hinawakan niya ang mga kamay ko at dinala niya iyon sa itaas ng ulo ko. Mayamaya ay malalim at mabigat na paghinga na may kasama pa ring ungol ang pinakawalan ko nang bitawan niya ang mga labi ko at bumaba ang halik niya sa baba ko, papunta sa leeg ko. Damn. Mag-iisang taon na lamang kaming magkarelasyon ni Kidlat, pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Feeling ko ay unti-unting nilalamon ng init ang buong katawan ko. Ang paraan ng pag-angkin niya sa mga labi ko ay kakaiba sa paraan ng mga halik na ibinibigay niya sa akin dati. Para bang ingat na ingat siya dati dahil alam nga niyang hindi pa ako handa na gawin namin ang bagay na ito. Pero ngayong

