MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatayo ako sa veranda ng kwarto ko at nakatanaw pa rin ako sa labas ng gate. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito at nakatayo, hindi iniinda ang pagod at pananakit ng mga paa ko. Alas dyes na ng gabi. Tulog na ang mga tao sa bahay pero heto ako, naghihintay at nagbabakasakaling dumating si Kidlat. Tatlong araw na simula nang umalis siya nang hindi manlang nagpapaalam sa akin. At tatlong araw na rin akong napapraning kakaisip sa kaniya, kung nasaan na siya ngayon, kung bakit hindi niya manlang magawang tumawag o mag-text sa akin para ipaalam na okay lang siya. Hindi ’yong ganitong wala siyang paramdam kaya naloloka na ako kakaisip kung safe ba siya o may masama nang nangyari sa kaniya kaya hindi na siya nakatawag o naka

