Problemado si Charlie nang araw na iyon, kaya naman minessage niya si Maggy na magkita sila sa kanilang paaralan bago mag-umpisa ang mga klase nila. Pinuntahan naman siya ng kaibigan at napag-usapan nga nila ang tungkol sa kaniyang pinoproblema. Hindi niya kasi alam kung paanong sasabihin sa mga magulang niya, na ayaw na niyang ituloy ang pagte-teacher. Gusto na niya talaga ang maging fashion designer. Kaso hindi niya alam kung paanong approach ang gagawin niya sa kaniyang mga magulang. Kaya naman nang sabihin ni Maggy na sasamahan siya nito ay pumayag na rin siya. Kasi feeling niya kung siya lang mag-isa ang haharap sa kaniyang mga magulang, ay baka himatayin na lang siya lahat-lahat, ay hindi pa rin niya nasasabi sa mga ito ang kaniyang dapat sabihin. Kaya nang matapos ang kaniyang hul

