“PSYCHE is your girlfriend?” tanong ni Ulap sa kaniyang kapatid. Nakatalikod man ako mula kay Kidlat, pero naramdaman kong naglakad siya palapit sa puwesto namin, hanggang sa umalis sa tabi ko si Arn at doon naman siya tumayo sa gilid ko. “Psyche is my girlfriend,” sabi niya. “Oh, so, siya pala ang sinasabi mong girlfriend mo na inaway ka no’ng nakaraan?” tanong naman ni Arn. Kunot ang noo na nilingon ko siya. At ang loko, ngumiti sa akin ng malapad at matamis. Ugh, hindi ako makukuha sa pangiti-ngiti niyang iyon. Inismiran ko siya pagkuwa’y tumayo ako sa puwesto ko. “Halika na, Natalija! Umuwi na tayo.” Inis na saad ko. “Huh? W-wait, baby. Where are you going?” tanong niya sa akin nang hawakan niya ako sa braso ko upang pigilan sa aking akmang pag-alis. Pumihit ako paharap sa ka

