Gaya nga nang napag-usapan nila ni Charlie, maaga pa lang ay inaabangan na niya ito sa labas ng bahay ng mga nito. Hindi na niya dinaanan si Jackie dahil alam naman nito na balak niyang masolo si Charlie. Well hindi niya iyon sinabi sa kaniyang kaibigan, pero matic na ‘yon. Maiintindihan din siya nito mamaya, kapag nagkita na sila sa school. Nag-ayos siya nang husto, at nagpabango. Kulang na nga lang ubusin niya ang isang bote ng cologne, para mabango siya paglapit ni Charlie. “Good Morning!” agad niyang bati nang makita si Charlie na palabas ng gate ng mga ito. “Good morning, nasaan si Jackie?” bati rin nito sa kaniya saka hinanap ang kaibigan. “Ahm, sabi niya mauna na raw tayo kasi na-late siya nang gising eh,” pagdadahilan niya rito. “Ah ganon ba? Sige tara na pala,” anito saka yaya

