NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may palad ang masuyong humahaplos sa balikat ko at panaka-nakang humahalik sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng aking mga mata, bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko ang anino ng lalaking nakaupo sa gilid ng kama ko. At dahil dim lamang ang ilaw sa loob ng kwarto ko kaya hindi ko agad nakilala kung sino ang lalaking ito. Pero nang mag-adjust na ang paningin ko, nakita ko na ang mukha ni Kidlat habang mataman siyang nakatunghay sa akin. “K-kidlat?” mahinang sambit ko sa pangalan niya. At kikilos na sana ako sa puwesto ko para bumangon, pero pinigilan niya naman ako. “Shhh! Just stay, baby.” Aniya. Umayos ako sa puwesto ko. Mayamaya ay narinig ko naman ang pagsinghot niya kaya napakunot uli ang noo ko. “U-umiiyak ka ba?” tanong ko sa

