KULANG na kulang ang dalawang araw na bakasyon namin ni Kidlat kasama ang mga kapatid at kaibigan niya. Pero kahit ganoon pa man ay labis akong nag-enjoy sa bakasyon naming iyon. Lalo pa at nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko dahil sa pagpo-proposed sa akin ni Kidlat. Kung sana nga lang ay wala pa akong pasok sa school, maglalambing ako sa kaniya na manatili pa kami sa isla ng ilang araw pa. Pero kailangan na naming umuwi. Gabi na nang makarating kami sa mansion. Excited na excited akong makausap si itay dahil sa nangyaring proposal sa akin ng irog ko. Nang makababa kami ni Kidlat sa kotse niya, kaagad na sumalubong sa amin si Natalija. Malapad ang ngiti sa mga labi ko nang yakapin ko ito. “Ang saya-saya mo ata ngayon, amiga?” kunot ang noo pero nakangiti namang tanong nito sa akin.

