“ITAY!” habang naglalakad ako sa swimming pool area palapit sa gazebo kung nasaan ang itay. Kakagising ko lang ngayon at mamayang tanghali ay pupunta ulit ako sa Casa para simulan na ulit ang trabaho ko roon. Ang gusto sana ng itay ay ako na ang maging manager sa bar at ililipat na lang daw si Ma’am She sa ibang department ng Casa, pero tumanggi naman ako. Ang sabi ko ay gusto kong gawin pa rin ang trabaho ko dati. Wala naman nagawa ang itay kun’di pumayag sa gusto ko. “Good morning, sweetheart.” Nakangiting lumapit ako kay itay at hinalikan ko ito sa pisngi bago ako umupo sa single couch na nasa tabi nito. “Good morning po.” Bati ko rin dito. “Itay, si Kidlat po pala nasaan? Kahapon ko pa po siya hindi nakikita rito, e!” Kahapon pagkauwi ko rito ay hindi ko nga siya nakita. Naghintay

