“SAAN mo ba ako dadalhin, Kidlat?” tanong ko sa kaniya habang nasa front seat ako at siya naman ang nagmamaneho sa kaniyang sasakyan. “It’s a surprise, baby.” Nakangiting saad niya nang saglit niya akong nilingon. Bahagya akong bumuntong-hininga. “Kanina mo pa sinasabi ’yan kaya mas lalo akong kinakabahan kung ano ba talaga ang surprise mo para sa akin,” wika ko sa kaniya. “Hindi ba puwedeng bigyan mo ako ng clue?” “Baby, kung bibigyan kita ng clue, that means hindi na ’yon surprise.” Nakangiti pa ring saad niya. Napairap naman ako at muling itinuon na lamang sa labas ng bintana ang aking paningin. Halos twenty minutes na kaming nasa biyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon. Hindi pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. “Are you hungry?” tanong niya mayamaya. Lumingon nam

