Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi nila namalayang naka-isang semester na pala sila sa Centro University. Bihira na silang magkita-kita dahil sa magkakaiba nilang schedules. Sila lang ni Maggy ang medyo madalas, dahil nga pareho sila ng kurso. Minsang nagkasabay-sabay silang apat ay talaga namang sobra ang pagkapanabik nila sa isa’t-isa. “Uyyy, na-miss ko ito! Fish ball, palamig, kwentuhan at siyempre kayo,” sabi ni Jackie habang kumakain ng fish ball. Nasa park sila ng mga araw na iyon, at tumatambay just like their highschool days. “Oo nga nakaka-miss din pala si Manong na nagtitinda ng fish ball ‘no?” natatawang sabi naman ni Maggy. “Kumusta naman ang future nurse natin?” tanong ni Charlie kay Jackie. “Ito nagsusunog ng kilay. Mahirap pala iyon, minsan hindi kinakaya ng br

