“PLEASE, NINONG FELIPE!” Mahinang saad niya sa matanda habang hindi pa rin nagbabago ang mataman niyang pagtitig sa mukha nito. Muli itong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga saka siya tiningnan uli. Ilang segundo itong nanahimik bago muling nagsalita. “To be honest, Kidlat, I like you for my daughter dahil kilalang-kilala na kita. You’re a good person.” Bahagya naman siyang napangiti dahil sa sinabi ng kaniyang ninong. “Pero kung ganitong may problema pa sa inyo ni Luana or hindi pa rin malinaw sa kaniya ang paghihiwalay ninyo, hindi ako papayag na makipag-relasyon sa ’yo ang anak ko dahil sigurado akong masasaktan lamang siya. Ayoko naman na mangyari ’yon.” Tumango siya. “Okay, ninong.” Aniya. “I’ll talk to Luana again. Siguro nga ay tama kayo. Hanggat hindi pa tinatanggap

